^

PSN Showbiz

Matet, wala sa concert ni Guy

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Feeling ko mas exciting ang The Weakest Link hosted by Edu Manzano compared to Who Wants To Be A Millionaire ni Christopher de Leon. Parang mas mabilis kasi ang pacing. Kahit pareho silang sa Viva TV, hindi maiwasang di i-compare. Iba kasing mag-host si Edu, parang sa kanya talaga ‘yung show kaya blessing in disguise na rin na hindi siya nanalo last election.

Last week kasi nag-invite sila ng entertainment press para sa isang episode na hindi ko alam kung kailan ang airing. I’m one of the eight contestants. Nakasama ko sina Ed Sicam (Inquirer), Walden Belen (Bulletin), Danny Vibas (Manila Times), Julie Fe Navarro (People’s Tonight), Jun Nardo (Standard/Tonight), Butch Roldan (Taliba) and Cristy Fermin (Balita/Bandera etc.).

Actually, hindi ako kasali sa original line-up pero may mga nag-back out including Ricky Lo and Isah Red. Si Tita June Rufino lang ang nag-convince na ako na lang ang maging replacement. Hesitant ako no’ng una kasi early as in 9:00 a.m. ang call time tapos pupunta pa kami ng Parañaque kung saan sila nagti-taping. Afraid din ako na baka mataranta ako, hindi ako makasagot. But in the end, pumayag na rin ako.

Lunch time na kami nang dumating sa studio. Habang nagla-lunch, bini-brief na kami ng writer na si Mel kung anong mechanics ng game.

Actually, madali lang. Bubunot ang eight contestant ng number kung saan sila pupuwesto. Pero pag nakabunot ka na ng numbers, alphabetical ang ikot ng question ni Edu.

Mabilis ang takbo ng game. Kailangang may presence of mind ka or else, tatanga ka lang. At kung hindi mo alam ang sagot kailangan kang mag-pass. Pag mali ang answer, sasabihin ni Edu ang right answer. Pero iba talaga ‘yung actual game, nami-mental block ka.

Pagkatapos tanungin ang eight contestant (first round) ‘yun na ang chance mo para isulat kung sino ang weakest link. Pero kailangang mong i-justify ang napili mong weakest contestant.

Sa group namin, si Butch Roldan ang unang na-vote-out. Once na matanggal ka, diretso ang interview. Puwede mong sabihin lahat ng gusto mong sabihin sa mga natirang contestant.

Puwede ka ring magwala pag nag-goodbye ka. Kahit ano puwede mong gawin - umiyak, magwala, magsisigaw, ‘wag ka lang magmumura.

Ganoon ka-exciting ang mechanics ng game.

Natira sa final round si Ed Sicam and Walden Belen. Nag-tie sila sa final round pero in the end si Walden ang nanalo ng P127,000.

Importante na nagba-bank ang contestant. May isang malaking monitor sa harap kung saan makikita mo kung magkano na ang nakuhang pera ng grupo.

May isang group kasi na umabot ng P120,000 pero back to P1,000 sila dahil hindi sila nakapag-bank.

Pero ang totoong strategy no’n, ‘yung magaling na contestant ang dapat ma-vote out para pagdating sa final round, ‘yung weakest contestant ang kalaban ng matitira.

Nakaka-five episode pa lang sila pero lahat positive ang reaction ng mga nakapanood particular na kay Edu. Hindi tulad sa Game Ka Na Ba ni Kris Aquino (ABS-CBN) na very complicated ang mechanics ng game. Imagine kailangan mo pang mag-text at the same time kailangan mo pang manood ng mga show nila. Ganoon, gagastos ka na nga sa text, tutok ka pa sa show nila.

Kaya naman maraming nagsasabi na hindi magtatagal ang Game Ka Na Ba lalo na ngayong may primetime edition na rin ang Korek Ka Diyan nina Vic Sotto and Joey de Leon. Sana nga, iniakyat na lang ng ABS-CBN ang Winner Take All nina Roderick Paulate and Amy Perez sa MTB, baka sakaling mag-click pa. Lahat kasi ng nakausap ko talagang negative ang reaction kay Kris na naka-Trench coat pa.

Hahabol ang ABC 5. Next month, magi-start na silang mag-air ng local version ng Family Feud and Wheel of Fortune. Si Ogie Alcasid ang magho-host ng Family Feud at si Rustom Padilla ang Wheel of Fortune kasama si Victoria London.

Sigurado akong mauunahan pa ng ABC 5 ang Dos once na simulan nila ang Family Feud and Wheel of Fortune.
*****
Mas masaya, mas intimate ang first night ng two night concert ni Nora Aunor sa Music Museum na nag-start last Thursday night. Although hindi kami masyadong nakaka-relate ni Ricky Gallardo sa mga songs ng superstar, maa-appreciate mo naman ‘yung kakaibang galing niya kahit sabihin pang nagsulputan na ang mga bagong diva.

Besides, Noranian ako. In fact, the last time na nag-concert siya sa Araneta Coliseum, nanood din ako. Pero parang mas magaling siya ngayon compared sa kanyang last concert.

Mukhang contented siya ngayon. Parang nabibiro na niya ‘yung mga bagay na iniintriga siya like ‘yung sa kanila ni Matet. Sa Araneta kasi no’n parang iba ang reaction ng tao.

Obvious na miss na miss na siya ng forever Noranians na walang sawang nagtitili sa halos 2 1/2 hours niyang concert.

Guest performer niya si Jo Awayan. Pero pareho kaming hindi natuwa ni Tita Dolor Guevarra sa presence niya. Para siyang lasing although natawa naman sa kanya ang audience.

Anyway, naka-recover na nga si Guy sa mga nangyari sa kanya last election at kay Matet na hanggang ngayon ay pinag-uusapan.

Sina Matet at Lotlot lang ang wala sa anak ng superstar - andoon si Ian with wife Isa, Kenneth and Kiko na parehong mahiyain pero parehong star material.

Sana nga, magtuloy-tuloy na ang pagbalik ni Ate Guy sa showbiz hindi lang sa music scene kundi sana sa pelikula na rin.

AKO

BUTCH ROLDAN

EDU

FAMILY FEUD

GAME KA NA BA

LANG

PERO

WHEEL OF FORTUNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with