^

PSN Showbiz

Kahit na sosi gustong mag-artista

- Ni Jennifer Miranda -
Isang programa sa telebisyon ang kinagisnan ko na–ang programa ni German Moreno na That’s Entertainment – at lahat yata ng mga baguhang artista ay kilala ko doon sa kanilang paglabas at ito ay araw-araw na panghapong programa.

Ewan ko lang kung bakit ito inalis ng GMA-7 samantalang popular na popular naman itong palabas. At ilan sa mga pinasikat na bituin noon ay sina Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Kristina Paner, Lea Salonga, Rita Avila, Jean Garcia, Ara Mina, Patricia Javier at marami pang malalaking bituin. Pag ikaw ay naging popular noon sa That’s Entertainment ay parang sikat ka na.

Ngayon naman ang tradisyong ito ay pinagpapatuloy ng mga programang Gimik at Click o ang dating TGIS na pawang mga kabataan ang nagta-try out o nag-audition at natatanggap. Ang pinaka-latest ngayon na natanggap sa Click halimbawa ay ang anak ni Senador Panfilo Lacson. At kaya raw niya gustong maging artista ay upang siya ay kumita ng sarili niyang pera at sumikat sa sarili niyang kakayahan.

Marami ring mga anak ng celebrities kung hindi pa man miyembro ng mga ganitong youth oriented shows, ay hinihintay na ng mga producers at mga networks na pasukin actively ang mga shows na ito. Isa sa mga inaasahang magjo-join in a few month’s time ay si Borgy Manotoc at mga ilan pang anak ng ibang artistang sikat na sikat na rin ngayon.

vuukle comment

ARA MINA

BORGY MANOTOC

GERMAN MORENO

JEAN GARCIA

KRISTINA PANER

LEA SALONGA

MANILYN REYNES

PANFILO LACSON

PATRICIA JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with