^

PSN Showbiz

Wala pa ring kupas si Lovely Rivero

-
Hanggang ngayon ay taglay-taglay pa rin ni Lovely Rivero ang kagandahang minsan nating nasubaybayan sa That’s Entertainment. Hindi pa rin siya kumukupas kahit matagal siyang hindi nasilayan. Mas pinili kasi ni Lovely ang kanyang pamilya at iniwan niya pansamantala ang kanyang career. Pero visible na naman ang beauty ngayon ng petite actress. Semi-regular siya sa programang Recuerdo de Amor ng ABS-CBN at madalas ang guesting niya sa iba’t-ibang shows sa TV.

Hindi pa rin kasi makalimutan ni Lovely ang pagganap. Aniya, hindi na raw niya ito matatakasan dahil hinahanap ng kanyang katawan. Hindi na siya umaasa sa lead role, ang importante sa kanya ay may ginagawa siya at nagi-enjoy. Sa katunayan nga, may natapos na naman siyang pelikula at ito ay ang Hiyas...Sa Paraiso Ng Kasalanan ng Leo Films.

Very challenging ang role ni Lovely. Isa siyang mamasang sa pelikula. First time niyang gumanap sa naturang role at naloka siya dahil hindi niya inaasahan na ganoon ka-wild ang mga artistang babae na nagpapa-sexy ngayon. May mga eksena kasi na kailangang tingnan niya ang kabuuan ng mga babaeng pumapasok sa casa. Ginawa yun ni Lovely at nagulat siya kay Via Veloso nang makita ang hubad na katawan ng dalaga. Gustung-gusto niya ang kanyang role at ipinamalas na naman niya ang kanyang galing sa pagganap. Puwedeng-puwede nga siyang ihanay sa kalibre nina Janice de Belen, Dina Bonnevie at Maricel Soriano sa larangan ng pagganap. (Ulat ni Rodel Fernando)

ANIYA

BELEN

DINA BONNEVIE

LEO FILMS

LOVELY RIVERO

MARICEL SORIANO

NIYA

RODEL FERNANDO

SA PARAISO NG KASALANAN

VIA VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with