Building naipagawa dahil sa kita ng alaga
September 10, 2001 | 12:00am
Pagkatapos ng mahigit dalawang dekada, natupad rin ang malaon nang pangarap ni Tony Galvez, manager ni Leonardo Litton, na makapagpatayo ng sariling building, isang class at sophisticated na gusali sa 9th Avenue, Cubao. "This is my most important award," sabi niya noong Martes sa building niyang The Tony Galvez Centrum. "Ito ang bunga ng aking pagsisikap, pagtitiyaga at kasipagan."
Self-made man si Tony. Galing sa hirap. "Ang tatay ko, karpintero lang at tuwing magkakaroon ng kontrata, nasusulot pa ng kamag-anak! Ang nanay ko, sa bahay lang. Doon ako ipinanganak at lumaki sa Tañong, Malabon. Ang bahay naming maliit, nakatirik sa lote ng isang kamag-anak."
Pangatlo sa limang magkakapatid si Tony, dalawang babae ang sinundan niya. "Grade 6 ako noon at nakikita ko lagi ang mga ate ko, sini-set ang buhok sa gabi, beer pa ang pang-set noong 60s, tapos, inaayos sa umaga. Parang nahihirapan sila, nagprisinta akong taga-set at taga-ayos. Nakahiligan ko na silang ayusan.
"May kapitbahay kaming may-ari ng parlor, elementary pa lang ako, nago-observe na ako sa shop. Tinitingnan ko at pinag-aaralan yung paggupit, hairstyling at make-up, hanggang mag-high school ako sa Arellano at tumulong na rin sa shop, nagwa-walis-walis, naga-assist sa hair stylist. Noong nasa high school ako, ako na yung gumugupit sa mga kaklase ko, bayad-pangkaibigan nga lang."
Edad 17, kumuha ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Arellano University si Tony. "Pero after two years, huminto na ako. Namasukan ako sa ibang shop sa Caloocan, after two years ulit, nagsarili na ako, naka-establish ako ng sariling kliyente. Natupad yung pangarap kong makita ang pangalan ko sa isang shop bilang hairdresser."
Limang taon ang itinagal ni Tony sa unisex salon niya sa Caloocan hanggang lumipat na nga siya ng shop sa Cubao, Edsa. August 19, 1976 iyon at naging customers niya sina Alma Moreno, Inday Badiday, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. "Si Robbie Tan, may-ari pa lang siya ng Seiko wallet, sa Caloocan, kliyente ko na yan."
Noong 1979, dahil sa kasipagan at husay sa paghawak ng pera, nakapagpatayo ng bahay sa Corinthian Gardens, Mandaluyong si Tony. Noong 1981, inilipat na ni Tony sa naturang bahay ang pamilya mula sa Malabon.
Twenty-four years ang itinagal ni Tony sa shop niya sa Edsa. Hanggang itayo na nga niya noong isang taon ang 4-storey building kung saan ang unang palapag ay isang cozy at homely shop. Kapag marami-rami na ang umupa sa gusali, mga related businesses sa beauty and health care, saka siya magpapa-blessing.
Si Tony ay may isang anak na babae, si Cora Fe Galvez. Ang nanay nito ay naging kliyente sa shop ni Tony at noong 1985, nagsama sila bilang mag-asawa. Katorse anyos na ang anak nila. Isang taon lang nagsama si Tony at ang ina ng kanyang anak. "May ibang pamilya na siya ngayon sa Amerika, isa siyang doktora," sabi niya.
Noong 1992 lumabas ang librong ginawa ni Tony, "Your Hair is Alive". Ito rin ang taon na nagsimula siyang mag-manage ng talents, at ang una nga rito ay si Emil Benedicto na pinagtulungan nila ni Robbie Tan paunlarin. Si Emil ang ipinareha ni Robbie kay Claudine Barretto noong bago pa lang itong artista. Nakagawa ng apat na pelikula si Emil sa Seiko. Pero naging problema siya. "Kung kailangan ko siya for the business, hindi siya makita," sabi ni Tony.
Noong 1996, itinatag ni Tony ang Starcasters, kasama si Robert Espinosa. Ang unang talent ng agency na ito ay si Tonio Ortigas. Noong 1998, pumasok si Leonardo Litton. "Si Leonardo ang kabaligtaran ni Emil," sabi ni Tony. "Dahil si Leonardo, talagang gustung-gusto niyang makilala bilang artista. Gusto niyang ma-recognize as a good actor.
Ano si Leonardo sa likod ng kamera? "Sa totoo lang, makaluma siya, probinsyanong-probinsyano, hindi siya ma-sosyal."
Lately, pinupuna ng mga reporter ang kotse ni Leonardo. Cheap daw ito para sa status niya. "Bakit ano ang ini-expect nila kay Leonardo? Expedition? Eh hindi naman nakikita sa artista kung mahal ang kotse, di ba? Kaya hindi niya iniintindi yung intrigang yon.
Ayon kay Tony, hindi niya pinakikialaman ang pribadong buhay ni Leonardo. "As long as hindi niya pinababayaan ang career niya.
Si Leonardo, ayon kay Tony, ay marunong sa pera. Nakabili na ito ng lupa sa Nueva Ecija na ipinapasaka ng nanay niya. Nakapagpatayo ito ng babuyan. "At pinag-aaral niya yung kapatid niyang babae dito sa Maynila na ginagastusan niya ng P5,000 a month."
At ano ang masasabi ni Leonardo dito sa ipinatayong building cum residence ng kanyang manager? Biglang napatawa si Tony. "Ay naku, may tsismis nga, ito raw building na ipinagagawa ko, galing sa kita ni Leonardo. Bakit daw hindi ko ibili ng bagong kotse si Leonardo eh nakakapagpagawa ako ng building? Dito raw napunta yung kinikita ni Leonardo. Ang tsismis nga naman."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended