Gary, may ibang nabuntisan
October 15, 2001 | 12:00am
Nagpaliwanag si Gary Estrada isang hapon para mag-react at linawin ang isyung patuloy pa rin daw siya sa pambababae kahit kasal na siya kay Bernadette Allyson.
May mga ilang babae rin na tumatawag umano para manggulo claiming na naanakan sila. Nagulat pa raw siya (Gary) nang itawag sa kanya ng isang kaibigan ang sari-saring kuwento ng mga babaeng nagpapanggap.
"Nananahimik na po ako. Married na ako. Sana naman huwag na silang manggulo. Kung anuman ang purpose nila, huwag na nilang ituloy pa. Masaya na ako sa kalagayan ko ngayon," sabi pa ni Mr. Estrada.
"Mabuti na lang, hindi si Bernadette yung tipo na madaling maapektuhan. Alam kasi niya ang totoo. Pero ganito na yata talaga kahit kasal ka na, magpapatuloy pa rin ang mga intriga.
Pinagdiinan nga ni Gary na graduate na siya sa pantsi-chicks, iba na raw ang buhay niya ngayon bilang married man. At marami na rin daw siyang natutunan sa buhay.
"Mahal na mahal ko si Berna, kaya nga siya ang pinakasalan ko, di ba? Kaya sana naman, maging masaya na yung iba sa amin," pagwawakas niya.
Nagbigay din ng idea kay Gary na baka ang mga babaeng nagki-claim ay mag-aartista lang at gusto siyang gamitin para mapansin. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended