^

PSN Showbiz

Isyu kina Ara, Jomari ayaw mamatay-matay!

-
Hindi pa rin natatapos ang isyu between Jomari Yllana and Ara Mina. Ang latest tsika, madalas daw makita ang sasakyang van ni Ara sa harapan ng bahay nina Jomari sa Parañaque. At nu’ng nakaraang birthday ni Jomari, niregaluhan daw ni Ara si Jomari ng relos na nagkakahalaga umano ng eight hundred thousand pesos.

Dahil sa mga isyung ito, minarapat na rin daw ng GMA 7 na patayin na ang pinagsasamahan nilang show na Kiss Muna. Apektado na rin daw ang programa at ito raw ang tamang paraan para matigil na ang mga isyung ito.

Hindi na rin daw maganda na pati kay Elizabeth Oropesa ay nali-link na si Jomari. At bukod kay Ara, pati ang pangalan ni Angelu de Leon ay dawit na rin sa mga babaeng nauugnay ngayon kay Jomari.

Sari-sari nga ang intriga kay Jomari buhat nu’ng mapawalay sa misis na si Aiko Melendez. Aminado naman si Jomari na magulo at di maganda ang sitwasyon niya ngayon. Kaya umiiwas daw siya sa mga interview.

"Ayoko na rin kasing magbanggit pa ng mga pangalan. Hindi maganda na parating may nadadamay. Pero sa nangyayari, kahit gusto mong manahimik na lang, parang lalong lumalaki ang isyu. Nadagdagan pa nang nadagdagan. Parang nanganganak," paunang sambit ni Jomari.

"Nag-iisa pa rin ang babae sa puso ko. Siya ang babaeng pinakasalan ko at ina ng anak ko ngayon. I will honestly say na may problema, pero huwag na po nating dagdagan pa. Huwag na tayong gumawa ng mga istorya.

"Wala pong nagbibigay o nagreregalo ng relo sa akin. Kaya ko rin naman pong bumili ng sarili kong relo," aniya pa. (Ulat ni Robert Perez)

AIKO MELENDEZ

ARA MINA

ELIZABETH OROPESA

JOMARI

JOMARI YLLANA

KAYA

KISS MUNA

RIN

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with