Matapos matsugi ang 'Kiss Muna', Klaudia, kinuha sa 'Ispup' ng ABC
October 14, 2001 | 12:00am
Matapos ang apat na taong relasyon ay nagkahiwalay din sina Klaudia Koronel at ang boyfriend niya na taga-Bulacan na nagngangalang Cris.
Walang third party na involved at nanghihinayang nga ang aktres dahil tanggap na siya ng pamilya nito.
Magpapagawa na sana sila ng bahay pero inamin ng seksing aktres na bigla na lamang naglaho ang pag-ibig niya sa nobyo.
Nag-usap na nang masinsinan ang dalawa at tinanggap na hindi sila para sa isat isa. Nalulungkot si KK dahil bukod sa paghihiwalay nila ng nobyo ay natsugi pa ang Kiss Muna.
Pero may offer naman ang aktres para mapasama sa Ispup ng Channel 5 dahil bilib ang pamunuan ng istasyon sa pagpapatawa niya.
Malungkot si Gladys Reyes dahil aalis si Christopher Roxas patungong Japan. May series of shows ang nobyo at isang buwang mawawala.
Pero ayon kay Gladys ay magsi-celebrate naman sila sa Hong Kong ng kanilang 9th anniversary ni Christopher. First time nilang magkakasama sa abroad kaya tiyak na magi-enjoy sila. Makakasama nila ang kanilang mga kapatid.
Baka sa 2004 pa sila magpakasal dahil gusto pa nilang makaipon.
Nakuha raw ni Michael de Mesa ang hepa-C sa pagpapabutas ng teynga. Buwan-buwan ay nagpapa-injection siya para hindi umabot sa liver ang sakit niya. Nagkakahalaga ito ng P35,000 sa bawat araw.
Kahit hiwalay sila ni Gina Alajar ay inaasikaso pa rin siya nito kapag nagpapa-injection siya.
Pilit na inilihim ni Michael ang tungkol sa kanyang sakit pero nag-leak ito sa press.
Kahit may sakit ay tuloy pa rin sa trabaho si Michael sa TV. Kasama siya sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol. After Rent ay gagawin niya ang Proof under Atlantis Productions. Masigla pa rin si Michael at hindi naapektuhan ng kanyang hepa-C dahil nakukuha pa rin niyang mag-aral ng tap dancing kasama ang anak na si Ryan Eigenmann.
Ayon kay Cesar Montano, madaling naka-recover si Sunshine Cruz sa kanyang panganganak dahil normal ang delivery niya. Nakapunta pa siya sa burol ni Ricky Belmonte.
Sa Larawan ay muling magkakatambal ang mag-asawa sa last episode na mala-Pulp Fiction ang dating. Kinuha si Cesar ng isang crime lord para bantayan ang asawa nito na ginampanan ni Sunshine kung saan sa dakong huli ay na-in-love ito sa kanya.
Enjoy sa pag-aalaga ng kanyang baby ang magandang aktres kung saan bini-breastfeed niya ito. Wala siyang yaya. Siya mismo ang personal na nag-aasikaso rito.
Walang third party na involved at nanghihinayang nga ang aktres dahil tanggap na siya ng pamilya nito.
Magpapagawa na sana sila ng bahay pero inamin ng seksing aktres na bigla na lamang naglaho ang pag-ibig niya sa nobyo.
Nag-usap na nang masinsinan ang dalawa at tinanggap na hindi sila para sa isat isa. Nalulungkot si KK dahil bukod sa paghihiwalay nila ng nobyo ay natsugi pa ang Kiss Muna.
Pero may offer naman ang aktres para mapasama sa Ispup ng Channel 5 dahil bilib ang pamunuan ng istasyon sa pagpapatawa niya.
Pero ayon kay Gladys ay magsi-celebrate naman sila sa Hong Kong ng kanilang 9th anniversary ni Christopher. First time nilang magkakasama sa abroad kaya tiyak na magi-enjoy sila. Makakasama nila ang kanilang mga kapatid.
Baka sa 2004 pa sila magpakasal dahil gusto pa nilang makaipon.
Kahit hiwalay sila ni Gina Alajar ay inaasikaso pa rin siya nito kapag nagpapa-injection siya.
Pilit na inilihim ni Michael ang tungkol sa kanyang sakit pero nag-leak ito sa press.
Kahit may sakit ay tuloy pa rin sa trabaho si Michael sa TV. Kasama siya sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol. After Rent ay gagawin niya ang Proof under Atlantis Productions. Masigla pa rin si Michael at hindi naapektuhan ng kanyang hepa-C dahil nakukuha pa rin niyang mag-aral ng tap dancing kasama ang anak na si Ryan Eigenmann.
Sa Larawan ay muling magkakatambal ang mag-asawa sa last episode na mala-Pulp Fiction ang dating. Kinuha si Cesar ng isang crime lord para bantayan ang asawa nito na ginampanan ni Sunshine kung saan sa dakong huli ay na-in-love ito sa kanya.
Enjoy sa pag-aalaga ng kanyang baby ang magandang aktres kung saan bini-breastfeed niya ito. Wala siyang yaya. Siya mismo ang personal na nag-aasikaso rito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended