^

PSN Showbiz

Rodel, nanggigil kay Assunta

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Sabi ni Allona Amor kapareha ni Jestoni Alarcon sa Huli sa Akto, kung binata lang daw si Jestoni at ligawan siya nito, posible siyang ma-inlab dito. "Sa ganda ni Allona, ang dami talagang magkakagusto sa kanya," sabi ng aktor. "Masarap siyang katrabaho. Game siya. Hindi maarte. Malakas ang dating. Marami siyang patataubin sa mga kapanabayan niyang boldstars. Buo ang loob niya at may ibubuga sa acting. Talagang lumalaban nang sabayan."

Ayon kay Allona, sa isang steamy hot scene sa kanilang pelikula kung saan nahuli sila ni Roy Alvarez na nagtataksil, talagang nadarang ang aktor. "Normal reaction lang ng sino mang nakikipag-love scene yon. Tatablan ka pag dinidibdib mo yung ginagawa mo. I guess, we just did our best. Ayoko na kasing uulitin-ulitin pa ang love scene. Tama na yung isang take lang. Pero sinabi ba talaga ni Allona na na-feel niya ako?"

First time nina Allona at Jestoni na magkapareha sa pelikula. Feeling ni Jestoni, isa sa magandang nagawa niya ang pelikulang ito ni Francis "Jun" Posadas. "Ang dami kasing kailangang maipakitang emotions dito. Hindi ito ordinaryong action film. May halong sex at drama ang pelikulang ito. Matindi rin ang suspense lalo na nang paghigantihan kami dito ni Roy. Buhay namin ni Allona ang nakataya."

Napansin ang husay ni Jestoni sa ilang pelikulang nagawa niya, pero hanggang ngayon, tila mailap ang acting award sa kanya. "Hindi ko pa siguro time na maging best actor," sabi niyang pa-humble. "Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil may mga aktor na kung kailan sila nagkakaedad saka sila nagka-award. Ang daming nag-congratulate sa akin sa ginawa ko sa Resbak, bilang kontrabida ni Kuya Ipe (Phillip Salvador). Okey daw ang acting ko. Bagay daw akong kontrabida, poging kontrabida. Kaya lang, gusto kong i-maintain yung pagiging lead actor ko. Ayoko nang magkontra. Pumayag lang ako dahil si Kuya Ipe yon. I hope na mabigyan ako ng project na talagang lulutang ang acting skills ko. Ang napapansin ko lang, mas nano-notice ang acting ng isang artista pag nagda-drama siya, hindi sa action. Eh most of my films are action, hindi drama."

Bukod sa pelikula, abala rin sa pulitika si Jestoni. Aktibo siyang konsehal sa Antipolo. Bakit hindi siya tumakbo sa mas mataas na posisyon kaagad gaya ng vice mayor tulad nang ginawa nina Herbert Bautista at Edu Manzano? Considering na kilala na siya, posibleng manalo siya? "Eh mas mabuti na yung doon muna sa mababa, tapos, unti-unti. Pero maaga pa para pag-usapan yan. Ang importante, pagbutihin ko itong ginagawa ko bilang konsehal. Dito muna ang focus ko."
*****
So far, dalawang pelikula pa lang ang nagagawa ng Seiko Films this year, Sisid directed by Joey Romero at Tikim directed by Jose Javier Reyes. Sa dalawang pelikulang ito, parehong kasama si Rodel Velayo. Mukhang paborito siya ng Seiko?

"Hindi naman," sabi ng poging aktor sa Seiko office noong Martes."Eh kung hindi naman ako, si Leonardo Litton ang bida. Nagkataon lang na mas bagay siguro sa akin ang role. Matangkad si Assunta de Rossi kaya between me and Litton, mas bagay ako. I’m 5’11". Si Litton, 5’8" lang. Pero sa Tikim, magkasama kami."

Nang araw na yon, tuwang-tuwa si Rodel dahil kumita nang malaki ang Sisid sa advance showing nito. Ano ang katotohanan sa likod ng balitang muntik nang maging totohanan ang love scenes nilang dalawa ni Assunta sa pelikula? "Nanggigil lang ako sa love scene namin ni Assunta pero hanggang doon lang yon. I guess, pareho lang kaming hot nang gawin namin yon."

Ano ang masasabi ni Rodel kay Assunta bilang aktres at katrabaho? "Magaling siyang aktres. Hindi lang pagbo-bold ang talent niya. Ang dami niyang heavy scenes na nakayanan niyang gawin. Mahusay din siya sa drama. Actually, dual role siya rito. Pareho niyang nagampanang mabuti. Ang dami naming eksena sa pelikula kaya naging close kami."

Medyo malungkot si Rodel sa balitang galit si Assunta sa Seiko dahil sa frontal nudity sa Sisid. Sabi ng aktor, "In fairness naman sa shot na yon, it was very artistic. Medyo madilim sa part na yon. Kung magagalit siya sa nangyari, eh di hindi na siya uulit gumawa ng pelikula sa Seiko? Ang lungkot naman. Eh di hindi ko na siya makaka-partner ulit? Ang alam ko, sabi ni boss Robbie, pumayag naman si Assunta sa frontal shot na yon. Sana, magkasundo silang muli para makagawa uli si Assunta sa Seiko."

Ipinakilala ng Seiko si Rodel sa Pisil noong 1998. Bago ang Sisid hinangaan ang acting niya sa Arayyy! katambal si Nini Jacinto. Totoo bang may tampo sa kanya si Nini kaya umalis ito ng Seiko? "Hindi ko alam kung may tampo siya o ano. Wala akong natatandaan. Okey naman siyang katrabaho. Siya sana ang ka-partner ko sa Tikim. Nagulat na lang ako nang mabalitaan ko na wala na pala siya sa Seiko. Nami-miss ko rin siya, saka si Brigitte de Joya. Sabi nga namin ni Litton, dalawa na lang kaming contract stars ng Seiko."

ALLONA

ASSUNTA

JESTONI

LANG

NANG

PERO

SEIKO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with