^

PSN Showbiz

Joyce, puntirya si Diether!

- Veronica R. Samio -
Ngayon pa lamang ay marami na ang naniniwala na magtatagumpay si Joyce Jimenez sa kanyang pamumuntirya sa guwapong si Diether Ocampo, katambal niya sa Ano Bang Meron Ka?. Hindi ipinagkakaila ng seksing aktres na type na type niya ang aktor at kung paniniwalaan ang kutob, sinabi niya na malapit na niyang makuha ito.

"I like everything in him, ang buo niyang pagkatao," sabi niya. "Pero, gusto kong makita kung totoo ang intentions niya, di lang for the movie. Sometimes, parang nagbibiro lang siya although I think he’s serious. Let’s just wait. Me naman I’m not after sex lang, gusto ko pati relationship," dagdag pa niya.

Inamin ni Joyce na malungkot ang lovelife niya ngayon but she gets along, salamat daw sa mga kaibigan niya. "Siguro, kung wala ang mga friends ko, may boyfriend na ako. It’s been quite a while since I broke up with my boyfriend in the States. One and a half years din kami. Talagang hindi kami magkasundo," dagdag pa niya.

She is due to make a movie with Piolo Pascual, too. "But we have to sit down and have dinner with him muna. I’ve met him only once, hi and hello lang. Kailangan naman magkakilala muna kami," sabi pa niya.

At any rate, Joyce is still the sexy girl who is after Aga Muhlach in Da Pilya En Da Pilot na mapapanood every Saturday sa ABS-CBN. Ito ang bagong title ng Da Body En Da Guard na binago ng Dos dahil hindi raw bagay kay Aga ang role.
*****
Kung hindi dahil sa encouragement ng kanyang lola ay baka matagal nang nag-give up ang young singer na si Charmille Shartle, dating myembro ng Best Frends at nakalabas na rin sa ilang pelikula ng Viva Films. Nagsisimula na kasi siyang mag-record para sa kanyang debut album kasabay ng dalawa pang baguhang singer nang walang kadahilanan ay bigla na lang hindi itinuloy. Ni hindi sila sinabihan kung bakit. Basta, wala na lang.

Sa ngayon, patuloy na umaasam si Charms na makilala pa rin bilang singer. Tuwing Huwebes ng gabi ay pinupuno niya ng tao ang Stone House, isang restaurant na unti-unti nang nakikilala dahilan sa masarap na pagkain nito at good music.

Nag-seventeen siya kahapon.
*****
Sa Martes, Oktubre 2, palabas sa Araneta Coliseum ang Air Supply. May tiket na ba kayo? Ang alam ko, maraming ka-edad ko ang nag-aabang sa dalawang ito na gumawa ng maraming hits na naging bahagi ng aming buhay in the early 80’s. Gaya ng "Now and Forever", "Lost In Love", "Even The Nights Are Better", "Two Less Lonely People In The World" at marami pa.

Matagal na rin ang dalawa sa eksena, 25 years na. Kapuri-puri na nagawa nilang maipagpatuloy ang kanilang samahan sa isang mundo na puno ng intriga at ang namamayani ay yabang at pera.

May bagong album ang dalawa nina Graham Russell at Russell Hitchcock, ang "Your’s Truly" na siya ring titulo ng kanilang concert dito.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AIR SUPPLY

ANO BANG MERON KA

ARANETA COLISEUM

BEST FRENDS

CHARMILLE SHARTLE

DA BODY EN DA GUARD

DA PILYA EN DA PILOT

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with