Assunta vs. Alessandra
September 29, 2001 | 12:00am
Hindi maitatanggi na kagyat naging "star" si Assunta de Rossi matapos ipalabas ang Red Diaries ng Regal. Naramdaman ba niya agad yon matapos tumabo ng malaki sa takilya ang kanyang launching film bilang boldstar? "Hindi naman, isang pelikula pa lang yon. no?" sabi niyang nahihiya pero nakangiti. "Ang ipinagpapasalamat ko lang ngayon, yung success ng Red Diaries, umabot siya kasi ng three weeks sa mga sinehan," dugtong nya sa taping ng Bubble Gang noong Lunes sa Filmex, Makati.
Sisid ang next film ni Assunta, to be shown ngayong October 3. Balitang wala talaga siyang saplot habang sumasayaw-sisid sa isang malaking aquarium. Paano siyang napapayag ni direk Joey Romero? "Balak kasi nilang i-present sa mga international filmfest ang Sisid. Eh ngayon, kung ipapalabas ito abroad, hindi puwedeng may daya. Eh si direk Joey naman, mabait siya. Mukhang hindi marunong magalit."
Namroblema raw ang Seiko noong una nang matuklasan nilang hindi pala marunong lumangoy si Assunta. "Kung sasabihin ko kasi na marunong akong lumangoy pero hindi ko naman kaya, hindi tama yon. So, pinag-aral nila akong lumangoy. Hindi naman ako mahirap turuan. Actually, hindi naman very first time akong lumangoy. Wala lang akong practice. But I remember, noong Grade 4 ako sa (Our Lords Grace Montessori), sa Commonwealth, ang Physical Education namin, may swimming. Doon ako unang natutong lumangoy. Yung ganung eksena, yung nagda-dive at lumalangoy sa aquarium, hindi pa ako nakakapanood ng live. Sa TV lang. Sa mga eksena ko sa pelikula, hinuhubad kong lahat ang suot ko just to end the show."
Ayon kay Assunta, hindi naman siya nagtaas ng talent fee nang gawin niya ang Sisid. "Hindi pa kasi naipapalabas ang Red Diaries noon. Ang nangyari, binigyan ako ng Regal ng additional, pero hindi ko na sasabihin kung magkano, cash. After Sisid, siguro naman, may karapatan na akong itaas ang talent fee ko. Kung may magandang project ulit ang Seiko, puwede akong lumabas sa kanila ulit, why not?"
Mabuting karanasan naman para kay Assunta ang makatrabaho ang mga stars ng Seiko. "Si Rodel Velayo, medyo naging close ko yan, kasi, in most of the scenes, magkasama kami. Saka hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Nice naman siya. Si Raymond Bagatsing naman, hindi kami naging ganun ka-close, pero okey naman ang working relationship namin. Noong nagsu-shooting pa kami, hindi pa siya nag-aasawa noon. Nagulat nga ako nang mabalitaan kong nagpakasal na pala siya. Eh nung una kaming magkita sa shooting, wala pa siyang girlfriend. Sabi ko nga, ang bilis naman, ang bilis-bilis!
Sa susunod na pelikula ni Assunta sa Regal, makakasama niya ang kapatid niyang si Alessandra de Rossi. Sex-drama ito na umiikot ang istorya sa kanilang magkapatid. "Mentally-retarded ang kapatid ko rito, ako ang nag-aalaga sa kanya. Si Joel Lamangan ang magdidirek."
Ayon kay Assunta, hindi importante sa kanya kung mahigpit o maluwag ang kanyang direktor. "Ang importante, kung paano ka niya mino-motivate, kung paano ka niya inaalagaan."
May bagong TV show sa GMA-7 si Assunta. "Parang X-Files, ako ang lead, may tatlo akong kasamang mga lalake, supporting. Tungkol sa mga paranormal incidents, directed by Lory Reyes."
Ang pagbibigay-importansya ng Siyete kay Assunta ngayon ay sinyal na ganun na nga siya kainit at kasikat ngayon. Pero mapagkumbaba ang sexy actress. Sabi niya habang kumikinang ang mga mata, "Well, ako naman, hindi ko iniisip na made na made na ako. Hindi naman ako feeling star kaagad! Kasi, iisang pelikula pa lang naman ang kumita na ako ang lead. Ayoko ring mag-expect na tuluy-tuloy na ito, sana nga. Pero kung sunod-sunod, I would be happy."
Masaya ang daddy ni Assunta sa kanyang acting career ngayon. "Sabi ng mommy ko sa akin, nagkausap nga sila ng daddy ko at masaya naman siya. Hindi naman niya ako tinututulan sa ano mang gusto kong gawin, kasi, alam na niya na nagpalit na ako ng image. He doesnt mind. Ganun naman sa Italy, eh. Buti nga doon, pag nag-bold ang isang babae, walang iniisip na masama ang tao. Dito, makakita lang ng konting ganyan, may iba nang ibig sabihin. Sa Italy, kahit maghubot hubad ka, wala silang malisya."
Sa bago niyang image bilang boldstar, ano ang reaksyon ni Rommel Adducul na kanyang ex-boyfriend? "Sabi naman daw niya, happy naman daw siya para sa akin. May nagbalita lang sa akin. Pero sa ngayon, wala kaming communication. Matagal na kaming hindi nag-uusap. Mahigit isang buwan na. Ewan ko, pero busy kami pareho."
Loveless si Assunta ngayon, sabi niya. Pero posible kayang mainlab siyang muli sa isang basketbolista? "Ewan ko," sabi niya. "Ayokong magsalita ng tapos! Malay natin? Pero ngayon, wala. Ayoko na ngang manood ng basketball game ngayon. Actually, hindi talaga ako nanunood. Hindi ko hilig talaga ang basketball. Kung hindi ako nagkaroon ng basketball player na boyfriend, hindi ako manunood ng basketball. Hindi talaga. Hindi ako interesado."
Inaamin ni Assunta na mai-inlab lang siya sa isang lalake na mas matangkad sa kanya. Eh karamihan ng matatangkad, basketball player. "Kahit hindi naman basketball player, bastat kailangan matangkad siya. Pero ayoko ng sobrang tangkad. Puwede, mga 510". Yung gandang-lalake, hindi ko masyadong iniintindi. At hindi ko hinahanap yung pera sa isang tao. Ke mayaman o hindi ang isang lalake, mararamdaman mo sa guy kung may future ka sa kanya. Security naman ang importante, eh. Sa career ko ngayon, hindi ko naman nararamdaman na inspiration ang pagkakaroon ng boyfriend. Sa career ko ngayon, talagang ini-enjoy ko ang ginagawa ko, yon lang."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended