Gardo Versoza, bold star!
October 13, 2001 | 12:00am
Ang ikinintal niyang image bilang bold actor ay tila mahirap nang maalis sa publiko. Pag sinabing Gardo Versoza, kakabit ito ng bold photos at bold films. Yon ang naikintal niya sa limang taon bilang contract star ng Seiko Films.
Ngayon, sa edad na 32, ayaw nang bumalik ni Gardo sa bold. "Ang feeling ko kasi, kumbaga sa nag-aaral, babalikan ko na naman yung natapos ko na?" sabi niya sa presscon ng Aagos Ang Dugo sa Regal office noong Linggo.
Sa bago niyang pelikula, halos absent ang mga lovescenes with Isabel Granada. Nananatili pa ring binata si Gardo. "Bokya ang lovelife ko. Loveless talaga," kumpisal niya. "Wala, mahirap mag-asawa sa panahong ito. Siguro, napaglipasan na ako ng panahon."
Ang oras niya ngayon ay ibinubuhos na lang niya sa pag-aalaga ng dalawang askal (asong kalye), isang Great Dane at isang pitbull. "Hindi sa ayaw kong mag-asawa, pero talagang hindi ko magagampanan ang responsibilidad ng isang partner, lalo na sa panahon ngayon. Yung pagpapalaki lang ng mga aso, hirap na hirap ako, yung kukuha pa ako ng tao na hindi ko kadugo?"
Makulay ang pinagdaanang buhay at career ni Peter Menen Torres Polintan. Second year college siya sa Rizal Technical College, sa kursong Electrical Engineering, nang subukin niyang mag-artista. "Payat na payat pa si Gardo noon, balik-tanaw ni Ed Instrella, manager ni Gardo sa hiwalay na panayam. "Pero na-develop ni Carlo Finioni ang katawan niya dahil may gym doon." Ang unang ginamit na screen name ni Gardo ay Menen Torres. Ang una niyang pelikula sa kampo ni Finioni ay Hamunin Ang Bukas, entry sa Manila Film Festival.
Dinala ni Ed si Gardo sa Seiko Films, kapagkuwan. Si Robbie Tan ang nagbinyag ng Gardo Versoza sa kanya. Ipinakilala siya bilang supporting actor sa Ubos Na Ang Luha Ko directed by Mel Chionglo. Ang mga unang pelikula ni Gardo ay hindi bold films. Kundi ito ay action drama.
Ayon kay Ed, reluctant si Gardo na pasukin ang bold, gusto na sana niyang iwan ang pag-aartista. Kaya lang, ang nanay nito, si Mrs. Baby Polintan, ang talagang hilig pag-artistahin ang anak.
Isa pang dahilan kung bakit nagpatuloy na sa pag-aartista si Gardo, una siyang nag-bold sa Nang Gabing Mamulat Si Eva noong 1992, dahil namatay sa heart attack ang tatay nitong abogado, si Atty. Felix Candelaria Polintan. Napunta na kay Gardo ang reponsibilidad bilang breadwinner dahil dadalawa lang silang magkapatid na lalaki, siya ang panganay, bagaman nasa real estate business ang nanay niya at barangay captain sa Pasig.
Bago pasukin ni Gardo ang showbiz, nagkaroon na siya ng girlfriend, si Gandi. Nabuntis niya at naging problema kung itutuloy ang pagbuhay.
Nagka-anak nga si Gardo kay Gandi. Nasa Amerika na ito at may iba ng pamilya. Noong una, may komunikasyon pa sila, hanggang mawala na. Pumasok na rin kasi si Kay, kapatid ng aktor, Mon Confiado, sa buhay ni Gardo.
Naging business partner ni Gardo si Kay sa 22nd Street, isang malaking sing-along bar sa Commonwealth. Ang relasyon nila ay off and on, madalas ang tampuhan. "Ipinaglaban naman namin ni Kay ang love namin noon. Pero there are times na wala ako sa bar, tapos, nahuhulog ang loob niya sa ibang lalaki, so siguro, kahit paano, relaks siya dahil may sarili siyang identity sa lalaking iyon," sabi ni Gardo.
Masakit para sa aktor ang matuklasang may iba na ang girlfriend niya noon. "Nahuli ko sila, nagko-convoy pa yung sasakyan nila, masyado nila akong ginago. But that is already water under the bridge. Before pa, pag gusto kong mag-stay sa bar, sasabihin ni Kay, Bat lumabas ka pa? Nakaka-distract ka lang. Nagmumukha kang cheap! Hindi nagtagal ang relasyon namin."
Pero nagka-anak siya kay Kay? Yung kay Gandi, sa akin,"pag amin ni Gardo. Pero yung kay Kay, medyo complicated. Respeto na lang. Pareho lang kaming tao na nagmahalan. Kumbaga, yung privacy niya, kanya na lang."
Naging KBP Golden Dove Awardee for best actor si Gardo para sa Maalaala Mo Kaya episode "Oto-san", 1999. Pero ang una niyang best supporting actor award ay mula sa Manila Film Festival, sa pelikulang Emong Salvacion, 1996. Sa ngayon, sabi niya, "I want better movies, mas magagandang roles. Pangarap ko ring makapareha si Vilma Santos. Feeling ko, masarap siyang makatrabaho. Naka-partner ko lang siya sa isang dance number sa TV show niya noon, VIP (Vilma in Person)."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended