^

PSN Showbiz

Gustong mag-kontrabida, pero di mukhang salbahe

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Posibleng magkasabay ang showing ng dalawang pelikula na kasama si Lovely Rivero. Ito ang Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan ng Leo Films at Aagos Ang Dugo ng Regal. Parehong gusto ni Lovely ang papel niya sa dalawang pelikula, "Kaya lang," sabi niya sa isang Chinese restaurant sa Escolta noong Sabado, "Mas gusto ko yung role ko sa Hiyas, mama-san na kontra-bida kasi ang papel ko. Challenging talaga yung role. Eh ang gusto ko nga, magkaroon ako ng break sa soap opera sa TV, papel ng kontrabida. Pero ang daming nagsasabi, pretty roles ang bagay sa mukha ko."

Sa paglipas ng panahon, sa edad niyang 32 ngayon, maganda pa rin si Lovely Rivero. Loveling-lovely pa rin. Bukod sa pag-aartista, kumakanta rin siya. "Hindi ko masasabing singing career ko ito. Sabihin na lang nating raket!" At bigla siyang natawa. "Actually, 5 years ago na itong pagkanta-kanta ko. May 2-nights show ako sa isang music lounge sa Bacolod on the 19th and 20th of this month. Between singing and acting, sa acting ako talaga.

"Acting itself inspired me in my life. Iba ang high pag umaarte ka, ang sarap. Kahit siguro maging mayamang-mayaman ako, basta may chance na umarte pa rin, aarte ako."

Maliit pa si Lovely ay hilig na niya talagang umarte. Siyam na taong gulang siya nang mag-audition at mapasama sa 2nd batch ng Kaluskos Musmos. Dose anyos siya nang pasukin ang Baby Pascual Films at binigyan ng supporting roles. Katorse anyos siya nang ilunsad sa Chicas. Dito na rin, kapagkuwan, pumasok ang ilan niyang TV shows: Victoria Hills, Two Plus Two at That’s Entertainment.

Pero pagdating niya ng 17 bigla na lang siyang nakipag-isang-dibdib kay Nacy Nocum, isang businessman. "Hindi napigilan ang paglandi," sabi niyang nakatawa. "May regrets ako na nag-asawa nang maaga, 17 lang kasi ako noon. Ni hindi ko naranasang mag-debut. My husband was 24 then. Five years straight, nagpaka-housewife ang dalagita. I cut off lahat ng contact sa showbiz. Para hindi ko ito ma-miss. Tumalikod ako talaga."

Isinubsob nga niya ang sarili sa pagiging housewife and mother, lalo na nang magkaroon silang mag-asawa ng dalawang anak, sina Nathan, 14 na ngayon, at Nadine, 12, pero ang relasyon nilang mag-asawa ay nauwi sa hiwalayan, pitong taon na ngayon.

"There was a third party involved," pagtatapat niya. "Gusto ko man siyang unawain noon, paano pa? Nalaman ko, nagli-live-in na sila. Kung hindi ko pa siya sinundan minsan, hindi ko malalaman. Ang alam ko, Cosmo days pa yon." Ang tinutukoy niya ay yung Cosmo bar na pag-aari ni Nacy noon.

Sa ngayon, sabi ni Lovely, nilalakad nila ni Nacy ang annulment ng kanilang kasal. "Psychological incapacity ang pinakamadaling sabihing ground. Una, hindi naman kami magkaaway. Hindi ako puwedeng mag-imbento na pasasamain ko siya. Mabuti na yung mapawalang-bisa yung kasal namin para mapakasalan na rin niya yung ka-live-in niya, dalawa na rin ang anak nila."

Plano rin ba ni Lovely na magpakasal sa ibang lalake? "Hindi. Ang hirap kasing magpa-annul. Ang daming nanliligaw sa akin ngayon, nakikipag-date lang ako. Pero may isa akong nagugustuhan. Ang importante at priority, dapat mahalin niya ang mga anak ko. Dapat, may patience siya."

Sabi ni Lovely, solo niyang binubuhay ang dalawa niyang anak. Ang ex-husband lang niya ang sumusuporta sa edukasyon ng mga bata. "Nang umalis ako sa poder niya, ni isang property, wala akong kinuha. Kung ano ang ibinigay niya sa mga bata, yon lang. Sinet-ap niya yung pagtitirahan sa amin, yung bahay, pati furnitures and appliances. Iniwanan niya kami ng dalawang kotse. Hindi naman niya kami pinabayaan. Wala lang siyang maibigay na monthly allowance. Pero naiintindihan ko siya. Ang hirap talaga ng buhay ngayon. Saka yon nga, may sarili na rin siyang pamilya. I’m sure, kung maluwag-luwag siya, hindi naman niya pababayaan ang mga bata. Everytime na magkasakit yung mga bata, andun naman siya."

Sa panahong naghiwalay sina Lovely at Nacy, kumalat ang tsismis na nakipag-relasyon di umano si Lovely sa isang lesbian na singer. "Ang tagal nang tsismis yon, no? Five years ago na yon!" sabi niyang tila nabigla. "Ayokong maging ipokrita na sabihing totally, wala. Naging very close kami ni Jo (Awayan). It’s more really like platonic friendship. Hindi yon nangyari out of my loneliness. Nangyari yon out of happiness dahil nakakatuwa siyang kasama. Jo is very, very nice. In real life, nakakatuwa siya. Yung company ko, magpo-produce ng show sa kanya sa Pioneer Highland on October 26. I don’t deny the fact that we are very, very close. But we have a beautiful friendship, whatever people think about it."

Pero, Lovely, may pagka-tomboy ka rin ba? "Ako?" parang gusto niyang tumili. "Hindi, no! Hello? Girl na girl ako!" At bigla siyang napatawa. "I love men. I respect yung mga tomboy-tomboy na yan. Pero hindi ko maintindihan yung parehong girls, mag-girlfriend? If ever I will be attracted to a lesbian, hindi doon sa pagka-girl niya kung hindi sa pagka-lalaki niya."

Attracted si Lovely sa mga lalaki, walang duda yon. At sino ang 3 sexiest actors para sa kanya? "Sina Albert Martinez, Eddie Garcia and Dingdong Dantes," sagot niya. Bakit? "Si Albert kasi, tahimik, sensitive, parang misteryoso, guwapo. Si Eddie, kahit matanda na, hindi pabaya sa katawan. He is debonair, suave. At si Dingdong, ang linis niya. Ang gandang magsalita, Atenista kasi, parang may utak. Siya yung tipo na kung dadalhin ng anak kong dalagita sa akin, matutuwa ako."

AKO

LANG

LOVELY

NIYA

PERO

RIN

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with