^

PSN Showbiz

'Kapiterya Pinoy', tribute kay Apeng Daldal at sa matatandang komedyante

-
Pagkatapos mamahinga ng dalawang dekada, ibinabalik ng RPN 9 at Aquarei Productions ang dating programang Cafeteria Aroma sa bagong pangalang Kapiterya Pinoy. Magsisimula itong mapanood sa Oktubre 1, 11:30 ng umaga- 12:00 ng tanghali, Lunes hanggang Biyernes.

Katulad ng Cafeteria Aroma, ang Kapiterya Pinoy ay showcase ng pinagsamang beteranong komedyante at mga batang artista na nagnanais na ipakita ang tuwa at tawa patungkol sa buhay probinsya. Isa rin itong tribute sa napakahusay na komedyanteng si Apeng Daldal.

Makakasama nina Maybelyn dela Cruz ng Click, Marky Lopez ng Anna Karenina at Anna Angelica Jones sina Bebot Long Mejia ng Kool Ka Lang, Rey Valenzuela, Sonny Nadal at ang nasa orihinal na show na si Herminio "Miniong" Alvarez sa direksyon ni Jon Mendoza.

"Isa sa layunin ng show ay para mabigyan muli ng puwang ang mga beteranong komedyante gaya nina Miniong, Rudy Manlapaz, Palito, Metring David at iba pa na nakalimutan na yata ng industriya. Sa susunod na episodes ay makikita n’yo sila," anang executive producer.

Dalawa sa bumubuo ng writing pool ng nasabing sitcom ay mga entertainment writers – sina Dinno Erece at Anna Pingol. Kasama nila si Memot Navarro.

ANNA ANGELICA JONES

ANNA KARENINA

ANNA PINGOL

APENG DALDAL

AQUAREI PRODUCTIONS

BEBOT LONG MEJIA

CAFETERIA AROMA

DINNO ERECE

ISA

JON MENDOZA

KAPITERYA PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with