^

PSN Showbiz

Patrick, muntik nang mamatay

-
Pangalawang buhay na pala ng teen heartthrob na si Patrick Garcia. Sa isang interbyu, sinabi nito na muntik na siyang mamaalam sa mundo nang maaksidente siya kamakailan.

Ayon sa kuwento ng binata, malakas ang ulan ng mga oras na ‘yon habang dina-drive niya ang isang car kasama ang ilang friends nang bigla raw may tumawid at ‘di inaasahang bumangga sila sa isang poste.

Total wrecked ang minamaneho niya. Suwerte na nga lang daw na mabuhay pa sila sa sobrang pagkawasak ng sasakyan.

"Kahit ako, ‘di makapaniwala na mabubuhay pa pati mga friends ko. Kung makikita n’yo lang ‘yung car," pagbibida ni Patrick.

"Ang natatandaan ko, hindi ako naka-seat belt. Nu’ng mangyari ‘yon at magising ako, nasa tabi ko na sa likod ang mga kasama ko. Himala na wala man lang akong kagalus-galos.

"It’s really a miracle na wala man lang akong tama o sugat. Parang walang nangyari. Pero ‘yung car, talagang wasak na. Ang ikinatakot ko lang, sa mom ko ‘yung car na ginamit ko.

"Hindi ko talaga alam kung paano kong ie-explain sa mom ko ang nangyari. She was in the States that time. Kaya ang pumasok sa isip ko, malalagot ako.

"But then I’m really thankful na binigyan pa ulit ako ng second life nang nasa Itaas. Parang may meaning din ang nangyari and it’s really a big lesson na mas maging maingat na ako.

"Pero ang feeling ko nakaligtas ako ng isang tao na muntik na rin naming madisgrasya. Kung ‘di siguro ako nakaiwas agad, baka nakasagasa na ako kaya siguro naligtas din ang mga buhay namin," mahabang kuwento pa ng guwapong aktor na nu’ng una’y ayaw na rin itong ipasulat pa pero napapayag na rin namin. (Ulat ni Robert Perez)

AKO

AYON

HIMALA

ITAAS

KAHIT

KAYA

PATRICK GARCIA

PERO

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with