Pumunta sa Pakistan: Gaano katapang si Jessica Soho?
October 7, 2001 | 12:00am
Ang itinuturing ko na isa sa pinaka-magaling at matapang na broadcast journalist at ito ay pinatutunayan ng maraming parangal na kanyang tinanggap para sa kanyang pagpupunyagi ay mayroon nang sariling TV show, ang Jessica Soho Reports. Magsisimula ito sa Oktubre 10, Miyerkules, 11:30 ng gabi, sa GMA.
Habang ang ibang katulad niya ang trabaho ay itinatago na ang kanilang mga camera, libro at panulat makatapos ang isang nakakapagod na coverage, magsisimula pa lamang ang trabaho para kay Jessica Soho na nagbibigay sa kanyang mga manonood na hindi basta bastang overviews ng mga isyu kundi ng mas malalim pang larawan ng mga kaganapan sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo.
Para sa kanyang initial report, pumunta pa si Jessica ng Pakistan. Bagaman at kinikilala na sa kanyang katapangan, inamin ni Jessica na kinabahan siya sa kanyang bagong assignment. "Pakiramdam ko nakaharap ako sa isang alien. Sa eroplano pa lamang ay kinakabahan na ako. May mga kasabay kaming Pakistani na laklakan ng laklakan ng alak. Sinamantala nila ang pagkakataon sapagkat pagdating nila sa kanilang pupuntahan ay bawal na ang alak. Napagtuunan nila ng pansin ang mga stewardesses, ang lalagkit ng tingin nila sa mga ito. Nang makalapag kami at wala na yung mga stewardesses, ako naman ang pinagbalingan nila. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Buti na lang dumating na yung salubong namin (siya at isang cameraman lamang ang lumakad). Kung anu-ano na kasi ang iniisip ko bago sila dumating," pagtatapat niya.
Inamin niya na hindi siya kasing-tapang ng image niya. Katunayan takot siyang humarap sa press. Nang malaman niya na iinterbyuhin siya ay sinabi niya na baka pwede na lamang magbigay ang GMA ng press release tungkol sa kanya. "Hindi ako comfortable na magsalita tungkol sa sarili ko," sabi niya.
"Kinakabahan ako dito sa bagong show ko. Pakiramdam ko, isang malaking burden yung pangalan ko ang titulo nito. I feel I need to come up with a certain standard. Kung sabagay, when I look back nasisiyahan ako na maisip na wala pa akong ginagawa na dapat kong ikahiya."
She confessed having to lie to her dad nang tanungin siya nito kung saan siya pupunta bago siya umalis patungong Pakistan. Sinabi niyang pupunta lamang siya ng Bangkok. "Parang hindi rin ako nagsinungaling dahil may stopover naman talaga kami sa Bangkok," paliwanag niya.
She also admits na ang trabaho niya ang malaking balakid kung kaya wala siyang lovelife. "Kung ang pamilya ko ay nag-aalala sa tuwing umaalis ako, my sister in the US even calls me just to tell me na hindi siya makatulog dahil sa akin, paano na kung asawat mga anak ko na?" tanong niya.
She said na may 3 to 4 romances na raw siya that didnt work out.
For her efforts, nakabili na siya ng bahay sa La Union. "Ilokano kami," imporma niya. May hinuhulugan din siyang condo unit sa kasalukuyan.
Dahil sa dami ng iniisip niya ay hindi na niya mai-drive ang sarili niya kaya may driver siya who takes her around.
Pinaka-recreation na niya ang matulog. "Pero gustung-gusto ko nang nagbabasa. I read all the papers, even the tabloids, everyday." sabi niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended