Bayani wholesome comedian
September 24, 2001 | 12:00am
Hindi inaasahan ni Bayani Agbayani na madali niyang maa-achieve ang tagumpay na kasalukuyan niyang tinatamasa. Limang taon pa lang kasi si Bayani sa showbiz, pero lahat na yata ng break na puwedeng ibigay sa isang artista ay napunta na sa kanya. "Kaya nga hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng blessings ko. Bihira lang ang comedian na nabibigyan ng ganitong pagkakataon, I mean sandali pa lang ako sa showbiz, pero malalaking artista na ang nakasama ko," Bayani says.
Ilan sa malalaking artista na nakasama na niya ay sina Robin Padilla, Bong Revilla, Phillip Salvador, Cesar Montano at ngayon nga, si Eddie Garcia sa Sangganot Sanggago sa direksyon ni Al Tantay para sa Viva Films. "Pakiramdam ko tinanggap ako ng tao dahil nakita nila yung talagang pagmamahal ko sa trabaho. Saka since magsimula ako sa showbiz, hindi ako naglihim. Never akong nag-deny na may asawat anak na ako. Na galing ako sa talagang mahirap na pamilya. Saka siyempre sa tulong ng Maykapal.
"Lagi kong pinagdarasal na sana huwag akong pababayaan ng Diyos dahil hindi lang ang sarili ko ang iniisip ko sa bawat ginagawa ko, kundi ang pamilya ko. Ang nanay ko, mga kapatid at siyempre, ang asawat mga anak ko," sabi ni Bayani sa isang interview.
Nakagawa si Bayani ng pangalan nang walang kahit anong intriga as in walang negative publicity against him. "Tulad ng sinabi ko kanina, hindi kailangan ang kahit anong issue para makilala ka. Mahal ko ang trabaho ko at nakikita yun ng tao. Saka ang trabaho pag talagang mahal mo, nagiging natural lahat ng ginagawa mo," he adds.
Siya rin ang kino-consider na wholesome comedian. No kissing scenes or sexy scenes for him. "Nagagalit kasi yung mga batang fans pag nakikita nila akong nakikipag-kissing. Saka parang hindi sa akin bagay yung ganoon di ba? Masaya na ako sa ginagawa ko ngayon," paliwanag niya.
At any rate, sa Sangganot Sanggago, Bayani plays Billy, a janitor forced to share a room with an ex-convict, Waldo (Eddie), who claims to be his (Billys) houses original owner.
Expectedly, they go through several (mis)adventures while living together in one roof.
Sangganot Sanggago also stars Jackie Forster, Michelle Byle, Jaime Fabregas, Robin daRoza and Aiza Marquez. The movie is set to kick off on October 10.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended