^

PSN Showbiz

Marvin, ready to bare!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Marvin Agustin ready to bare - but with some considerations - story, director at kung sino ang makakasama niya.

Feeling ni Marvin, it’s about time na mag-grow naman siya as an actor, hindi ‘yung lagi na lang comedy at drama ang ginagawa niya. "Pero hindi naman ‘yung all the way as in bold talaga. Sexy roles, okey," he assures sa kanyang solo presscon for Trip, his latest movie under Star Cinema.

Pero hindi lahat, agree sa plano ng young actor kaya hesitant pa rin siyang magpa-sexy. Noon pa kasi ay may offer na magpa-sexy siya sa movie. "Kino-consider ko rin kasi ‘yung mga batang fans ko. Saka may mga nagsasabi na marami naman akong ibang puwedeng gawin," he avers. Besides hindi naman siya pinababayan ng ABS-CBN, so bakit kailangan niya pang magpa-sexy sa pelikula.

Anyway, three weeks mawawala si Marvin together with Rico Yan and Dominic Ochoa and the rest of MTB gang. October 9 sila naka-schedule umalis kung saan magso-show sila sa LA, San Francisco and Hawaii. Sa October 28 na ang balik ni Marvin. Nag-leave of absence na rin siya sa school for one month. Regular student ang actor sa THAMES in Greenhills. Two to three subject lang ang load every term. May four terms kasi sa THAMES.

Habang nasa abroad sila, ipalalabas sa MTB ‘yung mga advance taping nila na kinunan sa iba’t-ibang probinsiya.

Almost seven months na si Marvin sa nasabing noontime show. Enjoy ang actor sa pagho-host kahit na nga mas nakilala siyang nagda-drama. "Kasi mas masaya rito eh. Lagi kang nakatawa. Hindi katulad sa drama na kailangan mong umiyak. Mas masaya ako ngayon sa ginagawa ko although nakaka-miss din ang drama, pero iba talaga ang nagpapatawa eh," he expresses. Aside from MTB, nagko-comedy din sila sa Whattamen.

Na-prove ni Marvin ang acting niya sa drama sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Anyway, na-over come na rin ni Marvin ang effects ng paghihiwalay ng loveteam nila ni Jolina Magdangal. "Of course may effects din pero so far positive naman ang nangyari. We’re both happy naman kaya okey lang," he says.

In any case, may kasamang goodtime ang trip ni Marvin sa US. Pupunta siya ng Las Vegas with some of his friends and relatives na naka-base sa Amerika. "Hindi pa kasi ako nakakapunta ng Las Vegas."

Kung hindi nagkaroon ng terrorist attack sa New York, target din sana niyang mamasyal doon dahil never pa siyang nakapunta ng NY.

Almost a month sana ang show nila sa US pero kailangan niyang bumalik by October 28 para sa promo ng Trip na almost six months din nilang ginawa.

Anyway, the movie is a story of a young group of friends na nag-bakasyon sa Caliraya during their semestral break. Sa kanilang paglalakbay, they came into realization that influenced their ability to make decisions and actions on their love relationship, family and friends.

Star Cinema bigwig says, the movie empowers the youth of today para harapin ang mga issues and responsibilities at the same time to enjoy what life has to offer.

The movie is directed by Gilbert Perez, ang director ng Kahit Isang Saglit nina Judy Ann Santos, Piolo Pascual and Leandro Muñoz na huge success sa takilya last year.

Aside from Marvin, also in the movie are Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Onemig Bondoc, John Pratts, Paolo Contis, Desiree del Valle, Julia Clarete and Heart Evangelista with Sandy Andolong, Ronaldo Valdez, John Arcilla and Ana Capri.
*****
Almost 31 rides na ang open sa Star City. Kaya naman feeling bagets ako last Monday night dahil kasama kong nag-bump car ang dalawang anak ni Ian Fariñas and Mark Logan - Justin and Mara.

Actually, passenger lang ako ni Mara. Siya ‘yung talagang nakikipag-banggaan sa mga guwapong bagets.

Aside from rides, marami na ring tiangge. Mas cheaper ang mga tinda as in very cheap. Si Ian nga, she brought a queen size comforter for only P750.00. Kung bibilhin mo ‘yun sa regular store, siguro mga P1,500 na ‘yun. Plus ang pillow case, 4 for 100. Pero hindi puwedeng P25.00 each. Basta 4 pieces ang kailangan mong bilhin.

‘Yung mga ayaw mag-shopping ng rush for Christmas, puwede na kayong bumili ng gift items ngayon pa lang sa Star City.

Anyway, exciting din ‘yung Jurassic Ice Palace. Ang ginaw... grabe. Winter na winter ang effect. Bukod sa super lamig, I’m sure magi-enjoy ang mga bata dahil Jurrassic ice ang mga naka-display. The attraction is even bigger this year.

And very soon, another new attraction will open - inspired sa The Mummy. Ang mga bisita ay dadalhin sa chambers sa pyramid where the Mummys used to be kept in peace.

Last September 16 pa nag-open ang Star City. Si Assunta de Rossi ang nag-cut ng ribbon kasama ang Star City President na si Atty. Hadrian Arroyo.

Free entrance pa at P100 lang ride-all-you-can na pop tag.

GILBERT PEREZ

HADRIAN ARROYO

LAS VEGAS

MARVIN

PERO

STAR CINEMA

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with