^

PSN Showbiz

Piolo, suwerte kay Juday

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Nasa third week na ang showing ng Judy Ann Santos movie na Bakit Di Totohanin at syempre ito ay tambalan nila ni Piolo Pascual, at totoo namang patok ito sa takilya. Noong Linggo ko lamang ito napanood at laking gulat ko dahil puno pa ang sinehan. Talagang this is a kilig and tili movie. Successful ang bagong team-up ng Juday-Piolo at talaga yatang nasagad na ang itatakbo ng Wowie-Juday tandem. Hindi lahat ng mga nakakatambal ni Judy Ann ay pina-patronize ng kanyang mga fans kaya flop ang movie niya sa Maverick at sa MMG Films.

Maganda ang promo ng Juday-Piolo loveteam at kuwela naman ang kanilang chemistry. Pero ang lalong kapansin-pansin sa movie ay ang mga comic antics ng mga supporting nilang tulad nina Gloria Diaz, Gloria Romero, Vic Vargas, Jeffrey Quizon at Johnny Delgado. Tamang-tama ang timpla nilang lahat at kahit kontrabida si Vic Vargas, hindi naman siya Max Alvarado. Pero Jeffrey tends to overact as gay brother to Judy Ann. Credible naman si Judy Ann bilang girl boxer. At tuwang-tuwa nga ang aking five-year old niece sa fight scene ni Juday at maganda ang execution nito.
*****
Kaagad ang reaksyon ng mga Hollywood movie producers sa mga nangyaring pambobomba sa New York at Washington. Sabay-sabay nilang ipinul-out sa mga sinehan o kaya naman ay ipinagpaliban muna ang opening dates ng mga malalaking pelikulang ang tema ay tungkol sa terorismo. Ang latest movie ni Arnold Schwarzenegger, pati na ang sequel ng Independence Day ay na-postpone indefinitely. Ewan ko lang kung ito ay isang patriotic gesture at para sa mga producers ay wise business decision dahil siguro naman wala sa mood ang mga Amerikano ngayon na mag-enjoy ng mga terrorism movies gayong nahaharap sa tunay na terorismo ang kanilang bansa.

Maaari rin namang sa mga nakaraang Hollywood movies ay nakakuha ang mga terorista ng ideya kung paano nila sasalakayin ang U.S. Hindi malayo ang ganitong kaganapan. Ang pelikulang Air Force One ni Harrison Ford ay tungkol sa pagkidnap sa isang U.S. President at ang pelikula ni Schwarzenegger ay tungkol sa pag-atake ng mga terorista sa siyudad ng Los Angeles. But who in his right mind naman kaya ang mag-aakala na ang grupo ng mga kontrabida ay makukuhang sagupain ang puwersa ng bansang U.S. sa kanilang gagawing pamumuksa?

Dapat samantalahin ng mga local producers ang desisyon ng Hollywood tungkol sa terror at high-tech movies. Pansamantalang hihina ang foreign competition. Balik-drama tayo tungkol sa human relations, romantic themes at inspiration movies. Na siya nating kailangan sa panahong ito ng pangamba. Baka bumalik muli ang mga family-oriented movies at youth-oriented films about everyday people – mga ordinary lives made extra-ordinary by different situations and different stories.
Walang ingay ang Local Movie Industry
Everything is relatively quiet on the local action sector of the local movie industry at kamakailan sa manaka-nakang small budget action movies nina Ronnie Ricketts, Ian Veneracion at Lito Lapid, tahimik ang mga tinataguriang action kings mula kay FPJ, Daboy, Ipe at Bong. Pasingit-singit pa rin ang pelikula ni Cesar Montano pero ang balita ay hindi masyadong kasiya-siya sa mga producers ang naging resulta ng ilang sunud-sunod na pelikula ni Buboy kaya pinag-iisipang mabuti kung paanong promotions at hype ang gagawin sa Mananabas ng Maverick Films upang maging isang action blockbuster ito.

Buti na lamang at may television show si Rudy Fernandez (Kasangga) at Bong Revilla (Idol Ko Si Kap) sa GMA-7 (at pareho raw humahataw sa ratings) kaya hindi sila nami-miss ng kanilang fans. At walang bagong action star na umaapir at maging ang bini-build up na si Victor Neri ng Star Cinema ay nagso-soap opera na lang sa TV.

Si Phillip Salvador ay wala ring ginagawa pagkatapos ng eleksyon. Hindi na pine-pursue ni Raymart Santiago ang kanyang action career at comedian naman ang kanyang dating sa Kool Ka Lang. Wala rin yatang planong maging action star si Jericho Rosales at si Diether Ocampo at nalilinya sila sa mga romantic o sexy roles, gaya rin ni Piolo Pascual.
*****
Email: [email protected].

ACTION

AIR FORCE ONE

ARNOLD SCHWARZENEGGER

BAKIT DI TOTOHANIN

JUDY ANN

MOVIE

PIOLO PASCUAL

VIC VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with