Labanan ng game show
October 22, 2001 | 12:00am
Ang Korek Ka Dyan game portion ng Eat Bulaga ay may primetime version na sa GMA-7 at sina Vic Sotto at Joey de Leon ang mga hosts. Panggabi ang primetime version ng Korek Na Korek Ka Dyan at milyong piso rin ang grand prize. Mas madali yatang sumali sa bagong pakulo ng GMA-7 at Eat Bulaga at hindi ka dapat maging celebrity tulad sa Game Ka Na Ba? at The Weakest Link. Ang unang telecast ng The Weakest Link ay puro direktor at manunulat sa pelikula at telebisyon ang contestants, the next night naman na puro basketball players. Sa show ni Kris Aquino puro ABS-CBN celebrities ang napipiling contestants tulad nina Mylene Dizon, Julia Clarete, Julius Babao, Bayani Agbayani, Katherine de Castro at Aljo Bendijo.
Siguro ang Korek Ka Dyan primetime edition ay magtatagal dahil may built-in followers na si Joey at Vic at parang continuation lang iyon ng longest running variety show. Samantala, sa labanang ito ng mga networks hinggil sa mga big money game shows, hihirit na rin ang ABC-5 sa dalawang local versions ng mga matagumpay na game shows sa Amerikaang Family Feud at Wheel of Fortune. Ang ABC-5 ay nakakuha ng franchise rights para sa airing ng mga naturang game shows na siguro ay makikipagpukpukan sa IBC-13, GMA-7 at ABS-CBN sa ratings.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended