"Walang ikatlong digmaang pandaigdig na magaganap"
September 18, 2001 | 12:00am
Tulad ng alam ng lahat ay isang malaking trahedya ang gumulat at yumanig sa bansang Amerika na ikinasawi ng daan-daang katao at maging daan para pag-usapan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo man.
Sumabog ang World Trade Center, Pentagon at ang State Department sa New York City at mabilis itong ikinaalarma ng buong mundo.
Kaugnay nito ay biglang pumasok ang pangalan ni Nostradamus na sinasabing siyang nakahula na magaganap sa New York ng nasabing insidente. Nakasulat umano ito sa kanyang librong inilimbag bago siya yumao daang taon na ang nakalilipas.
At kapag binanggit ang pangalang Nostradamus dito sa Pilipinas ay iisang psychic lamang ang pumapasok sa isip ng marami. Ito ay walang iba kundi si Jojo Acuin, tinagurian namang Nostradamus ng Asya at Pacifico.
Pinasyalan namin si Jojo A. sa kanyang tanggapan sa 52 General Lim Street, Heroes Hills, Quezon City upang alamin mula sa kanya kung ano ang masasabi niya sa trahedyang naganap sa New York.
"Ang naganap na trahedya sa Amerika ay maaaring masundan pa sa hinaharap at ito ay maaaring umiral sa iba pang panig ng daigdig tulad ng Inglatera at Pransya," pahayag ng magaling na psychic.
Ipinahayag din ng Nostradamus ng Asya ang kanyang kalungkutan sa nangyaring trahedya subalit sinabi rin niya na hindi ito ang hudyat ng pagkakaroon ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
"Kaya huwag mangamba sapagkat hindi magkakaroon ng kaganapan ang kanilang ikinatatakot." Samantala, para naman sa ating bansa ay mayroong bagong prediksyon ang Nostradamus ng Asya lalung-lalo na sa ating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"Para sa ating bansa, damang-dama ko na ang lahat ng intriga sa ating Pangulo ay malalampasan niyang lahat. Wala akong nakikitang aksidente o trahedya sa kanya. May mga magpipilit na ibagsak ang kanyang pamunuan subalit walang magtatagumpay. Matatapos niya ang kanyang termino.
"Ngunit dapat na paghandaan ang darating na eleksyon sapagkat may ilang kapanalig na maaaring makalaban niya sa pagiging Pangulo. Ngunit ang tagumpay ay nasa kanya pa rin.
"Bagamat pipilitin ng pamahalaan na maging malinis ang darating na eleksyon sa taong 2004, ang pandaraya ay iiral at iiral pa rin," mahabang pahayag ni Jojo A.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended