^

PSN Showbiz

Egoy ang boyfriend ni LJ Moreno

- Veronica R. Samio -
Dalawang buwan na pala ang relasyon ni LJ Moreno sa kanyang boyfriend of two months na Afro American, 25 years old, may taas na 6’1", taga-Springfield, Massachusettes at nagngangalang Shawn Jones. Kaibigan ito ng boyfriend ni Jackie Forster na kaibigan niya.

"Na-develop lang ako sa kanya. Matagal na niyang hinihiling sa boyfriend ni Jackie na maka-date ako pero hindi ko siya pinapansin nung una. Lately lang nang ma-realize ko na gusto ko rin siya," ani LJ during the presscon for GMA’s Ikaw Lang Ang Mamahalin na kung saan ay pinalitan niya si Sunshine Dizon bilang main kontrabida ni Angelika dela Cruz.

Wala sa bansa ang boyfriend ni LJ. Nasa Springfield ito na kung saan ay nagdaraos ito ng basketball clinic para sa mga kabataang may hilig dito. Dapat ay bumalik ito ng first week ng November pero, nagkaroon ito ng dislocated joint dahilan sa basketball. Naka-brace ito for one month.

Marami ang curious kung ano ang naka-attract kay LJ sa kanyang black boyfriend.

"Mabait siya at straightforward. Hindi ko nga expected na magugustuhan ko siya dahil puti ang gusto ko. Para cute ang maging anak ko. Hindi ko dati ma-picture ang sarili ko with a black guy pero ngayon I realize, it’s just color, skin lang ang naiba," paliwanag niya.

Bukod kay Shawn, si Diether Ocampo pa lamang ang pinaka-seryosong affair ni LJ. Four years tumagal ang relasyon nila. "Hindi pa naman talaga kami seryosong-seryoso. Two months pa lamang kami. Mahirap din yung long distance love affair," patuloy niya.

Hindi pa rin sila nag-uusap ni Diether simula nung maghiwalay sila. "Binati ko siya twice nang magkita kami sa gym pero, dinedma lang niya ako," imporma niya.

She looks forward to playing her role in ...Mamahalin.

Ni hindi siya natatakot na katulad ni Sunshine ay babatuhin din siya ng mga followers ni Angelika. "Pag nangyari ho yun, ibig sabihin, effective ako sa aking role," katwiran niya.
*****
Sabi ko siguro, mas effective na lounge singer ang baguhang si Sari. Kahit maganda ang boses niya, mas maganda siyang panoorin habang kumakanta dahil bukod sa maganda siya ay napaka-seksi pa. Siya siguro ang nagmeme-ari ng isa sa pinaka-magandang abdomen (tiyan) sa mga singer na nakita ko. Hindi lang ako, marami sa mga dumalo sa launching ng kanyang mega single na ginanap sa Hard Rock Cafe ay may ganitong paniniwala.

Si Sari ang isa sa mga artist na inilunsad ng bagong tatag na XAX Music Entertainment. Bago sa recording ay kumakanta na siya. Nagsimula siya sa edad na limang taon. Nung edad 12 ay sumali siya sa Tanghalan Ng Kampeon. Hinasa siya ng isang pastor ng United Methodist nang makabilang siya sa Angelic Voice Choir nito. Nanalo rin siya ng 2nd place sa Denise Williams Singing Contest ng Lunch Date. Grand prize winner siya sa Lea Salonga’s Hiyang Contest nung 1995.

Anim na awitin ang nakapaloob sa kanyang self-titled debut maxi single na prodyus ng Managing Director ng XAX na si Paulo Kurosawa. Unang single na ipo-promote niya ay ang "Bakit" na kinatha ni Ezra Dave Maling na siya ring gumawa ng lahat ng kanta sa album.
*****
Parang kailan lang, nakakaisang taon na pala ang programang Lunchbreak na napapanood tuwing tanghali sa IBC 13.

Nung una ay pinagtaasan din ng kilay ang programang ito dahil sa lakas ng loob nitong tumapat sa mga higanteng palabas ng ABS-CBN (Magandang tanghali Bayan) at GMA (Eat Bulaga). Malaking tagumpay ang pananatili nito sa ere ng isang taon sa kabila ng mga balakid. Sa mga darating pang linggo ay lalong gugulatin ng Lunchbreak ang kanilang mga kalaban.

Ang mga hosts ng programa (Leonard Obal, Joy Viado, Dang Cruz, Earl Ignacio, Yam Ledesma, Star Awards New TV Personality, co-hosts Natasia Nave, Isa Marquez, Hanna Villame at ang mga batang sina Thea at Tian-Tian) ay itinuturing na mga underrated pero, ayon sa mga reliable sources ko ay mas malalaki ang talent fees nila sa mga host ng mga kalabang shows kung kaya marami na ang nagpapahatid ng pasabi na gusto nang lumipat sa kanila ng ilan.

Ngayong Oktubre 23, 24 at 25, sa ganap na ika-11:00 ng umaga, naglalakihang production numbers at artista ang aapir sa show. Pero dahil natatakot sila na magaya ng mga kalaban kung kaya’t pananatilihin nilang sorpresa ang magaganap sa show. Sapat nang sabihin na sa Day 1, makikita sina Klaudia Koronel, Ana Capri, Mae Rivera, Alynna, Renz Verano, Lloyd Umali, Rey Kilay, John Lapus, Leonardo Litton, Anna Fegi, Ivy Violan, Jamie Rivera, Janine Desiderio at Isay Alvarez.

Nasa Day 2 naman sina Glydel Mercado, Georgina Sandico, Jo Canonizado, Daisy Reyes, Nina Ricci Alagao, Joanne Quintas, Mystika, Mo Twister, Ligit Misfits, BB Clan, Anne Curtis at Patrick Ervie Mateo, Jr.

Sa Day 3, naroroon ang Barbie’s Cradle, Alamid, Via Veloso, Lara Morena, Chad Borja, Ralion Alonso, Rannie Raymundo at Cody Moreno.

Makikilala rin ang bagong co-host ng show na sina Anne Lorraine, Lalaine Barretto, Everly Locsin, Donnie Evangelista, Nataniel Rivera, Ivan Gonzales at Cody Moreno.

Ang Lunchbreak ay nasa direksyon ni JR Ledesma.

vuukle comment

AFRO AMERICAN

ANA CAPRI

ANGELIC VOICE CHOIR

ANGELIKA

CODY MORENO

LUNCHBREAK

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with