Mas bold si Assunta sa Seiko
September 14, 2001 | 12:00am
Pagkatapos niyang sumikat bilang bold star sa Red Diaries ng Regal, agad nasundan ng Seiko Films ang kislap ng bituin ni Assunta de Rossi sa pamamagitan ng Sisid sa direksyon ni Joey Romero. Paano ikukumpara ni Assunta si Joey Romero kay Maryo delos Reyes? "Ayokong mag-compare ng dalawang direktor dahil pareho naman silang magaling," sabi ng sexy star sa Seiko office noong Lunes.
Balitang kinabahan si Assunta nang gumawa siya ng pelikula sa Seiko."Kasi ang image ng Seiko sa bold, talagang matindi," sabi niya.
Isang sirkera sa isang aquarium ang papel ni Assunta sa Sisid. Bahagi ng isang night club ang aquarium na iyon. Ma-drama rin ang pinaggagawa niya dahil mapapanood siya ng mga customers na may saplot muna at unti-unti, tatanggalin niya ito. Eh di parang burlesk dancer ang dating? "Hindi naman. In fact, mas mahirap itong ginawa ko rito. I have to study the art of swimming with grace. Hindi ka naman basta lalangoy at sisisid dito. Nag-aral akong mag-swim."
Feeling nga ni Assunta, para siyang sirena na lumalangoy. Yon nga lang, sabi niya, wala siyang buntot. Kung alukin kaya siyang lumabas bilang sirena gaya sa isa na namang version ng Dyesebel, okey ba sa kanya? "Why not?" sabi niya. "Dream role ko rin ang mag-Dyesebel balang araw. Lalo na ngayong eksperto na ako sa paglangoy at pagsisid."
May nagsasabing "flash in the pan" lang ang career ni Assunta. Hindi raw siya magtatagal lalo na kung halos ipakita na niya ang buong kaluluwa niya sa bawat pelikulang pinaggagawa niya. "Posibleng mangyari yan kung hindi ko pipiliin ang gagawin kong pelikula, yung makakasama ko sa cast, lalo na ang direktor. Gaya dito sa Sisid, sina Rodel Velayo at Raymond Bagatsing. Theyre both popular and good actors naman, lalo na si Raymond, nagka-award na yan, stage actor pa. Sino ba ang gusto na maglaho agad pagkatapos sumikat?"
Malampasan kaya ng Sisid ang kinita ng Red Diaries? "Well, tingnan natin," wika ni Assunta. "I am keeping my fingers crossed. Malayo yung ginawa ko sa Regal dito sa movie ko sa Seiko. Mas mai-excite sa akin ang mga kalalakihan ngayon dahil sa husay ng pagsisid ko. Hindi lang boobs ko ang makikita nila. I consider this film very challenging. This is more daring sa mga nagawa ko na. Supportive naman ang family ko, my parents, my sister, sa pagbabagong-bihis ko sa movies. My Italian father is anxious to watch my films. I think he is proud of me. Sana, magtuluy-tuloy na nga itong suwerte ko."
Famas Hall of Famer si Edgardo "Boy" Vinarao bilang film editor. Dalawampung taong film editor bago naging direktor, pelikula man o telebisyon. Nakagawa na ng 14 na pelikula na pawang siya ang editor. "Mas fulfilled ako ngayon as a film director," sabi niya sa taping ng Kasangga noong Sabado. "Bilang film editor kasi, depende sa materyal na ibibigay sa iyo bago mo mapaganda ang isang pelikula. Kung hindi maganda ang pelikulang ibinigay sa iyo, kahit ano pang pagi-edit ang gawin mo, hindi ito mapapaganda.
"Bilang direktor, lahat-lahat sa iyo. You are the captain of the ship. A film is a directors medium. Mula sa konsepto hanggang matapos, sa kamay ng direktor yan. Pag hindi kumita ang pelikula, hindi dapat isisi sa direktor. Kasi, unpredictable ang box-office. Pag kumita naman, the credit should go to everyone because a film is a group effort."
Sa mga pelikulang nagawa ni Boy Vinarao, pinaka-memorable ang Birador, The Epimaco Velasco Story na ginampanan ni Fernando Poe, Jr. at Chop-Chop Lady na pinagbidahan ni Lorna Tolentino. Pero may dream picture siya, gawin ang pelikula tungkol kay General Antonio Luna na gagampanan ni Rudy Fernandez o Robin Padilla. Kung meron lang siyang 50-million pesos budget gagawin niya ang pelikula. "Ready na ang script in English," sabi niya.
