^

PSN Showbiz

Mas bida pa ang chimay

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Dalawang world-class beauties ang mga bida sa bagong GMA show na Sa Dako Pa Roon, na dinidirek ni Lore Reyes.

Kaya lang, noong first episode ng palabas tungkol sa isang batang lalaking stigmata, hindi gaanong naipakita ang kanilang mga ganda sa television. Kasi, higit pang binigyan ng extreme close-up ang chimay sa istorya na tunay na hindi naman kagandahan. Nakakapagtaka tuloy kung bakit mas marami pa siyang eksena kaysa sa dating Miss International na si Melanie Marquez at nanalo pa ng dagdag na dalawang world titles.

Akala ko tuloy kamag-anak ni Lore Reyes ang katulong na ito na totoong trying hard na magnakaw ng eksena. Kasama na nga niya sa isang tagpo ang batang stigmata na si Poknat, siya pa rin ang naka-close-up at apaw na apaw ang pagiging scene stealer; kahit ang atensyon dapat ng manonood ay kay Poknat.

Buti na lamang nitong second episode tungkol sa isang haunted building, medyo nabawasan ang exposure ng TH na chimay, pero ganu’n pa rin siya, halatang nagnanakaw ng eksena kahit sino ang kasama.

Sa pilot presentation ng show, may kaguluhan ang statement. Maraming question marks na nasa isip ng mga manonood ang hindi nasagot hanggang matapos ang istorya noong nakaraang Huwebes.

Buti na lamang itong "Poltergeist" episode nila ay medyo luminaw at nakakita na kami ng marked improvement. Sa unang episode kasi, parang nangamba kaming mawala ang credibility ng paranormal science authority na si Jaime Licauco, kung isang malabong show ang magtatampok ng talino at kakaibang kaalaman niya.

Noong unang episode, napansin din ang sobrang pagsasalita ni KC Montero na Ingles pa ng Ingles, kaya’t mahirap intindihin ng masa. Sabi nga nila, "halos kainin ni KC ang mga linya niya."

Payo lang kay KC, kung may balak siyang magtagal sa Pinoy TV, dapat mag-aral siyang mag-Tagalog. Walang tumagal na aktor o aktres sa eksena na panay ang Ingles.

Sa second show last Thursday, medyo bumagal na ang pag-deliver niya ng dialogue, pero panay pa rin ang Ingles. Dapat sigurong kumuha ang kanyang manager na si Lyn Tamayo ng isang Pilipino language tutor para kay KC at palagi siyang pagbasahin ng mga dyaryong Pinoy at mga komiks. Bakit ba si Michelle Van Eimeren, madaling natutong managalog.

Kung wala namang balak matutong managalog si KC, huwag na siyang lumabas sa mga drama. Mag-SOP at mag-veejay na lang siya sa MTV.

Nakakatuwa naman ang huling episode dahil madalas nang ipinapakita si Melanie kaysa sa chimay. Tuwing eksena pa ng beauty queen, iba’t iba ang hairdo niya na bagay namang lahat sa kanya.

Dapat lang, ayusan pa nang husto si Assunta para lumutang din ang ganda niya sa TV.

Tungkol sa mga maliligalig na multo na nananakit pa sa isang building ang istorya ng Sa Dako Pa Roon last Thursday. Malinaw namang nailahad ang istorya this time. Kaya lang, kulang pa rin sa eksena upang higit na ma-excite ang viewers.

Sana naman higit na maganda ang presentation nila sa darating na Huwebes, alas-10 ng gabi sa Channel 7.
* * *
Ang winner lang kasi at si Karylle ang naglaban sa botohan ng PMPC, ayon sa isang reliable source. Nakakuha ng 16 votes ang nagwagi at pitong boto naman ang kay Karylle.

Ang nabalewala nila ay ang talagang deserving manalo as Best New Female TV Personality — si Rhea Santos. Isang panood mo lang kasi kay Rhea, impressed ka na sa husay niyang mag-host at mag-newscaster. Alam agad na siya ang tipong talagang magtatagal sa telebisyon as a leading talent.

At sino naman itong ina ng nominee na tumawag kay Lito Mañago upang GAPANGIN (exact word ng mother) para manalo ang kanyang anak?

BEST NEW FEMALE

BUTI

DAPAT

HUWEBES

ISANG

JAIME LICAUCO

LORE REYES

SA DAKO PA ROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with