Disco sa waterfalls
September 18, 2001 | 12:00am
Yun na siguro ang pinaka-masayang birthday party na nadaluhan ko. Talagang party, may kainan, kantahan at sayawan. Youd think na dahilan sa may kalamigan ang gabi ay ipagpapabukas na ng mga guest ang pagsasayaw (marami ang nag-overnight) pero, hindi, habang panay ang banat ng awitin ang banda, wala ring humpay ang pagsasayaw ng mga bagets (at maging ng nagets at bading) na dumalo sa 18th birthday o debut ni Aiza Seguerra na ginanap sa Villa Escudero nung Sabado ng gabi. Habang nagsasayaw ay panay din ang basaan. Di maaaring di ka mabasa dahil ang sayawan ay ginawa dun mismo sa rumaragasang talon na ayon sa mga taga-roon ang tubig na umaagos ay mula sa Bundok Banahaw. Kaya naman ubod ng lamig!
Handa namang mabasa ang lahat. Nakasaad sa imbitasyon ni Aiza na lahat ng dadalo ay kinakailangang handang mabasa mula ulo hanggang paa. Most of the guests complied sa hinihinging dress code na Hawaiian. Ako nga may dalang muu-muu na di ko naisuot dahil ang tubig na lalakaran mo ay hanggang binti. I settled for a shorts and blouse outfit. Pinahiram ako ni Linda ng puka shells. Dun na rin inayos ang mga mesang kainan na napapalamutian ng isang magandang centerpiece na may adorno ng ibat ibang sariwang gulay at pulang-pulang Anthurium. Ang giveaways ay mga beaded necklaces and bracelets na ang pamilya mismo ni Aiza ang gumawa weeks before the party.
Ang pagkain, bagay sa lugar, native at gaganahan ka dahil habang kumakain ka, nakalubog ang mga paa mo sa napakalinaw na tubig na umaagos. Ang menu: Buko soup, adobong manok sa gata, inihaw na tilapia na nakabalot sa dahon ng saging, inihaw na baboy, lumpiang prito, inihaw na hito, inihaw na sugpo, adobong kanin na nakabalot sa dahon ng saging at kung anu-ano pa na hindi makain ng isang diabetic na tulad ko pero nasiyahan akong pagmasdan habang isinisilbi ng mga waiters and waitresses na naka-saya at camisa-tsino. Ang himagas? Pandan cake na napakasarap kainin lalot may kasabay na canned sofdrinks o kaya ay sabaw at laman ng buko na nakalagay sa mga mesa at handang kainin na. Sa hatinggabi, may puto at batchoy pa.
Ang sarap, di ba? Ang problema lamang, wala pang isang oras na nakababad sa tubig ang mga paa ko ay sinusumpong na ito ng rayuma. Pati arthritis ko na-activate. Wala akong choice kundi isampa ang mga paa ko sa bangkong kinauupuan ko. Hindi lang naman ako, Maraming ka-edad ko ang ganun din ang ginawa. Buti na lamang may dalang gamot sa rayuma si Fely Igmat. Kahit mangamoy ang aircon na sasakyan ni Virgie sa aming pag-uwi ay wala siyang reklamo.
Ang 18 roses lamang ang absent sa debut ni Aiza pero mayroon siyang 18 words of wisdom, 18 symbolic gifts at 18 candles. Ang mga participants ay pawang mga kaibigan, kamag-anak at kaklase niya sa OB Montessori dati at sa UST ngayon.
It was a non-showbiz affair, matangi sa amin nina Nitz Miralles, Rowena Agilada, Fely Igmat, Virgie Balatico, Ronnie Bernaldo, Erlinda Rapadas na nabibilang sa entertainment media. We really braved the three-hour ride from Manila to Tiaong, Quezon na kung saan ay matatagpuan ang Villa Escudero na taun-taon, tuwing Semana Santa, ay pinupuntahan ng mag-anak ni Aiza. Enjoy naman kami sapagkat sa biyahe nabundat kami sa pagkain ng lansones (P50/kilo) at rambutan (P25/kilo). Sa Alabang pa lamang ay nakabili na kami ng mga saging, atis, barbecue, kamote cue na nakapawi sa aming gutom.
Nakita kong artista sa party ay si Sharmaine Arnaiz na mabenta sa photo session sapagkat napaka-seksi sa kanyang two piece blue bikini na itinago niya sa isang puting malong. Hiyang-hiya pa siya kapag nahihilingan na ipakita ang pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan sa pictorial. Narun din ang mga kababata ni Aiza na sina RR Herrera at Kathleen Go Quieng. Humabol din sa party sina Krista Ranillo at Mumay Santiago. Eat Bulaga was ably represented by Malu Choa-Fagar.
Hanggang magtatapos ang party ay hinintay ang pagdating ng isa pang kababata ng debutante na si Matet de Leon. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ito nakarating. Pero nangako siyang pupunta.
It was one debut na sigurado akong na-appreciate ng may kaarawan sapagkat talagang para sa kanya ang pagdiriwang. Hindi bale na ring malayo ang lugar, dahil masarap lumabas ng Maynila paminsan-minsan. Lalot kahit nalalapit na ang Pasko ay para parang summer ang temperature sa siyudad. Hindi pa nagsisimula ang programa, marami nang bata ang nakita kong naliligo sa tabi ng mesang kinakainan namin habang sa may di kalayuan, narun ang may birthday na basang-basa rin sa kanyang magkaternong blue Hawaiian shorts and shirt. Kung sa 18 words of wisdom ang candles ay ang dalawang male and female friends ni Aiza ang tumawag, Aiza was the one who personally called on the participants sa kanyang 18 symbolic gifts, momentarily releaving the two young hosts sa kanilang pagho-host ng programa na hindi lamang sinalihan ng mga classmates/friends niya kundi maging ang mga teachers niya sa OB Montessori at UST including OBs Ms. Preciosa Soliven who came in grasskirt.
Mag-uumaga na ay panay pa rin ang sayawan at pagligo ng mga guests. Nang mapagod at magsawa sila ay nag-karaoke naman sila habang ang iba busied themselved by playing billiards.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended