^

PSN Showbiz

Metropop winners sa 700 Club

-
Paano nga ba manalo sa Metropop? Ano ba ang kailangan dito?

Ibabahagi nina Cathy Carlos and Laverne Ducut, ang mga kompositor ng awiting "Kawikaan" na siyang nanalo ng ikalawang gantimpala sa Metropop Music Festival, ang kanilang mga karanasan tungkol rito ngayong Miyerkules, ika-3 ng Oktubre, sa ispesyal na music episode ng The 700 Club: The First 25 Years, alas-12:00 ng hatinggabi sa GMA-7.

Kapwa miyembro ng creative group sina Cathy at Laverne sa production department ng Far East Broadcasting Company, ang kumpanyang nagmamay-ari at nagpapalakad ng mga istasyong DZAS at DZFE sa radyo.

Si Laverne, isang dati nang kompositor na sumali nang minsan sa Metropop, ang nakadiskubre ng galing ni Cathy sa musika nang magkatrabaho ang dalawa sa paggawa ng mga music jingles para sa mga programa sa istasyon. Ayon kay Cathy, magaling daw magturo si Laverne at di nagtagal ay nahikayat na rin siyang gumawa ng sarili niyang mga komposisyon at isali ang mga ito sa paligsahan.

Dalawang kompetisyon ang sinalihan ni Cathy, na parehong pinapanalunan niya ng grand prize. Di naglaon ay kinumbinsi niyang mag-collaborate sila para sumali sa Metropop, ang kilalang paligsahan na siyang ambisyon ng maraming kabataang musikero dito sa Pilipinas.

Ang usung-uso nung mga panahong yon ay mga awiting doble ang ibig sabihin ng mga lyrics– mga may double meaning, ika nga, na minsan, may pagkabastos.

Ayon kay Cathy, gusto raw nilang maiba sa mga yon at gumawa ng impact sa pamamagitan ng kanilang musika. Sabi niya, "we used multiple meanings– hindi lang doble, kundi triple-talagang loaded."

Ang sabi naman ni Laverne "Yung kanta, softsell na gospel, kasi nga gospel composers kami. Gusto naming makapasok sa Metropop ng kantang di pa nagagawa ng iba."

Back to basics daw ang mensahe ng awitin nila, at maging sila, back to basics din. Pero hindi naging madali ang umpisa. Nung ika-27 ng Pebrero, ilang araw bago mag-deadline, isang linya pa lamang ang natatapos nila. Ngunit ayon kay Cathy, may kakaibang kapayapaan silang nadama. Maliwanag raw ang sabi ng Panginoon, "Be still, and know that I am God."

Sa buong proseso ng paglikha, dasal ang naging pangunahin nilang hakbang, mula sa pagsusulat, sa pagko-compose, hanggang sa pagpili ng mag-aareglo at awit sa kanta. Hindi naman sila binigo ng Panginoon, at nakalikha sila ng isang kakaibang awit na siyang nanalo na nga sa paligsahan.

Kung tatanungin kung sino ang composer at sino ang lyricist, sasabihin nilang pareho silang gumawa ng titik at awit sa kanta. Ngunit ang pangatlong collaborator ang pinakamalaki ang ginawa, ang Diyos na di lang naging inspirasyon, kundi kumilos upang ayusin ang lahat.

Ang episode na ito ay bahagi ng selebrasyon ng 25 na taong broadcast ng The 700 Club sa bansa. Kasama rin dito ang interviews sa magkapatid na Zebedee at Nonoy Zuñiga, Himig Handog, Gary Valenciano and Ray-An Fuentes at mga awitin mula kina Pido, Khalil Kaimo, Samantha Chavez at The CompanY.

AYON

CATHY

CATHY CARLOS

FAR EAST BROADCASTING COMPANY

GARY VALENCIANO

HIMIG HANDOG

LAVERNE

METROPOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with