^

PSN Showbiz

Movie ni Rosebud, di sigurado

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
May frontal scene pala si Andrew E. sa Banyo Queen. Pero bago pa maging issue, pinutol na nila ang nasabing scene bago ipa-review sa Movie and Television Review and Classification Board para hindi magka-problema. "Para ma-approve agad. Baka hindi okey sa kanilang makita ang ganoon. Mahirap na pag nangyari ‘yun," Andrew says sa presscon ng nasabing movie last Tuesday night.

Anyway, next year pa planong magka-baby ni Andrew and his wife. "Kailangan pa naming mag-ipon. Saka ngayon nagi-enjoy pa kaming mag-asawa nang kami lang muna. Hopefully next year, meron na," he adds. "Dapat kasi naka-ready lahat kung magkakaanak ka especially sa panahon ngayon. Mahal lahat ng bilihin. Hindi joke na magkaroon ng anak," he avers.

Matagal-tagal na rin silang kasal kaya may mga nagtataka na kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang anak.

Actually, hindi na kailangang mag-ipon ng mag-asawa dahil pareho naman silang maykaya bago pa sila ikasal.

Si Andrew I pressumed ay nakapag-invest na sa rami ng kinita niya sa kanyang previous albums and movies. Samantalang ang wife niya ay balitang galing sa mayamang angkan. "Of course gusto naming magkaanak, pero like what I’ve said earlier kahit may pera ka ngayon, iba pa rin ‘yung may pera ka talaga for their future," he adds.

By the way, ang asawa niya ngayon ang nagha-handle sa career niya.

At hindi pa man napapalabas ang Banyo Queen, busy na si Andrew doing Burles King - Burles without K with Geneva Cruz and Janette McBride. First movie ito ni Geneva under Viva Films. Ayon kay Andrew, nagpa-sexy si Geneva sa pelikulang ito.

Take note lang na without K ang title ng Burles King. May mga nauna na kasing Burles King movie. Letter K lang ang difference sa title.

Anyway, going back to Banyo Queen, the rapper also informs na hanggang promo lang nila gagamitin ang original song niyang "Banyo Queen." Hindi raw kasi pumayag ang BMG na ipagamit ang song sa pelikula.

Pero gumawa ang Viva Entertainment Group ng soundtrack for the movie, "My Banyo Queen."

The album contains 10 songs, all of which were written and produced by Andrew himself. Leading the list is the title track "My Banyo Queen (Ah-Ah, Umh-Umh) featuring Andrew and Rica in one of two duets they do in the album. The other Andrew-Rica duet is the song "Nang Ma-Meet Kita."

At any rate, Banyo Queen hits the theaters on September 12.

Aside from Andrew and Rica, also included in the cast are Mystica, Cholo Escano, Vhong Navarro and Jackie Castillejo.
*****
It’s not true na nakipag-commit na si Boss Vic del Rosario sa kampo ni Mary Ong para sa movie ng former PAOCTF agent. Ayon sa isang source ng Baby Talk, wala pang formal talk between him and Rosebud.

The source says, na may nagsabi lang kay Boss Vic na okey na gawing movie ang buhay ni Rosebud pero hindi pa raw ‘yun kino-consider ng Viva Films.

May mga lumabas na either Rosanna Roces or Vilma Santos ang choice ni Rosebud na mag-portray ng character niya if ever na matuloy ang pelikula. Balitang payag na si Rosanna. Samantalang narinig ko naman sa isang interview kay Senator Ralph Recto na payag siyang gawin ni Ate Vi ang buhay ni Rosebud basta ‘wag lang siyang lalabas na John Campos. Of course, nagbibiro lang siya.

Well, baka afraid din si Boss Vic na gawin ang nasabing movie. Baka kasi maging Jessica Alfaro ang maging kapalaran nito na natagalan bago mapalabas dahil sa temporary restraining order ng mga complainant sa kaso. Nang ipalalabas na, hindi na kilala ng publiko si Jessica kaya hindi kumita.
*****
Shock-to-death ang isang friend ni Carmina Villaroel sa issue na hiwalay na ang actress at si Zoren Legaspi. "Paano sila magbi-break eh one happy family na sila. May gusto lang sigurong mang-intriga sa kanila kaya may mga ganyang issue," Carmina’s friend defends.

Kelan lang kasi ay may mga lumabas na issue na break na sila dahil mas concentrated daw si Carmina sa kanyang career. "Naku alam mo naman ‘yung ibang tao, ang hilig gumawa ng issue," the source adds.
*****
Sunod-sunod ang reklamo ngayon against actor turned Insp. Jovit Moya ng CIDG - Criminal Investigation and Detection Group ng Western Police District.

Pinaka-latest na reklamo ang umano’y pagmumura niya sa isang photographer na nagngangalang Caloy Sanchez.

Ayon sa isang source, isa siya sa witness nang murahin at kulang na lang daw ay bugbugin ni Jovit ang nasabing photographer na maysakit na TB. "Kumakain lang siya (Caloy) nang biglang siyang lapitan ni Moya at murahin mula ulo hanggang paa. Talagang grabe ang ginawa niyang pagmumura. Parang hindi tao ang sinasabihan niya," the source says.

Hindi raw puwedeng mag-deny si Moya sa nasabing insidente dahil maraming witness sa nangyari.

Ayon pa sa source, sa airport dating naka-assign si Jovit. Pero hindi siya nagtagal do’n dahil din sa reklamo.

Bukas po ang pahinang ito sa anumang paliwanag ni Insp. Moya tungkol sa sinasabing reklamo laban sa kanya.
*****
Email: [email protected]/[email protected]

vuukle comment

ANDREW

ANDREW AND RICA

AYON

BANYO QUEEN

BOSS VIC

BURLES KING

CENTER

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with