^

PSN Showbiz

Iimbestigahan ang 'WW2BAM'

- Veronica R. Samio -
May panukala na iimbestigahan ng Senado ang malaganap na game show ng Viva-TV sa IBC 13 na Who Wants To Be A Millionaire. May mga reklamo raw na lumalabas na ang naturang palabas ay isang sugal.

Sa isang presscon na tinawag ng Viva hindi para sagutin ito, kundi para ihayag ang kanilang mga plano para sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng WW2BAM, itinanggi ng mga namamahala ang paratang na ito. Walang perang ginagastos o itinatapon ang mga gustong sumali na tulad ng sa lotto o sweepstakes. Contestants come to the show with nothing.

Oo nga naman. Bakit kung kailan nagkakagulo na ang lahat ng istasyon sa telebisyon dahilan sa napaka-laking tagumpay ng WW2BAM ay saka pa nagkakaroon ng ganitong mga pagdududa? Kung mayroon mang ilan na gumagastos ng malaki sa telepono sa kagustuhang makasali agad, mas nakakarami ang nakakasali with the least amount of telephone bills. Ang mga nagre-reklamo ba ay yung hindi makasali?

Sa Nob. 13, may special presentation ang WW2BAM. Lahat ng contestants ay pawang mga November-born. Napili sila mula sa isang special anniversary phone line at ngayon ay may tsansa silang manalo ng P2M.

Nag-imbita rin ang Viva ng mga former winners, former contestants at frequent callers na hindi pa napipili para makasama sa audience at maging bahagi ng selebrasyon.

Bukod sa P2M, ang mga kalahok na nagmumula sa iba’t ibang panig ng bansa ay bibibigyan ng libreng transportasyon, overnight stay or longer sa Grand Boulevard Hotel, ang bagong tahanan ng WW2BAM.

Dalawamput apat na milyong piso na ang naipapamigay ng show sa isang taon nito sa ere. Apat na manunulat ang naghahanda ng mga katanungan.

Ang host ng show na si Christopher de Leon ay umaaming mas nagi-enjoy siya ngayon bagaman at mas natsa-challenge siya ngayong marami na silang kalabang shows. Kung nag-hit man siya bilang isang game show host, ito ay sa dahilan ang WW2BAM ay isang drama format. Ito ang forte niya. Idinagdag din niya na hindi niya inaaring threat sa kanyang trabaho si Edu Manzano sa bagong palaro na The Weakest Link. "His show compliments Millionaire. Iba ang approach niya kaysa sa akin. I have to emphatize with the audience," aniya.

Idinagdag din niya na sa kalagitnaan ng Nobyembre ay mayroong malaking pagbabago siyang gagawin sa kanyang paghu-host ng show.
*****
Walang kayabang-yabang ang kapatid sa hanapbuhay na si Joven Tan na sabihin na matapos ang Kapitan Ambo, Outside the Kulambo na dinirek niya para sa FLT Films ay isa pang bold movie ang susunod niyang gagawin na magtatampok kay Barbara Milano. Ito ang Talipandas, ang huling pelikula na ginawa ng namayapang si Ricky Belmonte. Sa Regal Films naman ito.

Hindi lamang ang mga aktor sa pelikula ang pumupuri sa napaka-gandang kooperasyon at propesyonalismo na ipinakikita ni Eddie Garcia. Maging si Direk Joven ay namamangha sa hindi nito pagiging maramot sa kanyang kaalaman. He readily gives advice when asked at kapag hinihingian ng suhestyon ay hindi ito mapagkait.

Ang pelikula ay tungkol sa isang kapitan ng barangay (Eddie) na nagkaroon ng problema sa kanyang pagkalalaki. Dahil dito, iniwan siya ng asawa niya. Nakahanap naman siya ng solusyon pero, wala na ang asawa niya.

Kasama ni Eddie sa movie sina Klaudia Koronel at Isabel Granada na nagpaseksihan sa movie. Bukod dito, inilabas din nila ang kanilang talino sa pagpapatawa. Malaki rin ang role ni Long Mejia, na gumaganap na sidekick ni Eddie. Kahit kilala na siya ng mga manonood ng TV, ang pagkakasama sa isang pelikula ni Eddie ay magbibigay sa kanya ng mas lalong malaking kasikatan.

BARBARA MILANO

BUKOD

DIREK JOVEN

EDDIE

EDDIE GARCIA

EDU MANZANO

ISANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with