Angelika, na-crack ang tuhod
October 22, 2001 | 12:00am
Malungkot na ibinalita ni Ernie dela Cruz, ama at manager ni Angelika dela Cruz na naaksidente ang aktres at kasalukuyang itong nagpapagaling sa kanilang bahay.
Naganap ang aksidente nang mag-taping sina Angelika at Sunshine Dizon para sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, kung saan pasasabugin ng mga kaaway ang kontrabida at ipinagtanggol ni Angelika ang kapatid (sa soap opera) kaya nakipaglaban ito sa mga kaaway ni Sunshine. Lumuhod at nagpagulung-gulong ang aktres hanggang mag-crack ang tuhod niya.
Agad siyang dinala sa St. Lukes Hospital noong Huwebes dahil sa aksidente at nilagyan ng cast ang kanyang tuhod.
Under observation ngayon si Angelika at hindi alam kung matutuloy pa siya sa Japan sa October 24 kung saan may show ito. Nangangamba rin ang magulang ni Angelika na baka naka-cast ito sa selebrasyon ng kanyang 20th birthday ngayong Oktubre 29 na idaraos sa Dish Powerplant.
Kakaiba ang concert ni Nora Aunor noong Biyernes sa Music Museum dahil informal ito at nagsilbing reunion ng mga taong malalapit sa kanyang buhay gaya nina Kuya Germs Moreno, Inday Badiday at iba pa.
Damang-dama ni La Aunor ang awiting "This Is My Life" at ayon sa ilang radio broadcaster na naroon at tagahanga ng superstar ay talagang nakaka-relate ang premyadong aktres sa awitin dahil sa pinagdaanang buhay.
"Wala pa ring kupas si Ate Guy at dama mo ang pagiging totoong tao niya. Magaling pa rin siyang kumanta at kwela sa pagpapatawa," anila.
Na-touched din kami sa isang number nito kasama ang loyalistang mga tagahanga. Pagpapatunay lang na binibigyan ng importansya ni Guy ang kanyang mga fans lalo na ang mga miyembro ng GANAP.
Hindi sukat akalain ng singer na si Selina Sevilla na magiging artista rin siya. Malaki ang naitulong ng pagiging commercial model niya ng San Miguel Beer. Nagsimula siyang singer sa Hyatt Hotel hanggang maging recording artist at binansagang "Lunok Diva."
Kahit wala pang karanasan sa pag-arte ay nakita ng baguhang direktor na si Cyril Lorenzana na may potensyal siya sa akting kaya binigyan ng magandang break para mapasama sa pelikulang Kamo. Una itong pelikula ng seksing singer para sa First Quality Films.
Tinanong si Selina kung totoo bang kamo siya sa tunay na buhay? Ayon sa aktres, hindi siya manloloko at wala siyang natatapakang tao kaya malapit sa kanya ang swerte.
Nali-link ngayon sa isat-isa sina Allona Amor at Mon Confiado na magkatambal sa Rosario 18 under Taurus Films. Ayon sa mga nakakakita sa dalawa ay halos hindi sila maghiwalay habang ginagawa ang pelikula at sweet na sweet habang nagsusyuting. Kaya hindi maiwasang tanungin sila ng mga reporter kung mag-on na silang dalawa.
Balita nga na nagseselos ngayon si Ynez Veneracion sa nakikitang sweetness ng dalawa. Pero ayon kay Allona, magkaibigan lang silang dalawa ni Mon at walang dapat ipag-alala si Ynez.
Sa kabilang banda, abala ngayon ang seksing aktres sa dalawang pelikula na ginagawa niya para sa Taurus Films na pinamagatang Halik Sa Lupa at Sapagkat Kamiy Tao Lamang na entry ng kompanya sa Metro Manila Film Festival.
Matagal-tagal na rin sa pelikula si Mrs. Lita Buenaseda na siyang may-ari ng Taurus Films at ATB 4. Ngayon ay gumagawa na rin sila ng malaking pangalan dahil nakapagpalabas na sila ng mahigit sa isang daang pelikula. Tatlong sunud-sunod na pelikula ang ginagawa nila ngayon.
Ano ang sekreto ni Lita? "Mahal ko ang trabaho ko at wala pa akong minalasadong tao kaya siguro hanggang ngayon ay narito pa rin ako. Marami na rin akong nagawang mga pelikula kaya masasabing nagtagumpay din ako," aniya.
Nagbabalik si Christopher Lambert bilang lider ng kanyang mga kababayan at itinuring na bayani. Pero naging rebelde ito dahil sa emperor. Mula sa pagiging pangkaraniwang tao ay naging magiting na mandirigma. Ito ang masasaksihan sa maaksyong pangyayari sa pelikulang King Of Gladiators mula sa Solar Films.
Ginampanan ni Lambert ang papel bilang mortal na kaaway ni Julius Cesar. Ito ay isinapelikula sa tradisyon ng premyadong movie ni Russell Crowe na Gladiator.
Kabituin pa rin sina Max Von Sydow at Klaus Maria Brandauer. Malapit nang ipalabas sa inyong paboritong sinehan.
Abala ngayon sa TV promo ang isang seksing aktres na bida sa isang pelikula. Kaso sa isang programa ay hindi ito nakasipot kaya nagalit ang prodyuser na siya ring direktor ng movie. Ang napagbalingan ng galit nito ay ang talent manager ng aktres. Minura niya ito sa wikang Ingles dahil naka-based ito sa Amerika. Hindi nagpatalo ang bading na talent manager at minura din niya ito pero sa wikang Tagalog.
Baguhan ang direktor kaya hindi pa alam ang kalakaran ng showbiz, samantalang ang talent manager ay kahit paano ay pinag-uusapan.
Naganap ang aksidente nang mag-taping sina Angelika at Sunshine Dizon para sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, kung saan pasasabugin ng mga kaaway ang kontrabida at ipinagtanggol ni Angelika ang kapatid (sa soap opera) kaya nakipaglaban ito sa mga kaaway ni Sunshine. Lumuhod at nagpagulung-gulong ang aktres hanggang mag-crack ang tuhod niya.
Agad siyang dinala sa St. Lukes Hospital noong Huwebes dahil sa aksidente at nilagyan ng cast ang kanyang tuhod.
Under observation ngayon si Angelika at hindi alam kung matutuloy pa siya sa Japan sa October 24 kung saan may show ito. Nangangamba rin ang magulang ni Angelika na baka naka-cast ito sa selebrasyon ng kanyang 20th birthday ngayong Oktubre 29 na idaraos sa Dish Powerplant.
Damang-dama ni La Aunor ang awiting "This Is My Life" at ayon sa ilang radio broadcaster na naroon at tagahanga ng superstar ay talagang nakaka-relate ang premyadong aktres sa awitin dahil sa pinagdaanang buhay.
"Wala pa ring kupas si Ate Guy at dama mo ang pagiging totoong tao niya. Magaling pa rin siyang kumanta at kwela sa pagpapatawa," anila.
Na-touched din kami sa isang number nito kasama ang loyalistang mga tagahanga. Pagpapatunay lang na binibigyan ng importansya ni Guy ang kanyang mga fans lalo na ang mga miyembro ng GANAP.
Kahit wala pang karanasan sa pag-arte ay nakita ng baguhang direktor na si Cyril Lorenzana na may potensyal siya sa akting kaya binigyan ng magandang break para mapasama sa pelikulang Kamo. Una itong pelikula ng seksing singer para sa First Quality Films.
Tinanong si Selina kung totoo bang kamo siya sa tunay na buhay? Ayon sa aktres, hindi siya manloloko at wala siyang natatapakang tao kaya malapit sa kanya ang swerte.
Balita nga na nagseselos ngayon si Ynez Veneracion sa nakikitang sweetness ng dalawa. Pero ayon kay Allona, magkaibigan lang silang dalawa ni Mon at walang dapat ipag-alala si Ynez.
Sa kabilang banda, abala ngayon ang seksing aktres sa dalawang pelikula na ginagawa niya para sa Taurus Films na pinamagatang Halik Sa Lupa at Sapagkat Kamiy Tao Lamang na entry ng kompanya sa Metro Manila Film Festival.
Ano ang sekreto ni Lita? "Mahal ko ang trabaho ko at wala pa akong minalasadong tao kaya siguro hanggang ngayon ay narito pa rin ako. Marami na rin akong nagawang mga pelikula kaya masasabing nagtagumpay din ako," aniya.
Ginampanan ni Lambert ang papel bilang mortal na kaaway ni Julius Cesar. Ito ay isinapelikula sa tradisyon ng premyadong movie ni Russell Crowe na Gladiator.
Kabituin pa rin sina Max Von Sydow at Klaus Maria Brandauer. Malapit nang ipalabas sa inyong paboritong sinehan.
Baguhan ang direktor kaya hindi pa alam ang kalakaran ng showbiz, samantalang ang talent manager ay kahit paano ay pinag-uusapan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended