Taxi driver, minura ni Stefano
September 4, 2001 | 12:00am
Pinagmumura umano ng young actor na si Stefano Mori ang isang matandang taxi driver na kanilang nabangga habang patungo si Mori sa ABS-CBN.
Sinabi ni Jose Quilang, 41-anyos, driver ng July Flower na may plakang PUC 229, ng #14 Bustamante St. Galas, Q.C. naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa kanto ng Sct. Berroya at Tomas Morato.
Base sa statement ni Quilang, galing sa Sct. Berroya habang papakaliwa siya nang mapansin niya ang mabilis na takbo ng isang Mitsubishi Adventure na may plakang WSH 436 at hindi pa ito gaanong nakakaliwa nang biglang tinamaan ang kanang bahagi ng kanyang taxi.
"Sa halip na humingi ng despensa dahil ako ang naagrabyado at naabala, galit pa siya (Mori) sa akin at minura ako. Punyeta ka nagmamadali kami may show pa ako," kuwento ng driver.
Nakasaad sa record ng Traffic Sector 4 ng Central Police District (CPD) na ang nagmamaneho ng sasakyan ni Mori ay nakilalang si Melvin Sumera Cruz, 20-anyos, binata ng #219 Fidel A. Reyes St. Agno, Malate, Manila.
Natapos lang ang pagtatalo nang pumagitna ang isang nagpakilalang Cris Navarro ng ABS-CBN Talent Center na nagsabing siya na lang ang bahalang makipag-usap sa operator ng taxi.
Walang naiulat na nasugatan o nasaktan sa kabila ng pagkawasak ng harapang bahagi ng Adventure ni Mori. -- Jhay Mejias

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended