^

PSN Showbiz

Akala ko sa administrasyon ni GMA ay huhusay ang e

- Ni Jennifer Miranda -
Napabalitang papatawan pa raw ng ten percent extra tax ang mga nagtatrabaho sa local movie industry kaya panay na panay ang pag-alma ng mga artista, technical staff, at maging ang mga manunulat ng mga press release para sa promotions ng pelikula.

Ang akala ko ang administration na ito ay naghahangad na maging mas mahusay ang estado ng movie industry na sinasabi nilang naghihingalo na. At ang una pa ngang announcement ni President Gloria Macapagal Arroyo noong una siyang humawak ng panunungkulan bilang presidente ay bababaan ang buwis na binabayaran ng local movie industry.

Pero ano na ngayon itong sinasabing ten percent increase? Bale ang magiging taxes ng mga artista, direktor, manunulat at iba pang nagtatrabaho sa movie industry ay magiging twenty percent na. Sobra naman yata iyon. Pati yata mga kolumnista sa diyaryo ay twenty percent na ang kukunin na tax ng gobyerno.

Ano na lang ba ang matitira, samantalang ang balita ko sa ibang mga diyaryo o tabloids ay napakaliit ng natatanggap na bayad ng mga manunulat sa bawat article nila. Lalo na sigurong maghihingalo ang ating industriya pag ganyan. Pero ayon sa balita ang mga tinatawag na pillars of the industry ay gumagawa na ng sapat o kaukulang paraan upang ang bagay na ito ay hindi matuloy.

ANO

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

INDUSTRY

MOVIE

NAPABALITANG

PATI

PERO

SOBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with