^

PSN Showbiz

Aya, mag-aaral na lang sa Bicol

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Sa tinagal-tagal ni Aya Medel na kaa-attend ng press conference sa tuwing meron siyang ipino-promote na pelikula, sa FLT Films, Naked Nights lang siya nagkataon na nanakawan ng cellphone na ginanap sa Max’s, Quezon Avenue noong isang linggo.

"Nasa presidential table ako noon, nang tumayo ako para sa isang TV interview," pagbabalik-tanaw niya sa pangyayari, "nakalimutan ko sa table yung cellphone ko, Nokia 8890, worth 26 thousand pesos, saglit lang, paglingon ko, wala na! Ang daming nakihanap, pero hindi rin nakita.

"Mahirap magsalita kung sino ang kumuha. Ayokong magbintang dahil wala namang nakakita. Konsensya na lang ng kumuha. Pero inireport ko na yung pagkawala. May security code yon, hindi rin magagamit ng nagnakaw. Syempre, nanghihinayang ako sa pagkawala, bagong labas pa naman yung cellphone na yon."

Wala na rin sa buhay ni Aya ang boyfriend niyang co-host ni German Moreno sa Master Showman. "One month na kaming wala nun," sabi niya. "Ako ang umayaw. Ayoko na lang. Wala naman kaming commitment talaga, kung tutuusin. Sweet pa rin kami sa isa’t isa kahit hindi na kami. Ilang months lang kami. Pero best of friends kami ngayon. Nag-uusap kami paminsan-minsan. Alam niya, may special someone ako ngayon, hindi taga-showbiz pero galante."

Sa totoo lang, kailangang mayaman ang magiging boyfriend ni Aya dahil sa kanyang lifestyle. Sabi nga ng manager niyang si Jojo Veloso, "Bigyan mo yan ng P100,000 ngayon, mauubos niya yan lahat sa kabibili lang ng gamit niya sa katawan!"

Pero sabi naman ni Aya, "Hindi naman ako ganun kaluho. Marunong din naman akong humawak ng pera. Hanggang ngayon, tinutulungan ko pa rin ang mother ko at mga kapatid ko sa Bicol. Magkakasya ba yung suweldo ng mommy ko sa pagiging school teacher niya, lalo na sa hirap ng buhay ngayon?

"Lately nga, nag-iisip ako. Pahirapan ang movie offers ngayon. Ang tagal ko nang ginawa yung FLT movie. Tapos, itong huli kong ginawa, Sukdulan, hindi pa kumpleto ang bayad sa akin. Eh ang hirap ng walang ginagawa kaya ang plano ko, next year, ipagpapatuloy ko na lang yung pag-aaral ko ng Tourism. Bale second year college na ako. Kumuha na kasi ako ng Tourism sa ICS noong 1998. Sa Bicol na ako magi-enrol next year. Doon na rin ako magnenegosyo, restaurant at internet cafe. Pag may project, saka ako pupunta ng Maynila. May magma-manage ng business ko dahil aasikasuhin ko nga ang pag-aaral ko."

Ayon kay Aya, kahit mukhang imposible ang kanyang mga plano, talagang tutuparin niyang lahat ito. "May naipon naman akong pera para sa negosyong binabalak ko. Alam kong wala pa akong gaanong alam tungkol sa business na yon, kaya kukuha ako ng tao na siyang mag-aasikaso pero ako ang over-all na magsu-supervise."

Ayon kay Aya, sa Bicol niya gustong magtayo ng restaurant at internet cafe dahil walang gaanong kumpetisyon doon, hindi gaya rito sa Metro Manila. "Matagal ko nang plinano ito at pinaghandaan at nasisiguro kong magiging successful akong businesswoman."

Ayaw sabihin ni Aya kung meron siyang kasosyo sa negosyong kanyang itatayo sa kinalakhang probinsya. "Secret", sabi lang niya. Pero kung si Ara Mina na mas malaki nang di-hamak ang kita sa kanya sa bawat pelikula ay may kasosyo sa ipinatatayong restaurant business niya, si Aya pa kaya? Pero sabi ng bold actress, "Ang problema kasi, pag may kasosyo, lalo na kung marami kayo, ang dami ninyong maghahati sa kita, saka paano kung dumating yung time na hindi na kayo magkasundo?"

Taong 1997 nang pasukin ni Aya ang pelikula. Madali siyang nagkapangalan dahil madali siyang paghubarin sa puting-tabing. At wala siyang pakialam kung marami man ang makakita. Dahil sa lusog ng kanyang boobs, tinagurian nga siyang "Papaya Queen". May mga close sa kanyang reporters na ang tawag sa kanya ay Papaya. Paano nga ba niya pinangangalagaan ang kanyang boobs?

"Kung minsan, hindi ako nagba-bra para makahinga ang boobs ko. Nagpapa-check-up ako madalas sa doktor. Mina-massage ko ito bago matulog."

Kung may mga boldstars na peke ang boobs, as in nagparetoke, natural ang kay Aya. "Ang dami ngang mga bagong boldstar ngayon na naglalakihan ang kanila talaga. Sana nga eh magtagal sila. At least, ngayon nagbabalik na naman ang interest ng tao sa bold. Nanabik ata sila nung magkahigpitan sa Toro (Live Show), di ba? Itong pelikula ko ngayon directed by Joven Tan, hindi ko alam kung mas grabe sa Toro. Eh, inaprub naman ng MTRCB, panoorin na lang nila."

Madali bang mahalata kung peke ang boobs ng isang babae? "Oo naman. Una, kung yung boobs niya eh hindi proportion sa katawan niya. Saka mas mabigat yung pekeng boobs kaysa natural. Kasi, kung kinalakhan mo, sanay ka nang dinadala yon, kaya bakit ka mabibigatan? Pag original, syempre, natural. Ang problema lang, pag pumayat ang isang babae na natural ang boobs, nagsa-sag ito. Bumabagsak kumbaga, pero hindi naman nangunguluntoy. Lalo na kung manganganak, mas magsa-sag, kaya dapat alagaang mabuti.

"Hindi ako natatakot na oras na mag-asawa ako at manganak, magsa-sag ang boobs ko. Nasa pangangalaga yan. Someday, gusto ko ring magka-baby, ma-feel ang motherhood. Kung sino man ang mapapangasawa ko, hindi ko pa alam. Hinahanap ko pa."

AKO

AYA

BOOBS

KUNG

LANG

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with