Bayani, preggy ang misis
October 8, 2001 | 12:00am

"Eddie Garcia po ang kasama ko rito kaya excited ako. Ito ’yung tipo ng movie na sasakit ang tiyan mo sa katatawa," sabi ni Bayani na nakatakdang umalis bukas October 9 kasama ang buong MTB gang kung saan magkakaroon sila ng show sa LA, San Francisco and Hawaii.
Isa pang nakakapagpa-excite sa buhay ni Bayani ngayon ay ang balitang two-months preggy ang wife niyang si Len-Len. Pero hindi pa nila alam kung anong gender ng third baby nila. "Ayaw naming magpa-ultra sound para surprise paglabas ng bata. Pero definitely, after this magpapatali na si Len-Len. Tama na ’yung tatlo," sabi ng komedyante na paboritong sidekick ng action stars. May naka-ready na silang pangalan sakaling babae-Carmela. Pag boy naman, Fernando Jose.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended