Viva Box Office, libreng pelikula mula sa Viva
September 25, 2001 | 12:00am
Mga 300 pelikula taun-taon, 25 pelikula buwan-buwan at apat na pelikula kada linggo kasama na ang mga special showings at made-for-TV films na tinatampukan ng mga malalaking pangalan sa industriya ng pelikula ang nakatakdang mapanood sa Viva Box Office na magsisimula ng palabas sa buwan ng Oktubre tuwing Lunes, Martes, Huwebes at Sabado, makatapos ang Who Wants To Be A Millionaire sa IBC 13.
Dito ipi-premiere ang Kiss Mo Ko sa Okt. 6, 6 ng gabi na nagtatampok kina Antoinette Taus, Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Polo Ravales at Katya Santos.
Nakatakda ring mapanood sa VBO ang mga pelikulang Bulaklak Ng Maynila na humakot ng mga awards para sa pelikula nina Christopher de Leon, Elizabeth Oropesa at Angelu de Leon; Dito Sa Puso Ko nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman na kinunan ng buo sa US ni Eric Quizon; Kailangan Koy Ikaw nina Regine Velasquez at Robin Padilla at Booba ni Rufa Mae Quinto.
Nakatakda ring mapanood ang Pinagbiyak Na Bunga, Squala, Buhay Mo, Buhay Ko Rin, Strict Ang Parents Ko, Kamagong, Guadalupe at Pedro Penduko.
Bukod sa Viva Box Office, inihahandog pa rin ng Viva-TV ang Sinemaks tuwing Linggo, Now Showing tuwing Sabado. Palabas sa Sinemaks ang Linlang ngayong Okt. 14. Naka-schedule na rin ang Hindi Pahuhuli Ng Buhay, Markadong Hudas at The Butch Belgica Story.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended