^

PSN Showbiz

The Hunks Fever

- Veronica R. Samio -
Sino ba ang mag-aakalang magiging crowd drawer ang The Hunks? Pero nagtagumpay ang eksperimento ng ABS-CBN, ang mapagsama-sama ang limang bituing lalaki and in the process, ay nakalikha ng isang matagumpay na grupo na ngayon ay hindi lamang pinag-aagawan kundi tinitilian pa. Mayroon nang hysteria.

Ngayong Linggo, mapapanood ang lima sa Star Studio, sa kauna-unahan nilang SRO concert na ginanap ng dalawang gabi sa Music Museum. Mapapanood ang una sa dalawang bahaging palabas na pinamagatang "Hunks" nung Hulyo 11 kasama ang mga bisitang sina Jon Santos, John Lapus at Aiai delas Alas sa ABS CBN 2,11 n.u. Sa susunod na Linggo, Set. 23 mapapanood ang second part.

Matapos magtagumpay sa concert stage, ang The Hunks na binubuo nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Carlos Agassi at Bernard Palanca, ay isa na ring recording artists at ang debut album nila ay ang live recording ng kanilang concert. Magri-release rin ng VCD ng kanilang concert.

Nung nakaraang Linggo, nag-martsa ang grupo sa SM Fairview para sa pagsisimula ng kanilang mall shows para sa promo ng kanilang album na inilabas ng Star Records.

Agad bumenta ang album at halos ay magkaroon ng stampede ang kanilang mga tagahanga sa kagustuhan nilang makapagpa-pirma sa limang aktor. Nasa SM Megamall sila sa Set. 23, at Metropolis Mall, Alabang sa Set. 30.

Parang hindi pa sapat ito sapagkat nakatakdang ikalat ng limang kabataang artistang lalaki ang The Hunks Fever sa kanilang pagtungo sa US sa Nobyembre para sa gagawin nilang shows sa LA at San Francisco.
*****
Bagaman at kabubukas pa lamang, dinudumog na ng mga mahiligin sa pagkain ang Kimchi, isang Korean restaurant na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Harrison Plaza. Isang franchise outlet ito na pinatatakbo ng Belco Marketing, Inc.

Hindi nagkamali ang BMI chairperson na si Belen Lovina Ticzon-Martel na magiging isang crowd drawer ito kaya dali dali siyang kumuha ng franchise nito. Siya ang kauna-unahang nakakuha ng franchise ng nasabing kainan.

Ang restaurant ay pormal na binuksan nina Gen. Renato de Villa, HP Pres. Antonio Martel, Jr. at Manila First Daughter Lani Atienza-Beltran. Dumalo rin sa opening nito si Manila Vice Mayor Danny & Melanie Lacuna, Napoleon Rama, BMI Pres. & Mrs. Ophelia Clemente, Juliet & Ina Lovina Ticzon.
*****
May dalawang bagong 30-minutes sitcom ang ABS-CBN, ang Whattamen na nagsimula nung Miyerkules, 9 n.g. Tinatampukan ito nina Rico Yan, Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Aiai delas Alas. Isa itong paglalarawan ng makabago at kabataang Pinoy.

Huwebes naman nagsimula ng airing ang Attagirl, 9 n.g. Tungkol sa girl power at ang mga pinagkakaabalahan at pinagbubuhusan ng panahon ng isang grupo na binubuo ng mga nakakatuwa at nakakatawang mga kabataang babae na ginagampanan nina Jessa Zaragoza, Vanessa del Bianco, Michelle Bayle, Desiree del Valle at Andrea del Rosario.

Isa ring eksperimental na mga palabas ito ng Dos na inaasahang tatangkilikin ng mga manonood sa TV.
*****
Takot ako na baka magka-giyera. Kayo ba hindi? Kung ako ang tatanungin, sana hindi na gumanti ang Amerika sa gumawa ng masama sa kanila. Pero deep in my heart, para namang di rin ako kumporme na kalimutan na lang ang lahat. Napakarami ng namatay? Malaki ang naging pinsala. Ano nga ba ang dapat kong maramdaman? Alin ang tamang dapat na gawin? Ang alam ko, di matatahimik ang mga kaluluwa ng namatay nang wala sa panahon, nang hindi pa sila handa.

This is one time na iniisip ko na sana wala akong anak. Yung fear ko kasi na baka magka-giyera ay hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko at mga ibang pang kabataan na baka hindi na makita at madama ang kagandahan ng buhay. Unfair naman para sa kanila.

Ang ginagawa ko na lamang ay mag-novena para sa ikatatahimik ng mga namatay, para mapanumbalik ang katahimikan ng mundo at maparusahan ang mga nagkasala.

AIAI

ANTONIO MARTEL

BELCO MARKETING

BELEN LOVINA TICZON-MARTEL

BERNARD PALANCA

CARLOS AGASSI

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with