^

PSN Showbiz

Gf ni Lucky, approve kay Edu

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Lucky Manzano formally introduced his girlfriend, Nancy, to his dad Edu Manzano. It happened sa surprise birthday party ng actor last Friday sa Detour Billiard Hall in Makati.

Okey si Nancy kay Edu. "But I always remind him na bata pa siya (referring to Lucky). Pero kung saan siya happy, okey lang basta ‘wag siyang magkaka-problema sa studies niya," Edu comments.

Nag-billiard pa ang mag-ama habang nanonood si Nancy. Panay din ang biruan nila.

Very open si Lucky sa relationship nila Nancy. In fact, everytime na may TV appearance si Nancy, always present si Lucky. Last Saturday, nasa Keep On Dancing sila.

Anyway, star-studded ang suprise party for Edu. Almost 11:00 p.m. nang dumating ang celebrator with wife Rina.

Naunang dumating si Armida Siguion-Reyna with Bibeth Orteza.

Mas nauna namang dumating si Martin Nievera na nagkukuwento na one time ay napadaan siya sa Ayala, nakita niya kung gaano karaming pirated CDs ang ibinibenta sa may sidewalk mismo ng Ayala. Binuksan niya ang window ng car niya at na-shock daw ang mga seller.

Wala pang 30-minutes when Pops Fernandez arrived. Solo lang si Pops nang dumating. Okey naman sila ni Martin. In fact, nagkukuwentuhan sila na parang friends lang.

Solo ring dumating si Senator Kiko Pangilinan. Nag-greet lang ang senador sa ilang guest bago siya mag-billiard. No’ng una, solo lang siyang naglalaro pero later on ay nakalaban niya si Kevin Bernal na dumating namang kasama si Paul Cabral.

Present din si Johnny Delgado with Direk Laurice Guillen, Joel Torre, Tirso Cruz III with wife Lyn, Victor Neri, Direk Carlitos Siguion-Reyna, Direk Boots Plata, John Lesaca, Rez Cortez, Dennis Padilla, Marjorie Barretto among others.

Dumating si Mons Romulo-Tantoco with husband Sander Tantoco and Berna Romulo-Puyat with her husband too.

Maaga rin si Navotas Mayor Toby Tiangco, isa sa mga nag-plano ng nasabing surprise party for Edu. Nag-start ang friendship nila during the time na president si Edu ng Vice Mayor’s League of the Philippines.

Boss Vic del Rosario
of Viva Films came in with his lady love Ana Bautista. Nag-billiard sila ni Edu. Natalo ng actor si Boss Vic kaya panay ang joke ni Edu na baka hindi na matuloy ang project niya sa Viva. "Masama ang reaction niya eh," biro ni Edu.

Almost 1:00 a.m. na nang dumating sina Aga and Charlene Muhlach. At kahit preggy si Charlene, nag-billiard pa rin silang mag-asawa. Medyo namamanas na si Charlene at anytime next month ay manganganak na siya.

Hindi ko na alam kung anong oras sila umalis dahil may mga friends pa si Aga na dumating.

Although wala na sa pulitika si Edu, busy naman siya sa movie and TV assignments. Next month, magi-start na ang sarili niyang game show , Weakest Link na mapapanood sa Channel 13. May naka-schedule siyang movie sa Viva and Solar Films.

Okey ‘yung idea ni Tita June (Rufino) na sa billiard hall mag-party. At least may chance ‘yung ibang guest na mag-billiard na in-na-in ngayon.

At any rate, almost 4:00 a.m. na natapos ang party.
*****
Stranded sa Canada sina Eric and Jeffrey Quizon. First come first served basis kasi ang flight from Toronto, Canada kung saan sila nag-attend ng Toronto Film Festival for exhibition ng Markova sa nasabing film festival.

Plano kasing dumaan ng magkapatid sa San Francisco para bisitahin ang mom nilang si Baby Smith. Pero dahil nga sa terrorist attacks sa America particular na sa New York, affected pa rin lahat ng flight.

Marami na ring local entertainers ang nag-cancel ng commitment nila abroad. Isa na si Pops Fernandez na supposedly ay may schedule na concert sa US with the Side A band.

Maging si Aga Muhlach ay nag-cancel ng trip sa Hong Kong para sa premiere night ng Pangako Ikaw Lang.

Sa case naman ni Regine Velasquez, standing room only raw ang concert ng Asia’s Songbird sa LA bago pa man ang terrorist attack sa America.

Salve V. Asis’ e-mail - psnbabytalk@hotmail. com

AGA MUHLACH

ANA BAUTISTA

ARMIDA SIGUION-REYNA

AYALA

BOSS VIC

DUMATING

EDU

NAG

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with