Piolo, simple guy sa likod ng kamera
September 4, 2001 | 12:00am
Kahit busy sa kanyang responsibility bilang governor ng Pampanga, may chance pa ring gumawa ng movie si Lito Lapid. Latest movie niya ang Bukas Babaha Ng Dugo under the direction of Baldo Marro for Regal Films.
Sa previous interview, sinabi ni Gov. na everytime na may movie siya, feeling niya nakaka-relax siya - for a while ay nalilimutan lahat ng problema sa kanyang nasasakupan. "Mahirap din ang shooting pero siyempre ibang bagay ang ginagawa ko. Hindi yung usual day na papasok ako sa Kapitolyo. Pero hindi ako puwedeng magtagal sa shooting dahil siyempre inaalala ko rin kung anong nangyayari sa Pampanga," Gov. Lapid avers.
Sa isang press statement naman, sinabi ni Gov. na baka nag-aalala na ang mga fans na matagal na ring naghihintay sa pelikula niya. "Maraming action dito para naman maging sulit ang ipinaghintay nila. Siniguro namin ni Direk Baldo na tatak Lito Lapid ito," he adds.
Kilala si Lito sa mga role na underdog na siyang ginawa niya rito. "Alam ko kung paano maging isang hamak na tao lamang na walang pinanghahawakan sa buhay kundi malinis na pangalan at marangal na hanap-buhay. Nasa kanila ang puso ko. Sa kanilang mga pangarap sa buhay. Kaya sa lahat ng pelikula ko, laging nandon ang importansiya sa mga ordinaryong mamamayan at parating hindi tinatapakan ang kanilang karapatan," he avers.
Agree ang director niyang si Baldo Marro: Survivor si Lito. "Marami na siyang pinagdaanang giyera sa career at personal niyang buhay. Bilang dating stuntman na naging major action star.
"Pero lahat yun ay nalampasan niya. Hindi talaga puwedeng sirain ang isang taong may mabuting hangarin sa buhay," Direk Baldo Marro adds.
Anyway, isa si Gov. Lapid sa mga naunang nagkakampanya para sugpuin ang piracy sa bansa. "Pero dapat sama-sama tayong lumaban. Hindi puwedeng kanya-kanyang lakad. Industriya na natin ang nakataya rito. Kung hindi natin lalabanan to, walang mangyayari," he says .
At any rate, Bukas Babaha Ng Dugo is set to kick off in Metro Manila theaters very soon.
Last Saturday night nag-decide akong manood ng Bakit Di Totohanin starring Judy Ann Santos and Piolo Pascual, directed by Boots Plata for Star Cinema.
Totoong pinipilahan ang pelikula.
Nakakakilig ang movie. Kakaiba yung kuwento. Hindi typical Judy Ann Santos movie na pa-tweetums. At si Piolo, kung noon hindi ko siya masyadong type, after I watched the movie, Piolo Pascual fan na ako. Cute talaga siya sa entire movie.
Anak si Judy Ann (Kato) nina Gloria Diaz at Johnny Delgado na may-ari ng isang gym.
Si Jeffrey Quizon ang bading na kapatid ni Juday na hindi alam ng kanilang tatay. Gusto pa sana ni Johnny na maging boxer si Jeffrey.
Boxing trainor naman si Piolo. Ang tatay ni Juday ang nag-train sa kanya, pero nang ilaban siya sa major bout, nilaglag niya ang laban pabor sa kanyang uncle na ginampanan ni Vic Vargas .
Si Gloria Romero naman ang lasenggang lola ni Juday. Siya ang nagpatalo sa gym ng kanilang pamilya sa isang pustahan sa boxing.
Don nagsimula ang kuwento ng Bakit Di Totohanin. Dahil hindi puwede si Jeffrey na mag-boxing na only way para mabawi ang gym nila, nag-decide si Juday na siya na lang ang lumaban. Nakiusap siya kay Piolo na i-train siya kapalit ng pagsisilbi niya.
Pero habang nagti-train sila ay lalong na-develop si Juday kay Piolo.
First time kong napanood yung eksena na habang nagpa-practice sila ng boxing ay napunta sa kissing scene - parang bago yata yun. Kaya naman palakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan sa nasabing eksena.
Marami silang kissing scene. Kaya nga inggit na inggit ang mga katabi ko sa sinehang maingay.
Anyway, kung intriga ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa mga experience ni Piolo since mag-showbiz siya. Pero cool lang si Piolo para sagutin lahat yun.
You can never really put a good man down. In fact, lalong nagbo-bloom ang career niya.
At isa sa kino-consider niyang magandang opportunity ang Bakit Di Totohanin kasama ang favorite leading lady at special friend niyang si Juday.
"Naniniwala kasi ako na hindi ako dapat nagpapa-affect sa intriga dahil mas maraming tao ang mataas ang expectation sa akin as an actor."
Actually, hindi lang gandang lalaki ang puhunan ni Piolo. Magaling siyang umarte. Natural na natural. Ilang beses ko na rin siyang napanood at nakakapag-adjust naman siya sa pino-portray niya.
Sa likod ng camera, Piolo is a simple guy na nagbabasa ng Bible, loves dog, nanonood ng feel-good movie and gets inspiration from his most unforgettable character, Mother Theresa.
At any rate, kung papanoorin nyo ang Bakit Di Totohanin, iisa ang magiging comment nyo - sila na!
Nag-start mapanood ang nasabing pelikula last Wednesday. Ayon sa report, P8 M ang kinita nito sa opening day.
Now it can be told na naghahanap ng bagong formula ang moviegoers. Ayaw na nila ng basta pelikula lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended