^

PSN Showbiz

Maganda ang ibinabadya ng MMF 2001

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Mahigit palang apatnapung (40) pelikula ang balak isali ng mga local producers sa nalalapit na annual Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Ito kaya ay nangangahulugang bumubulusok na ng husto ang Philippine movie industry, isang palatandaan kaya lamang ito ng over confidence at eagerness to join the competition-free Christmas playdates na siyang pinakamimithi ng lahat dahil halos sigurado na ang kita sa takilya ng anim na pelikulang mapipili ng Screening Committee para lumahok sa taunang selebrasyon?

Base sa aking karanasan nitong mga ilang nagdaang taon, parang ilan lamang ang talagang seryosong nagsisisali sa MMFF at ang iba ay nagbabakasakali lamang. Ang iba namang pelikula sa total na 40 which made it to the deadline ay nasa isip pa lamang o imagination ng direktor o scripwriter at hindi pa buo ang project. Ang ilang entries ay tapos nang mga pelikula na walang makuhang playdate at nangangarap na swertihin sa pilian kung may mga projects na hindi pumasok sa deadline sa magic six entries sa December.

Syempre pa, matunog ang mga entries na puwedeng makapasok ay ang mga pelikula ng Regal, Viva, GMA Films, Star Cinema at ang dalawang slots ay makukuha ng independents. May mga pelikula nang tapos si Ronald Gan pero sa tingin ko ay dehado ito sa pilian lalo pa nga at maraming action movies na pumasok sa festival gaya ng mga projects nina Robin Padilla, Cesar Montano, Bong Revilla, Jeric Raval, at kung sinu-sino pang mga action star wannabe.

Inaasahan ding pambato ng Viva ang tambalang Robin at Sharon Cuneta. Pero may project daw sa Neo Films si Richard Gomez at Regine Velasquez. Isa pang hinihintay ng mga fans ay ang pelikula nina Mark Anthony Fernandez at Donita Rose. May project din si Pops Fernandez at Aiza Seguerra na siyang comeback movie ni Aiza na ratsada ngayon ang career sa recording at baka pumatok din muli sa movies.

Ang MMFF finalists ay karaniwang alloted sa action, comedy, drama, adventure, fantasy pero isinasaalang-alang din ng Screening Committee ang tema ng pelikula, casting at stars ng movie.
Mabilis mawala ang artista!
Malinaw na malinaw na ang thrust ng promotional build-up para kay Kristine Hermosa ay ang pagiging pambihirang physical beauty niyang napaka-wholesome ang dating sa mga audience. Sa totoo lang kokonti ang mga pinasisikat ng Star Cinema at ABS-CBN talent center ang tunay na beauties. Pero parang natapos na ang pamamayagpag ng mga small or cute young ladies tulad nina Jolina Magdangal, Claudine Barretto o Judy Ann Santos at sumisingit na sa eksena ang mga tunay na kagandahan tulad ni Vanessa del Bianco.

Pero ang sabi ng ilang sektor kokonti pa nga raw ang mga talagang magagandang artista ngayon in comparison to the beauties of yesteryears tulad nina Gloria Romero, Susan Roces at Amalia Fuentes at sobrang ganda rin ni Charito Solis, Delia Razon, Tessie Quintana. Pero ngayon kasi ang bilis mawala ng mga artista— nasaan na sina G Toengi, Aileen Damiles?

At kung passport man ang beauty title sa showbiz hindi naman ito garantiya na ang beauty queen ay magtatagal sa showbiz tulad ni Gloria Diaz. Pero ngayon nga raw ay napaka-eclectic ng ating crop of young ladies at hindi na sukatan ang tisay na kagandahan o kaseksihan, basta kung ano ang impresyon sa manonood, iyon na iyon.
Balik na ang tunay na reyna!
Ratsada ang promo ng La Vida Rosa ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Rosanna Roces at Diether Ocampo at malakas ang ugong na baka raw sa movie na ito makamit ni Osang ang minimithi niyang acting award. Matatandaang ilang ulit na na-nominate si Osang at asang-asa ang lahat na siya ang mapipili noon sa isang festival movie na Ang Babae Sa Bintana at si Chito Roño rin ang direktor. Pero ewan ko kung anong milagro ang nangyari at ang pinili ng mga hurado na best actress noong pagkakataong iyon ay si Alice Dixson na kung tutuusin ay supporting lang sa pelikula niyang ipinanlaban.

Aminin man ni Rosanna o hindi, talagang malaking disappointment para sa kanya ang nangyari dahil noon matunog na matunog din ang kanyang performance. Sana naman ang La Vida Rosa ay maging swerte kay Osang at magka-award man o hindi, bilib at saludo pa rin ang lahat sa kanya kung akting din ang pag-uusapan. Dito nga nakalalamang sa ibang bold stars si Osang, matapang na, kwela at magaling pang umarte lalo pa nga ngayong sineseryoso na niya ang kanyang propesyon, gaya ng kanyang sinasabi sa kanyang mga interviews sa telebisyon.

Sa La Vida Rosa, si Osang ay isang mahirap na babaeng may anak sa pagkadalaga at may inang bulag at masasangkot siya sa isang criminal syndicate kasama si Diether Ocampo. Ito lamang ang pelikula ni Rosanna for a couple of years dahil hindi naman siya gumawa ng bold movie at hinayaan muna niyang mamayagpag ang ibang boldies sa labanan tulad nina Priscilla Almeda at Ina Raymundo.

Pero ngayon ay bumalik ang tunay na reyna, kaya tabi muna ang mga tulad nina Joyce Jimenez at Rica Peralejo. Ang hirap kay Rosanna, problema na niya ang humanap ng project na may seryosong akting at hindi lamang basta hubaran at graduate na siya sa mga cheapie-cheapie projects tulad ng mga una niyang pelikula sa Seiko. May pinapangalagaan na siyang reputasyon bilang aktres at hindi lamang siya basta-basta hubadera ngayon.

DIETHER OCAMPO

LA VIDA ROSA

OSANG

PELIKULA

PERO

ROSANNA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with