Movie career ni Juday, naisalba na naman
September 6, 2001 | 12:00am
Dahil blockbuster ang latest movie niyang Bakit Di Totohanin, marami ang nasupalpal sa mga nang-iintriga na mahina na sa box office si Judy Ann Santos.
Muli ngang pinatunayan ni Judy Ann ang kanyang drawing power sa takilya. Salamat din daw sa Star Cinema na siyang nagsalba sa movie career ni Judy Ann.
"Like I said many, many times, bahala na sila sa gusto nilang sabihin at isipin. Basta ako, nagtatrabaho ng maayos. Nagpapasalamat sa lahat at alam kong wala akong inaapakang tao," simulang pahayag ni Judy Ann just recently.
Marami naman ang naawa kay Wowie de Guzman. Natabunan na raw ito ni Piolo Pascual na siyang mabiling leading man ngayon ni Judy Ann sa TV man o pelikula.
Tuluyan na raw bang namatay ang loveteam nila ni Wowie? At saan na raw kaya pupulutin si Wowie?
"Kanya-kanyang panahon lang naman yan. Alam kong makakabawi pa si Wowie. Nagkataon lang na nagustuhan din ng tao ang team up namin ni Piolo," tanging nasambit ni Judy Ann. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended