^

PSN Showbiz

Aga Muhlach, nag-paternity leave

- Veronica R. Samio -
Baka sa isang taon na tumanggap ng movies si Aga Muhlach. Lahat nang mga naka-schedule niyang gagawin ay kung hindi napunta sa iba ay tuluyan nang na-shelved. Ang dahilan? Tamad na tamad mag-trabaho ngayon ang guwapong aktor. Parang ang gusto niya ay manatili na lamang ng bahay at samahan ang kanyang kabiyak na si Charlene Gonzales hanggang sa maisilang nito ang kanilang kambal. Ayon sa kanilang doctor, simula sa Nobyembre 3 hanggang 5 ang pagsisilang niya. Pipilitin nitong maging normal ang delivery ni Charlene pero kung hindi puwede at baka maging matagal ang pagitan ng pagsisilang ng ikalawang baby, baka dumaan na lamang si Charlene sa caesarean section.

"Sabi ko nga kay Tita Ethel Ramos, ang manager niya, huwag na muna akong ihanap ng project ngayon dahil baka mapahiya lang siya. Talagang wala ang isip ko sa aking trabaho, hindi ako makapag-concentrate. Next year, I promise, pipilitin kong gumawa hanggang four movies," aniya during the presscon for Da Pilya En Da Pilot, isang spin off ng Da Body En Da Guard na magpapatuloy ng istorya nina Aga at Joyce. Hindi na basta isang bodyguard dito si Aga, isa na siyang piloto matapos makamana ng isang charter plane company sa isang tiyuhin. Ang kanyang amo ay iniuwi na ang pamilya sa Australia. Naiwan dito ang anak niyang sina Robbie at JR (Joyce at John Pratts).

Maraming nawala na character sa bagong istorya pero, magandang karagdagan naman sina Wilma Doesnt, Heart Evanglista at Sammy Lagmay.

Mapapanood ang Da Pilya En Da Pilot tuwing Sabado, ka-back-to-back ng Arriba Arriba sa ika-7:00 ng gabi at Mary D Potter sa ika-8:00 n.g.

Mabalik tayo sa expectant father na si Aga Muhlach, sinabi niya na abala sila sa pagsasaayos ng magiging nursery ng kanilang kambal ni Charlene. Safe ang color na pinili nila, beige lahat bukod sa gamit ng mga sanggol na pink at baby blue ang kulay.

Pagdating naman sa pangalan, wala pang tiyak dahil nag-iisip pa sila ng mga pangalan na bagay sa mga ito kahit bata pa, hanggang sa lumaki sila at tumanda. Gusto ni Aga ng Andres para sa lalaki at Atasha Aaron para sa babae, pero sabi nga niya wala pang definite.

Ngayon pa lamang ay inamin na ni Aga na napakasaya na ng kanyang bahay. "Asawa pa lamang ang mayroon ako, pa’no na pag dumating na ang mga babies?" tanong niya.

Pagkatapos ng pagsisilang ni Charlene ay matatagalan daw muna bago nila sundan ang kambal.
*****
Gusto ko nga palang batiin ang aking mga kaibigan at kapatid sa hanapbuhay na sina Virgie Balatico at Linda Rapadas na napaka-successful ang pinrodyus na concert nung Biyernes ng gabi sa Downtown ng Rembrandt Hotel na tinampukan ng Angfourgettables, na binubuo nina Dyords Javier, Pinky Marquez, Isay Alvarez at Bimbo Cerrudo.

Napakagaling mag-perform ng apat na ang repertoire ay binuo ng mga standards at maski na mga bagong songs of the millennium. SRO ang audience na binubuo ng maraming familiar faces gaya nina Mariz Ricketts, Sunshine Dizon, John Nite, Anna Angelica Jones, Mahal (natatandaan nyo pa siya from the defunct GMA noontime show?), ang pamosong psychic na si Danny Atienza, at maraming government officials. Mukhang napaka-richie ng audience sapagkat maraming tinanggap na tips ang apat sa tuwing may magri-request ng kanta. Pinaka-in demand si Dyords who got away from giving in to the request kahit iba-ibahin pa niya ang lyrics at melodies ng songs.
*****
Balik na naman sa pagbu-bold si Rica Peralejo sa Dos Ekis ng Viva Films na nasa direksyon ni Erik Matti. Kapareha niya rito ang mas guwapo pang si Mark Anthony Fernandez, who revealed during the presscon of the film na matagal na niyang crush si Rica, nun pang mga bata sila. Hindi nga lamang siya nabigyan ng encouragement kaya hindi niya siya niligawan. Lalo siyang nawalan ng tsansa nang makipag-relasyon ito kay Bernard Palanca.

Sa kabila ng lahat, hindi nagkailangan sa trabaho ang dalawa whom Erik revealed ay mayroong maraming maiinit na eksena sa pelikula. Pinaka-bold din ito ni Rica na bilang stripteaser has to show more flesh than in Sa Huling Paghihintay.

"I love working with Rica," said Erik, "dahil wala siyang quieme-quieme. I have proven this in Sa Huling Paghihintay where she did as she was exactly told to do. She knew that she was doing all these bold scenes only before the cameras so she didn’t have any qualms what people might think of her."

Ang istorya ay tungkol sa dalawang taong naiinip na sa kanilang buhay, nangangarap ng bukang liwayway ng kanilang mga buhay pero na-involve sila sa mga tao na hindi sila iiwang may hininga.
*****
Isa sa mga promising talents ng ABS CBS ay ang napaka-gandang si Princess Schuck na nakasama sa binigyan ng birthday presscon kamakailan lamang kasama ang iba pang September honorees gaya nina, Julia Clarete, Serena Dalrymple, Carlo Aquino, Nicole Hoffer, Emman Abeleda, Marvin Lanuza at Daniel Reyes.

Contender si Princess sa TV Star Awards sa kategoryang Single Performance para sa episode na "Uling" ng Pira-Pirasong Pangarap at siya ang pinaka-batang nominado. She is only 14 years old at nasa 2nd year high school sa Espiritu Santo Parochial School.

AGA MUHLACH

ANNA ANGELICA JONES

CHARLENE

DA PILYA EN DA PILOT

NIYA

RICA

SA HULING PAGHIHINTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with