^

PSN Showbiz

Gladys, may reklamo kay Diether?

-
Matapos kumalat ang balitang gulo between Diether Ocampo and his director of Recuerdo de Amor, isa rin daw si Gladys Reyes sa nagrereklamo kay Mr. Ocampo.

Ayon pa sa tsika, hindi na rin daw ma-take ni Gladys ang kakayahan ni Diether sa pag-arte. Kahit daw siya ay nagtitiis na lang sa tuwing makakaeksena niya ang aktor.

May mga pagkakataon daw kasi na bigay na bigay na si Gladys sa kanyang acting pero inaabot pa rin daw sila ng ilang take dahil kay Diether na ’di raw makuha ang tamang akting.

Nakausap namin si Gladys sa isang showbiz party at nilinaw namin sa kanya ito. Pati na rin ang isyung naglalagay daw ng eye-mo si Diether sa mga eksena nitong umiiyak.

"In fairness kay Diether, malaki na ang ini-improve niya sa acting. It’s not true na nagkakaproblema kami sa kanya. Kahit sa direktor namin, masaya kaming lahat. Hindi rin totoo ang eye-mo issue," pagkaklaro agad ng dalaga.

"Kahit ako, napapahanga na lang kay Diether. Tsaka siya ’yung artist na pag alam niyang kulang, pinapaulit niya ang eksena. Makikita mo talaga ’yung dedikasyon niya sa trabaho.

"Nagkasama na rin naman kami before sa Saan Ka Man Naroroon. Kaya kahit na papaano’y kilala na namin ang bawat isa," pagtatanggol pa niya.

Komento naman ng ilan, sa husay siguro ni Gladys kaya maraming nakukulangan kay Diether. Madalas nga raw kaysa hindi, nasasapawan niya sa pag-arte ang binata?

"Ewan ko ba. Pinanganak na nga siguro akong artista. Pero hindi naman po ako ’yung tipo na mahilig manapaw. Binibigay ko rin lang ang the best ko, at ’di ko na naman siguro kasalanan ’yon," at napangiti na lang siya.

Si Gladys ang tinanghal na Best Drama Actress sa Star Awards for TV last year. Maulit nga raw kaya ’yon ngayong taon? (Ulat ni Robert Perez)

DIETHER

DIETHER OCAMPO

DRAMA ACTRESS

GLADYS

GLADYS REYES

KAHIT

MR. OCAMPO

RIN

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with