Jericho, nai-in love na kay Kristine!
October 10, 2001 | 12:00am
Inamin ni Jericho Rosales na unti-unti na siyang nai-in love kay Kristine Hermosa, ang kapareha niya sa soap operang Pangako Sa Yo ng Channel 2. Pero hindi niya raw ginawa ang pag-amin para mas mapag-usapan pa ang kanilang soap opera.
"Hindi naman ako basta-basta nagsasalita kasi iniisip ko yung magiging resulta ng sasabihin ko. Pero hindi ko na rin mapigil kung ano yung talagang nararamdaman ko. Yes, totoong unti-unti na akong nai-in love kay Kristine. Sana they wont think na sinasabi ko ito para mapag-usapan ang team-up naming dalawa o yung soap opera namin. This is what I really feel," sabi pa niya.
Kaagad namang itinanggi ni Echo ang balitang sinagot na siya ng dalaga nung nakaraang birthday niya. "Walang ganun. Hindi pa niya ako sinasagot kasi hindi pa naman ako pormal na nanliligaw sa kanya. Wala pa naman akong tinatanong sa kanya, kaya wala pa akong naririnig na sagot," katwiran pa niya.
"Hindi ko pa rin nga alam kung may pag-asa ako. Pero sana meron, di ba? Masasaktan lang kasi ako kung saka-sakaling aasa ako sa wala," dagdag pa niya.
Kung saka-sakali, si Kristine ang magiging kapalit ni Angelika dela Cruz sa puso niya. Pero how true na meron pa rin daw silang relasyon ngayon ng aktres? "Dati meron. Inamin ko naman yon, di ba? Pero ngayon, wala na talaga. Matagal na kaming walang relasyon," tugon pa niya. Matagal na rin akong walang lovelife, kung saka-sakali, ngayon lang ulit magkakaron," sabi ulit niya.
Nangangarap si Echo na maging international actor. Pinaghahandaan na niya ang tungkol dito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga foreign languages. "Medyo mataas ang pangarap kong ito, pero bahala na. Malay nyo baka sakali ring magkatotoo. Handa naman akong dumaan sa mga auditions, eh. Handa rin akong magsimula ulit sa mababa para lang maka-penetrate sa international market."
Willing din daw si Jericho na iwan ang Pilipinas at pansamantalang manirahan sa ibang bansa kung saka-sakaling may magbubukas ng pinto sa kanya sa Hollywood. (Ulat ni Leo M. Bukas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended