^

PSN Showbiz

Tanya Garcia ang ipapalit kay Antoinette Taus bilang loveteam ni Dingdong?

-
Papatayin na ng Viva Films ang loveteam nina Dingdong Dantes at Antoinette Taus. Ang dating Star Circle member na si Tanya Garcia ang nakatakdang maging partner ngayon ni Mr. Dantes.

Nagsimula na ang loveteam nina Tanya at Dingdong sa programang Anna Karenina ng GMA-7. Napansin ang chemistry nila kaya ilulunsad na rin sila ng Viva sa isang pelikula.

"I’m happy and excited. Matagal din naman akong naghintay. Ang feeling ko ngayon, dumating na rin yung time ko na ako naman. Parang bonus pa na si Dingdong ang ila-loveteam sa akin. At least kilala ko na siya," nakangiting simula ni Tanya.

Sa kabilang banda, may takot din sa dalaga na masabing mang-aagaw ng ka-loveteam. Aware nga raw siya na kahit papa’no ay may following na rin sina Dingdong at Antoinette.

"Of course, siguradong may mga lalabas na manunulot ako o nang-ahas, pero dedma na lang. Nakakatakot din pero trabaho lang ito. Wala naman kaming ginagawang masama para ma-afraid, ’di ba?

"Hindi ko naman inaagaw ang puso ni Dingdong. Wala rin naman akong planong sirain ang relasyon nila ni Antoinette kung meron man. Wala sa vocabulary ko ang mang-agaw at mang-ahas ng boyfriend ng may boyfriend! Ha-ha-ha!" at napatawa na rin siya.

Paano raw kaya kung mahulog din ang loob sa kanya ni Dingdong? Kung seryosohin din siya nito pagdating ng panahon?

"Ayokong isipin. Basta sa ngayon, ang alam ko lang magkatrabaho kami sa TV at pelikula. It’s too early, saka ko na lang siguro sasagutin ’yan ’pag nangyari ’yon," pabiting pahayag na lang niya.(Ulat ni Robert Perez)

ANTOINETTE TAUS

DINGDONG DANTES

MR. DANTES

ROBERT PEREZ

STAR CIRCLE

TANYA

TANYA GARCIA

VIVA FILMS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with