Ngayon, inihahanda ni direk Boy Vinarao ang pelikula niyang Four Fathers para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Gagampanan ito nina Bojo Molina, Polo Ravales, Bobby Andrews at Gerald Madrid. "Apat silang pari na iba-iba ang characterization. Sana makasama sa magic 6 ang pelikula. Bukod sa direktor ako rito, kasosyo pa ako, isa sa mga producers ng independent company na ito."
Balitang kinabahan si Assunta nang gumawa siya ng pelikula sa Seiko."Kasi ang image ng Seiko sa bold, talagang matindi," sabi niya.
Isang sirkera sa isang aquarium ang papel ni Assunta sa Sisid. Bahagi ng isang night club ang aquarium na iyon. Ma-drama rin ang pinaggagawa niya dahil mapapanood siya ng mga customers na may saplot muna at unti-unti, tatanggalin niya ito. Eh di parang burlesk dancer ang dating? "Hindi naman. In fact, mas mahirap itong ginawa ko rito. I have to study the art of swimming with grace. Hindi ka naman basta lalangoy at sisisid dito. Nag-aral akong mag-swim."
Feeling nga ni Assunta, para siyang sirena na lumalangoy. Yon nga lang, sabi niya, wala siyang buntot. Kung alukin kaya siyang lumabas bilang sirena gaya sa isa na namang version ng Dyesebel, okey ba sa kanya? "Why not?" sabi niya. "Dream role ko rin ang mag-Dyesebel balang araw. Lalo na ngayong eksperto na ako sa paglangoy at pagsisid."
May nagsasabing "flash in the pan" lang ang career ni Assunta. Hindi raw siya magtatagal lalo na kung halos ipakita na niya ang buong kaluluwa niya sa bawat pelikulang pinaggagawa niya. "Posibleng mangyari yan kung hindi ko pipiliin ang gagawin kong pelikula, yung makakasama ko sa cast, lalo na ang direktor. Gaya dito sa Sisid, sina Rodel Velayo at Raymond Bagatsing. Theyre both popular and good actors naman, lalo na si Raymond, nagka-award na yan, stage actor pa. Sino ba ang gusto na maglaho agad pagkatapos sumikat?"
Malampasan kaya ng Sisid ang kinita ng Red Diaries? "Well, tingnan natin," wika ni Assunta. "I am keeping my fingers crossed. Malayo yung ginawa ko sa Regal dito sa movie ko sa Seiko. Mas mai-excite sa akin ang mga kalalakihan ngayon dahil sa husay ng pagsisid ko. Hindi lang boobs ko ang makikita nila. I consider this film very challenging. This is more daring sa mga nagawa ko na. Supportive naman ang family ko, my parents, my sister, sa pagbabagong-bihis ko sa movies. My Italian father is anxious to watch my films. I think he is proud of me. Sana, magtuluy-tuloy na nga itong suwerte ko."
"Bilang direktor, lahat-lahat sa iyo. You are the captain of the ship. A film is a directors medium. Mula sa konsepto hanggang matapos, sa kamay ng direktor yan. Pag hindi kumita ang pelikula, hindi dapat isisi sa direktor. Kasi, unpredictable ang box-office. Pag kumita naman, the credit should go to everyone because a film is a group effort."
Sa mga pelikulang nagawa ni Boy Vinarao, pinaka-memorable ang Birador, The Epimaco Velasco Story na ginampanan ni Fernando Poe, Jr. at Chop-Chop Lady na pinagbidahan ni Lorna Tolentino. Pero may dream picture siya, gawin ang pelikula tungkol kay General Antonio Luna na gagampanan ni Rudy Fernandez o Robin Padilla. Kung meron lang siyang 50-million pesos budget gagawin niya ang pelikula. "Ready na ang script in English," sabi niya.
Ngayon, inihahanda ni direk Boy Vinarao ang pelikula niyang Four Fathers para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Gagampanan ito nina Bojo Molina, Polo Ravales, Bobby Andrews at Gerald Madrid. "Apat silang pari na iba-iba ang characterization. Sana makasama sa magic 6 ang pelikula. Bukod sa direktor ako rito, kasosyo pa ako, isa sa mga producers ng independent company na ito."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended