Bold actor, kahapon, ngayon
October 26, 2001 | 12:00am
Siya ang pinakasikat na bold actor ng kanyang panahon. Yon ang panahon ng pene movies noong mid-80s at siya si Mark Joseph, ang simbolo ng machismo. Tinagurian nga siyang pene king noong kasukdulan ng bold films.
"Gusto kong magbalik-pelikula pero ayoko nang bumalik sa dati kong ginawa," sabi ni Mark sa Pancake House Makati, noong Biyernes. "Hindi talaga maalis yung tatak na yon sa akin. Pero ko talagang mag-divert, bago ko iniwan ang movies noon, nag-produce ako at gumawa ng action films, di ba?"
Tumakbo ang panahon at nagka-edad na si Mark kaya hindi na siya talagang puwedeng mag-bold, gustuhin man niya. Pero anong papel ang inaasahan niya? "Hindi naman ako namimili. Payag akong maging supporting, mag-kontrabida, mag-father roles, kahit anong role, wag lang yung dati.
Tatlong film outfit ang nag-aalok sa kanya ngayon ng pelikula, pero sabi niya, hanggat hindi gumigiling ang kamera, hindi pa niya itinuturing na kasama siya sa cast. Pero ano yung balita na kaya raw gusto niyang sumariwa ang pangalan ay dahil tatakbo siya sa Angono bilang vice mayor sa 2004? "Walang-wala sa plano ko ang pulitika," diin ni Mark. "Marami ang nag-aalok sa akin noon pa, pero ayoko, magulo."
Si Mark ay ipinanganak at lumaki sa Bantayan Island, Cebu City. Doon siya nag-elementary. Noong 1974, lumipat ang pamilya niya sa Maynila at nag-high school siya sa University of the East. Kumuha siya ng Physical Therapy sa UST, pagkatapos, pero second year college lang ang inabot niya. Nakilala na kasi niya ang magiging misis niya, isang Chinese mestiza na businesswoman. Nag-aral siya ng karate, kapagkuwan at minsan, sinabi sa kanya ng ilang estudyanteng stuntmen na puwede siyang magkaroon ng break sa pelikula bilang action star.
"Sinamahan nila ako kay Jerry Talavera, producer ng Bukang Liwayway. Supporting role ako sa Kung Tawagin Siyay Bathala. Introducing ako sa Tolongges. Pinakahuli kong ginawa yung Get My Son ni Rudy Fernandez."
Nainip si Mark sa takbo ng career niya noon, kaya nang alukin siya ng isang kompanya na mag-bida sa isang bold film, Wanted Driver, pumayag siya. "May pangarap ako. Gusto kong magka-pangalan sa pelikula. Kaya pinasok ko ang bold films."
Ang mga kapanabayan ni Mark noon, sabi niya, ay sina Bobby Benitez, Tony Martinez at Greggy Liwag. Ang hindi niya malilimutang nakapareha ay sina Myrna Castillo at Maria Isabel Lopez. Mahigit 20 bold films ang kanyang nagawa pero hindi niya malilimutan ang Materiales Fuertes ni Tata Esteban, Tag-init, Nagpuputik Ang Langit ni Jun Posadas at Silip ni Elwood Perez. Ang huling pelikula ay isinali sa isang film festival abroad, sabi ni Mark.
Mula 1983 hanggang 1985 ang pamamayagpag ng pene movies. Noong 1986, sumuporta si Mark kay Lito Lapid sa Ben Tumbling. Noong 1987, nakasama si Mark sa Tagos ng Dugo ni Vilma Santos. Nang taon ding iyon, nagsugal ang Lucky Films kay Mark, bida siya bilang action star sa Boy de Sabog. Kumita ang pelikula, pero dumalang ang alok kay Mark. Gusto sana niyang mag-bold muli, pero tumutol ang misis niyang member ng 7th Day Adventist. Nag-prodyus ito ng pelikula sa asawa. Ginawa ng Rica Films noong 1991 ang Utol ni Ben Tumbling, sinundan ito ng Rey Guinto, Terror Hunter na ipina-release sa Harvest Films.
Pagkatapos ng dalawang prinodyus na pelikula, namahinga na si Mark sa showbiz. Nag-concentrate na lang siya sa business nilang mag-asawa, health and reflexology gadgets at herbal tea. Nagpabalik-balik siya sa Australia at America (Mississippi). Nag-aral siya ng Reflexology at Chirotherapy. Nag-masteral course siya sa Chirotherapy sa America, sa ilalim ni Dr. Doseback. "Nagbibigay ako ng free seminars sa ibat-ibang malalaking kompanya, nationwide," sabi ni Mark, "at dito ko natutuklasan na may mga tao na hanggang ngayon, sumusubaybay sa akin, nagtatanong sila kung kailan nila ako mapapanood muli sa pelikula."
Apat na ang mga anak ni Mark, puro babae, mga estudyante sa private schools: 1) Shelley Ann Mariel, 19, La Salle Taft 2) Myra Ann Margaret, 18, CEU 3) Rica Mier Ann Margot, 16, La Salle Antipolo at 4) Demi Rose Ann Michelle, 13, Poveda. "Inilihim ko noon ang status ko, pero February 1981 kasal na ako sa misis ko, civil wedding pa lang. Tahimik ang relasyon naming mag-asawa. Ako yung husband na trabaho lang talaga."
At ano ang reaksyon ng pamilya niya sa pagbabalik-pelikula niya? "Supportive naman sila. Alam nila yung naging tatak ko sa movies bilang bold actor noong araw ay kinalimutan ko na. Syempre naman, no? Ang lalaki na ng mga anak ko!"
Nag-react Si Ramon Yuson sa sinabi ng dati niyang talent na si Francis Enriquez sa taped interview sa bold actor dito sa PSN, Oct. 15. "Hindi ako humingi ng tawad sa kanya kahit kailan!" diin ni Ramon noong isang linggo." Ayon kay Ramon, nagkaroon ng kabayaran ang pag-urong ng demanda ni Francis sa kanya sa kasong frustrated murder at sexual harassment. "September 6, 1997, tapos na ang kaso," paglilinaw ni Ramon. Ang unang hiniling ni Francis ay ibayad sa kanya kapalit ng pag-urong niya ng kaso ay isang milyong piso. Humiling ito ng kalahating milyon, kapagkuwan, sabi ni Ramon. "One year and two months ding inabot ang hearing. Nakulong ako ng dalawang araw at nagpiyansa ako ng P50 thousand. Yung 50 thousand na yon ang ibinayad ko kay Francis kapalit ng pag-urong niya ng kaso noon. Sa harap ni Judge Galacgac ng La Trinidad, Benguet, inabot ko kay Francis yung singkuwento mil na yon!"
Pinag-usapan ang trahedyang naganap sa pagitan ng manager at talent ang pangyayaring yon noon. "Wala namang saksakang magaganap kung wala munang bugbugan. Binugbog niya ako, mula sa kuwarto hanggang kotse kaya sinaksak ko siya ng letter opener," linaw ni Ramon.
"Gusto kong magbalik-pelikula pero ayoko nang bumalik sa dati kong ginawa," sabi ni Mark sa Pancake House Makati, noong Biyernes. "Hindi talaga maalis yung tatak na yon sa akin. Pero ko talagang mag-divert, bago ko iniwan ang movies noon, nag-produce ako at gumawa ng action films, di ba?"
Tumakbo ang panahon at nagka-edad na si Mark kaya hindi na siya talagang puwedeng mag-bold, gustuhin man niya. Pero anong papel ang inaasahan niya? "Hindi naman ako namimili. Payag akong maging supporting, mag-kontrabida, mag-father roles, kahit anong role, wag lang yung dati.
Tatlong film outfit ang nag-aalok sa kanya ngayon ng pelikula, pero sabi niya, hanggat hindi gumigiling ang kamera, hindi pa niya itinuturing na kasama siya sa cast. Pero ano yung balita na kaya raw gusto niyang sumariwa ang pangalan ay dahil tatakbo siya sa Angono bilang vice mayor sa 2004? "Walang-wala sa plano ko ang pulitika," diin ni Mark. "Marami ang nag-aalok sa akin noon pa, pero ayoko, magulo."
Si Mark ay ipinanganak at lumaki sa Bantayan Island, Cebu City. Doon siya nag-elementary. Noong 1974, lumipat ang pamilya niya sa Maynila at nag-high school siya sa University of the East. Kumuha siya ng Physical Therapy sa UST, pagkatapos, pero second year college lang ang inabot niya. Nakilala na kasi niya ang magiging misis niya, isang Chinese mestiza na businesswoman. Nag-aral siya ng karate, kapagkuwan at minsan, sinabi sa kanya ng ilang estudyanteng stuntmen na puwede siyang magkaroon ng break sa pelikula bilang action star.
"Sinamahan nila ako kay Jerry Talavera, producer ng Bukang Liwayway. Supporting role ako sa Kung Tawagin Siyay Bathala. Introducing ako sa Tolongges. Pinakahuli kong ginawa yung Get My Son ni Rudy Fernandez."
Nainip si Mark sa takbo ng career niya noon, kaya nang alukin siya ng isang kompanya na mag-bida sa isang bold film, Wanted Driver, pumayag siya. "May pangarap ako. Gusto kong magka-pangalan sa pelikula. Kaya pinasok ko ang bold films."
Ang mga kapanabayan ni Mark noon, sabi niya, ay sina Bobby Benitez, Tony Martinez at Greggy Liwag. Ang hindi niya malilimutang nakapareha ay sina Myrna Castillo at Maria Isabel Lopez. Mahigit 20 bold films ang kanyang nagawa pero hindi niya malilimutan ang Materiales Fuertes ni Tata Esteban, Tag-init, Nagpuputik Ang Langit ni Jun Posadas at Silip ni Elwood Perez. Ang huling pelikula ay isinali sa isang film festival abroad, sabi ni Mark.
Mula 1983 hanggang 1985 ang pamamayagpag ng pene movies. Noong 1986, sumuporta si Mark kay Lito Lapid sa Ben Tumbling. Noong 1987, nakasama si Mark sa Tagos ng Dugo ni Vilma Santos. Nang taon ding iyon, nagsugal ang Lucky Films kay Mark, bida siya bilang action star sa Boy de Sabog. Kumita ang pelikula, pero dumalang ang alok kay Mark. Gusto sana niyang mag-bold muli, pero tumutol ang misis niyang member ng 7th Day Adventist. Nag-prodyus ito ng pelikula sa asawa. Ginawa ng Rica Films noong 1991 ang Utol ni Ben Tumbling, sinundan ito ng Rey Guinto, Terror Hunter na ipina-release sa Harvest Films.
Pagkatapos ng dalawang prinodyus na pelikula, namahinga na si Mark sa showbiz. Nag-concentrate na lang siya sa business nilang mag-asawa, health and reflexology gadgets at herbal tea. Nagpabalik-balik siya sa Australia at America (Mississippi). Nag-aral siya ng Reflexology at Chirotherapy. Nag-masteral course siya sa Chirotherapy sa America, sa ilalim ni Dr. Doseback. "Nagbibigay ako ng free seminars sa ibat-ibang malalaking kompanya, nationwide," sabi ni Mark, "at dito ko natutuklasan na may mga tao na hanggang ngayon, sumusubaybay sa akin, nagtatanong sila kung kailan nila ako mapapanood muli sa pelikula."
Apat na ang mga anak ni Mark, puro babae, mga estudyante sa private schools: 1) Shelley Ann Mariel, 19, La Salle Taft 2) Myra Ann Margaret, 18, CEU 3) Rica Mier Ann Margot, 16, La Salle Antipolo at 4) Demi Rose Ann Michelle, 13, Poveda. "Inilihim ko noon ang status ko, pero February 1981 kasal na ako sa misis ko, civil wedding pa lang. Tahimik ang relasyon naming mag-asawa. Ako yung husband na trabaho lang talaga."
At ano ang reaksyon ng pamilya niya sa pagbabalik-pelikula niya? "Supportive naman sila. Alam nila yung naging tatak ko sa movies bilang bold actor noong araw ay kinalimutan ko na. Syempre naman, no? Ang lalaki na ng mga anak ko!"
Pinag-usapan ang trahedyang naganap sa pagitan ng manager at talent ang pangyayaring yon noon. "Wala namang saksakang magaganap kung wala munang bugbugan. Binugbog niya ako, mula sa kuwarto hanggang kotse kaya sinaksak ko siya ng letter opener," linaw ni Ramon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended