Buhay na naman ang local movies !
October 31, 2001 | 12:00am
Malinaw na malinaw ang mga palatandaan ng muling pagkabuhay ng local movie industry na ipinalalagay ng karamihan, maging ang mga local filmmakers mismo, na ito ay naghihingalo na at hinihintay na lang na mamatay ito at ilibing. There are strong signs that the third quarter of the year 2001 will be filled with production activities that will mark the revival of Philippine movies, at least in quantity if not real artistry and innovation. The annual Metro Manila Film Festival is surely a driving force to the present rush of activities. But I supposed the country is in the mood for entertainment and good times, sa kabila ng patung-patong na problema ng bansahindi lamang ang ating internal wrestling for stability at sa eradication ng graft, corruption and crime in the government.
Kahit sabihin pang nagbabanta ang puwersa ng mga terorista sa buong mundo, may anthrax pang lumalaganap, at kung anu-anong akusasyon kung kani-kaninong matataas na personalidad sa gobyerno, mangingibabaw pa rin ang impluwensiya ng darating na Kapaskuhan upang makalimutan ng mga tao ang mga tambak na kahirapan at ipagdiwang ang nasabing okasyon. Walang panama si Bin Laden sa harap ng darating na holiday season.
Mapapansin nyong every week ay nakikipag-agawan ang Regal, Viva at Star Cinema sa mga playdates. Ang Star Cinema ay panay na panay ang release at sinusuwerte naman ang sister company ng ABS-CBN mula nang ipalabas ang Bakit Di Totohanin nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Nasundan pa ito ng La Vida Rosa nina Rosanna Roces at Diether Ocampo. Kapag ipinagpatuloy nina Piolo at Diether ang kanilang lakas sa takilya, masasabing mga tunay na silang box-office attractions. Inaasahan din na ang Trip nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ay magiging hit kung ibabatay lamang sa laki, tindi at launch ng publicity at promo ng pelikula. Kapag kumita ang Trip mahahanay na rin si Jericho sa mga pinakamalakas ang potensyal na maging isang tunay na superstar.
Pero hindi lamang sa Star Cinema may mga pinasisikat na bituin. Kinuha na ng Viva Films si Angelika dela Cruz upang itambal kay Robin Padilla. Si Cogie Domingo ay gumagawa na ng ingay sa Regal pagkatapos ng kanyang matagumpay na Death Row noong isang taon mula sa GMA Films. Matunog din na baka ma-convince ng mag-join sa showbiz si Luis "Lucky" Manzano (anak ni Ate Vi) at si Borgy Manotoc (anak ni Imee Marcos) na magiging mga bagong crush ng bayan. Hinihimok pa si Sharon Cuneta na payagan niyang i-launch si KC Concepcion pagkatapos nitong makita ng publiko sa stage musical na The Little Mermaid.
Matunog na matunog din na maraming movie offers para kay Gina Celsoang Gracia sa buhay ni Billy ng PLDT commercial seriespero ang problema nga ng dalagang half-Filipino at half-Norwegian ay hindi pa ito marunong mag-Tagalog. Rumaratsada na muli si Gretchen Barretto na kapansin-pansin ang kanyang bagong shampoo commercial at nagbabalak na rin itong magbalik-pelikula. Masigla na muli ang career ni Janice de Belen sa bisa ng kanyang mga programa sa GMA-7. Nagso-shooting na rin ng bagong movie sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Everything points out to be a really holiday season for showbiz as local producers cram, shooting three or four movies to make it to the annual MMFF screenings. Sa unang linggo pa lamang ng Disyembre, papasok na ang Cinemanila International Film Festival spearheaded by Tikoy Aguiluz with the full support of the city of Makati.
Magandang pagkakataon ito upang makapanood ang local audiences ng award-winning international films. At pagkatapos ng Cinemanila ay itatanghal naman ang MMFF sa Disyembre 25. I have learned that Star Cinema has several films in the can and ready for releases gaya ng American Adobo ni Laurice Guillen at ilang experimental digital movies kabilang na rito ang isang idinirek ni Gil Portes.
All in all nahaharap ang local movie industry sa isang maligaya at masaganang pagtatapos ng taong 2001. At sana magpatuloy ang ganitong suwerte hanggang sa susunod na taong 2002. Pero mayroon daw movie si Fernando Poe, Jr. sa 2002, bandang January o February. Busy na rin si Richard Gomez, Bong Revilla. Hintayin na natin ang pagbabalik nina Phillip Salvador, Rudy Fernandez at Aga Muhlach.
Matunog na matunog din na maraming movie offers para kay Gina Celsoang Gracia sa buhay ni Billy ng PLDT commercial seriespero ang problema nga ng dalagang half-Filipino at half-Norwegian ay hindi pa ito marunong mag-Tagalog. Rumaratsada na muli si Gretchen Barretto na kapansin-pansin ang kanyang bagong shampoo commercial at nagbabalak na rin itong magbalik-pelikula. Masigla na muli ang career ni Janice de Belen sa bisa ng kanyang mga programa sa GMA-7. Nagso-shooting na rin ng bagong movie sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Magandang pagkakataon ito upang makapanood ang local audiences ng award-winning international films. At pagkatapos ng Cinemanila ay itatanghal naman ang MMFF sa Disyembre 25. I have learned that Star Cinema has several films in the can and ready for releases gaya ng American Adobo ni Laurice Guillen at ilang experimental digital movies kabilang na rito ang isang idinirek ni Gil Portes.
All in all nahaharap ang local movie industry sa isang maligaya at masaganang pagtatapos ng taong 2001. At sana magpatuloy ang ganitong suwerte hanggang sa susunod na taong 2002. Pero mayroon daw movie si Fernando Poe, Jr. sa 2002, bandang January o February. Busy na rin si Richard Gomez, Bong Revilla. Hintayin na natin ang pagbabalik nina Phillip Salvador, Rudy Fernandez at Aga Muhlach.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended