Maaga ang Pasko ngayon
September 11, 2001 | 12:00am
Ito siguro ang palatandaan na hindi maganda ang takbo ng kabuhayan sa bansa.
Sa kawalan ng pag-asa, Pasko ang pagbabalingan ng tao.
Kapapasok pa lamang ng buwan ng September ay nakakarinig na tayo ng mga awiting Pamasko sa radyo. Maski na sa mga malls.
Sunud-sunod na rin ang pagkakaroon ng mga clearance sales, para bigyan daan ang pagdating ng mga bagong merchandise intended for Christmas shopping. Hindi nakapagtataka kung magsisimula na rin ng pagbabago ng mga decor ang mga tindahan bilang pagsalubong sa Kapaskuhan. Marahil nga kung hindi lamang sa observance ng All Saints at All Souls Days baka apat na buwang tingkad pa nating ipaghanda ang Kapaskuhan.
Ang grupo ng anak ko ay nagsisimula na ng preparasyon para sa gagawin nilang Christmas caroling. Paghahanda na rin ito ng kinaaniban niyang choir sa pagkanta sa mga Misa ng Simbang Gabi. Yung mga katulad nilang choir at glee clubs ay panay ang praktis para sa mga sasalihang pakontes ng Christmas caroling.
Yung mga kakilala kong marunong mag-bake ay panay na ang paghuhurno ng fruit cakes, libu-libong fruit cakes. Mas maagang maluto, mas masarap. Nagluluto na rin sila ng mga hamon, brownies, candies, cookies at iba pang Christmas goodies. Ewan ko kayo pero, this early, nagsisimula na akong mag-ipon ng mga Christmas gifts and giveaways.
Paskong-pasko narin ang atmosphere ng isang function room ng Philippine Plaza na kung saan ginanap ang presscon ng Feel The Glow Of Christmas, ang tinatayang pinaka-malaking Christmas Caroling Contest. Ihahandog ito ng GMA Network, Inc, RGMA at Vaseline Amino Collagen Shampoo. Inaasahang lalahok dito ang mahigit na 40,000 elementary schools mula sa 25 qualifying areas sa buong bansa. Ang Queen of Soul na si Jaya ang kakanta ng theme song ng pakontes na ito.
Susuyurin ng paligsahang ito ang lahat ng sulok ng bansa para sa pinaka-mahuhusay na elementary choir. Tig-15 mula sa Northern at Central Luzon; Southern Luzon, Visayas, Mindanao at sa National Capital region. Ang pipiliin para sa Grand National Finals na gaganapin sa SOP, ang Sunday noontime show ng GMA, sa ika-16 ng Disyembre, kasabay ng simula ng Simbang Gabi. Mahigit sa 2 milyong piso ang naghihintay na papremyo para sa mga mananalo.
Hanggang dalawampung myembro bawat choir ang kailangan with the members ranging from ages 7 to 14. Required din ang bawat grupo na gumawa ng parol na gagamit ng hanggang sa 100 sachet at 10 bottle o plastic container ng Vaseline Amino Collagen Shampoo.
Para sa karagdagang impormasyon at entry forms, tumawag sa pinaka-malapit na RGMA (GMA Radio) office, October 19 ang deadline ng submission ng entry forms.
Ang debut ni Kristine Hermosa ang maituturing kong may pinaka-maikling seremonya. Wala pa yatang isang oras ang nakalipas ay natapos na agad ang party na napaka-tagal pinaghandaan at hinintay. Para tuloy hindi worth yung mga isinuot na formal gowns ng maraming bisita sapagkat sa buffet table lang sila nakapag-rampa!
Wala kasi si Kristine ng tradisyunal na "Cotillion de Honor" at "Symbolic Gifts". Mayroon ngang 18 Roses na ang mga naka-partner niya ay pagkagu-guwapo pero segundo lamang yata ang itinagal ng sayaw ng bawat isa with the debutante. Ganun din ang 18 Candles. Kung mayron mang dancing after the blowing of the candles sa saliw ng happy birthday song na inawit ng mga bisita ay hindi ko na hinintay. I joined the many who left pagkatapos na pagkatapos ng maikling seremonyas.
No doubt, napaka-ganda ng debutante. At obviously happy din. Bagay yung white and blue gowns niya na lalong nagpatingkad sa kanyang beauty. Nakita kong marami ang napa-oohh at aahh nang tawagin ang pangalan ni Piolo Pascual para isayaw si Kristine.
Cute naman yung sinabi ng elder sister ni Kristine na si Kathleen about her being "malikot" at sana magbago na ito ngayong dalaga na siya.
It was indeed a long way up para sa isang napaka-mahiyaing bata na tulad ni Kristine na ngayon ay hindi lamang kinikilala dahilan sa kanyang angking kagandahan kundi sa pagiging isa niyang magaling na artistang babae na ipinagkakapuri ng ABS-CBN at Star Cinema.
Hindi ako fan ng tennis pero, for the past 10 days or so ay ginugol ko ang aking insomniac nights sa panonood ng tennis sa ginanap na US Open. It was such a learning and fun experience na makita ang isang magkapatid na gumawa ng history by fighting it out sa championship game ng nasabing sport.
May mga bagong idolo na naman ako, ang magkapatid na Venus at Serena Williams na sa pakiramdam ko ba, sa kabila ng pagiging magkatunggali nila sa finals, were two sisters who love each other very much. Inggit ako sa parents nila na tuwang-tuwa habang pinanonood sila.
Sa kawalan ng pag-asa, Pasko ang pagbabalingan ng tao.
Kapapasok pa lamang ng buwan ng September ay nakakarinig na tayo ng mga awiting Pamasko sa radyo. Maski na sa mga malls.
Sunud-sunod na rin ang pagkakaroon ng mga clearance sales, para bigyan daan ang pagdating ng mga bagong merchandise intended for Christmas shopping. Hindi nakapagtataka kung magsisimula na rin ng pagbabago ng mga decor ang mga tindahan bilang pagsalubong sa Kapaskuhan. Marahil nga kung hindi lamang sa observance ng All Saints at All Souls Days baka apat na buwang tingkad pa nating ipaghanda ang Kapaskuhan.
Ang grupo ng anak ko ay nagsisimula na ng preparasyon para sa gagawin nilang Christmas caroling. Paghahanda na rin ito ng kinaaniban niyang choir sa pagkanta sa mga Misa ng Simbang Gabi. Yung mga katulad nilang choir at glee clubs ay panay ang praktis para sa mga sasalihang pakontes ng Christmas caroling.
Yung mga kakilala kong marunong mag-bake ay panay na ang paghuhurno ng fruit cakes, libu-libong fruit cakes. Mas maagang maluto, mas masarap. Nagluluto na rin sila ng mga hamon, brownies, candies, cookies at iba pang Christmas goodies. Ewan ko kayo pero, this early, nagsisimula na akong mag-ipon ng mga Christmas gifts and giveaways.
Paskong-pasko narin ang atmosphere ng isang function room ng Philippine Plaza na kung saan ginanap ang presscon ng Feel The Glow Of Christmas, ang tinatayang pinaka-malaking Christmas Caroling Contest. Ihahandog ito ng GMA Network, Inc, RGMA at Vaseline Amino Collagen Shampoo. Inaasahang lalahok dito ang mahigit na 40,000 elementary schools mula sa 25 qualifying areas sa buong bansa. Ang Queen of Soul na si Jaya ang kakanta ng theme song ng pakontes na ito.
Susuyurin ng paligsahang ito ang lahat ng sulok ng bansa para sa pinaka-mahuhusay na elementary choir. Tig-15 mula sa Northern at Central Luzon; Southern Luzon, Visayas, Mindanao at sa National Capital region. Ang pipiliin para sa Grand National Finals na gaganapin sa SOP, ang Sunday noontime show ng GMA, sa ika-16 ng Disyembre, kasabay ng simula ng Simbang Gabi. Mahigit sa 2 milyong piso ang naghihintay na papremyo para sa mga mananalo.
Hanggang dalawampung myembro bawat choir ang kailangan with the members ranging from ages 7 to 14. Required din ang bawat grupo na gumawa ng parol na gagamit ng hanggang sa 100 sachet at 10 bottle o plastic container ng Vaseline Amino Collagen Shampoo.
Para sa karagdagang impormasyon at entry forms, tumawag sa pinaka-malapit na RGMA (GMA Radio) office, October 19 ang deadline ng submission ng entry forms.
Wala kasi si Kristine ng tradisyunal na "Cotillion de Honor" at "Symbolic Gifts". Mayroon ngang 18 Roses na ang mga naka-partner niya ay pagkagu-guwapo pero segundo lamang yata ang itinagal ng sayaw ng bawat isa with the debutante. Ganun din ang 18 Candles. Kung mayron mang dancing after the blowing of the candles sa saliw ng happy birthday song na inawit ng mga bisita ay hindi ko na hinintay. I joined the many who left pagkatapos na pagkatapos ng maikling seremonyas.
No doubt, napaka-ganda ng debutante. At obviously happy din. Bagay yung white and blue gowns niya na lalong nagpatingkad sa kanyang beauty. Nakita kong marami ang napa-oohh at aahh nang tawagin ang pangalan ni Piolo Pascual para isayaw si Kristine.
Cute naman yung sinabi ng elder sister ni Kristine na si Kathleen about her being "malikot" at sana magbago na ito ngayong dalaga na siya.
It was indeed a long way up para sa isang napaka-mahiyaing bata na tulad ni Kristine na ngayon ay hindi lamang kinikilala dahilan sa kanyang angking kagandahan kundi sa pagiging isa niyang magaling na artistang babae na ipinagkakapuri ng ABS-CBN at Star Cinema.
May mga bagong idolo na naman ako, ang magkapatid na Venus at Serena Williams na sa pakiramdam ko ba, sa kabila ng pagiging magkatunggali nila sa finals, were two sisters who love each other very much. Inggit ako sa parents nila na tuwang-tuwa habang pinanonood sila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended