^

PSN Showbiz

Sobra ang effort ni Kris na mapasaya ang bagong game show

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Ang ugaling gaya-gaya puto-maya ay mahirap mabura sa buhay at kaisipang Pilipino at hindi basta pabayaang magtagumpay ang isang bagay o isang proyekto o programa nang hindi kinukumpetensiya. Ang dulo ng mga kaganapang ito ay parehong mamamatay na lamang ang gumawa at ang ginaya. At palagay ko, baka ganyan ang mangyari sa mga game shows na dagsa ngayon sa local television. Dahil nga sa success ng Who Wants To Be A Millionaire ng Viva TV, nabulabog ang lahat ng iba pang networks sa biglang pagtaas ng viewership nito, patotoo lamang sa popularidad at interes na ipinamamalas ng mga manonood sa gimik ni Boyet de Leon.

Actually, hindi naman pakulo o gimmick ang dating ni Boyet because he is relatively laid back, quiet at hindi hysterical ang ambience. Napaka-relax nga ni Boyet sa kanyang pagtatawag sa mga contestants, hindi minamadali ang pagsagot, hindi inaapura at binibigyan niya ang lahat ng panahon at pagkakataon upang maitama ang kanilang sagot para mas malaki ang kanilang mapanalunang cash. Very tricky din siya kung minsan, pero that is the secret of the trade, I suppose.

Baka sa mga susunod na araw, malunod na ang televiewers sa panonood ng big money game shows dahil bukod sa Millionaire meron pang The Weakest Link si Edu Manzano, nag-premiere na ang Game Ka Na Ba? ni Kris Aquino sa ABS-CBN bukod pa sa inihahanda na ring The Wheel of Fortune, Family Feud at Eat Bulaga tulad ng Winner Take All, Korek Ka Diyan, Laban o Bawi at Pera o Bayong, meron ding LG Quiz show sa GMA-7 para naman sa mga estudyante, at iba’t ibang commercial and promotional raffles ng iba’t ibang consumer goods.

Napanood ko ang unang telecast ni Kris ng Game Ka Na Ba? at parang sa tingin ko ay napaka-complicated kung susundan mo ang pagpili ng mga contestants at ang iba pang mechanics ng show na nakikita. Tense na tense si Kris sa pagbubukas ng kanyang bagong game show na palabas buong linggo – mula Lunes hanggang Biyernes. Kris is trying to infuse her show with contagious enthusiasm pero parang sobrang complicated ng mechanics kaya hindi magi-enjoy kung susundan mo lamang ang takbo ng show proceedings. Bukod pa nga sa parang namamaos na si Kris pero pilit pa rin niyang maging exciting ang show. Sobra ang effort ni Kris upang maging masaya ang show pero parang walang epekto sa audience.

Ang Game Ka Na Ba? ay parang promo gimmick para sa mga shows ng ABS-CBN at parang kailangan mong maging familiar sa lahat ng mga programa nila para mas malaki ang tsansa mong manalo. Mas bagay si Kris sa mga things that she’s familiar with like showbiz trivia, celebrity interviews, commentaries on the entertainment world happenings, because at home siya rito. Pero baka naman maging at home din siya sa kanyang bagong game show pag tumagal-tagal at nangangapa pa lamang ngayon.

Sadya kong inabangan ang initial telecast ng game show ni Kris pero palipat-lipat din ako sa show ni Boyet tuwing nagku-commercial ang Game Ka Na Ba?. Talagang mas madaling sundan at parang mas interesting at educational panoorin ang Millionaire hindi tulad ng Game Ka Na Ba? na parang ang dami-dami mong dapat tandaan sa mga rules and regulations to enjoy the show completely.

Ewan ko lang, baka naman sa mga susunod na episodes mas gamay na ni Kris ang mechanics at hindi na parang gahol na gahol siya sa oras sa pagpapaliwanag sa televiewers. Siguro dahil bago.

Nabalitaan ko na isinusulat na ni Armida Siguion-Reyna ang kanyang talambuhay o autobiography at malapit na itong ilabas sa imprenta bilang isang libro. Marami siguro tayong mapupulot na leksyon sa buhay at mga maliliit na kuwentong artista dahil marami rin namang mga bituin sa pelikulang Tagalog ang nakadaupang-palad at nakatrabaho ni Tita Midz sa panahong artista at producer siya sa pelikula at telebisyon.

Pero ang pinakatanyag na achievement ni Tita Midz ay ang Aawitan Kita at ito ang nagbigay ng higit na kasiyahan sa kanyang mga viewers na mahilig sa musikang Pilipino. Ang Aawitan Kita ay 30 years old na pala sa ere hindi pa man naidedeklara ang martial law ni Marcos noong 1972 ay palabas na ito sa telebisyon at ito ang kaisa-isang programang musical sa telebisyon.

Siguro sa autobiography ni Tita Midz, masasabi ang mga anecdotes tungkol kay Nora Aunor at Vilma Santos na ilang beses din niyang nakasama sa pelikula, at ang mga kontrobersiya niya sa MTRCB, lalo na kay Manoling Morato at sa kanyang pagiging chairman sa MTRCB na puno rin ng mga intriga. Nagkaengkwentro rin sila ni Erap sa isang eleksyon sa Actors Guild at maraming makukulay na chapters sa kanyang buhay.

Kokonti pa lamang ang mga autobiography o biography na nasusulat tungkol sa mga local showbiz personalities. Sa library namin, parang mga autobiography lang ni J. Eddie Infante ang nag-iisang libro tungkol sa local movies at movie stars. Meron din yatang lumabas na biography si Joseph Estrada pero iyon ay naka-focus sa kanyang pagiging kandidato at sa pulitika.

Siguro maganda kung may mga librong maisusulat tungkol sa buhay nina Rogelio dela Rosa, Leopoldo Salcedo, Carmen Rosales, Nora Aunor, Vilma Santos, Amalia Fuentes, Susan Roces, at iba pang mga talaga namang makukulay ang naging takbo ng buhay.

BOYET

GAME

GAME KA NA BA

KANYANG

KRIS

PARANG

SHOW

TITA MIDZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with