^

PSN Showbiz

Industriya, pinapatay ng piracy!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
"Nag-explain na si Rustom (Padilla) tungkol d’yan (item tungkol sa umano’y nagsayaw si Rustom ng naked sa opening ng Ratsky Cebu) pero hanggang ngayon ayaw pa rin siyang tigilan ng mga nang-iintriga sa kanya. Kawawa naman ‘yung tao. Wala naman siyang ginagawang masama, pero lagi siyang nasi-single out sa mga intriga," Nestor Cuartero avers sa isang phone conversation nang mag-react siya sa lumabas na item dito tungkol sa insidente sa Ratsky Cebu.

Nestor (Rustom’s business manager) also informs na hindi totoong na-cancel ang airing ng Paradise sa Singapore. "Nagi-air pa ‘yun hanggang ngayon. Saka tuloy ang contract niya sa Media Works dahil two-year contract ang pinirmahan namin sa kanila," he adds.

In fact, after Paradise, may ibang show pang gagawin sa Singapore si Rustom according to Nestor.

Nagtataka lang siya (Nestor) kung bakit favorite ang alaga niyang intrigahin samantalang nagtatrabaho lang naman ang actor.

Bukod sa kanyang contract sa Media Works, magi-start na ring mag-shooting si Rustom ng Yamashita Treasure starring Danilo Barrios and Camille Pratts for Regal Films.
*****
Nangako si Speaker Jose de Venecia na tutulungan niya ang movie industry para maipasa sa Kongreso ang isang bill na magbibigay ng mas mataas na parusa sa nagpa-pirate at bumibili ng piratang produkto na patuloy na pumapatay sa industriya ng pelikula at musika sa bansa.

Bukod sa anti-piracy law, nanghingi rin ng tulong ang mga taga-industriya kay Speaker de Venecia para pigilan ang 20% tax increase ng mga taga-pelikula, telebisyon at atleta.

Sa mismong bahay ni Speaker naganap ang nasabing meeting last Monday night na organized ni Ms. Marichu Maceda. Lahat ng sector sa entertainment industry ay may kanya-kanyang representative.

Napag-usapan ang tungkol sa patuloy na pagbagsak ng pelikula at musika sa bansa dahil sa piracy na no. 1 problema ngayon ng industriya.

Nagsalita si Martin Nievera tungkol sa malaking epekto ng piracy sa career niya. Ayon kay Martin, malaki ang nawawala sa kanya at sa ibang recording artist sa bansa.

Sinabi rin ni Martin na isa sa mga first move nila ay never silang pipirma ng autograph sa mga pirated copies ng kanilang CD.

Ayon sa kuwento ni Gary Valenciano na present din sa nasabing meeting, one time raw nagpunta siya sa Singapore, may nagpapapirma sa kanya ng autograph, believe it or not pero compilation ng hit song nila ni Martin.

Sa part naman ng taga-pelikula, si Lawrence Tan na representative ng ABS-CBN & Star Cinema ay umapela rin kay Speaker de Venecia na urgent ang tulong na kailangan ng pelikula. Isa sa binigay na example ni Mr. Tan ay tungkol sa pelikula nilang Mila starring Maricel Soriano. Hindi pa man daw pinalalabas sa mga sinehan ang pelikula ay may pirated copies na.

Sa part naman ng mga record producer, sinabi ng kanilang representative na five years ago, 80 ang recording companies sa bansa, pero ngayon 14 na lang.

Ayon naman kay former MTRCB Chairman Armida Siguion-Reyna, totoong unti-unti nang namamatay ang industriya at kailangan na itong tulungan ngayon. Ang problema lang, si Senador Ralph Recto lang ang nag-express ng interes na mag-sponsor ng bill sa Senado.

May representative rin sa nasabing meeting ang PAMI headed by Ms. June Rufino, Regal Films (Ms. Roselle Monteverde), GMA 7 (Joey Abacan), KAPPT (German Moreno) at iba pang bahagi ng entertainment industry.

Nagbuo na ng committee ang grupo para makipag-meeting uli kay Mr. Speaker para makagawa ng isang solid position paper.
*****
Speaking of piracy, representative Imee Marcos of 2nd District of Ilocos Norte proves na concerned siya sa entertainment industry. Ito ay matapos niyang i-introduce sa Kongreso ang House Bill 1077 na nagsasaad nang madaliang pagi-establish ng anti-piracy body with teeth and power to fight entertainment media piracy and thereby protect the legitimate entertainment media industry.

"This proposal therefore, seeks to establish an Entertainment Media Regulatory and Anti-Piracy Board or the EMRP which will enable to address the demand of the time."

Naka-enumerate sa nasabing house bill na sa kabila ng laws and penalties, "film and music piracy have reached an alarming stage that the Philippines is now No. 3 in Asia, manufacturing and selling pirated entertainment media materials. We are on the watchlist of international intellectual property protection organizations because of this. Piracy has caused the decline in revenues of legitimate entertainment business owners which could have helped them pour back the money into the economy and most importantly, the government is losing millions of pesos in taxes which could have been utilized to bring better services to the people."

Nabanggit din sa nasabing house bill na ang EMRP ang magiging lead agency ng gobyerno na lalaban sa entertainment media piracy. "It shall have the authority to regulate the importation, exportation, manufacture, reproduction, distribution, sale, lease and disposition of entertainment media."

Nakasaad pa rito na ang kapangyarihan ay cover the entire territory of the Philippines kasama na ang economic zones, considering the reports that the most productive manufacturer ng pirated discs ay located inside Clark Development Corporation.

"This law shall not preclude the appropriate implementation of other relevant laws such as the intellectual property, the E-commerce law, Revised Penal code and others. It also sets stiff penalties and sanctions for violations.

"This proposal, in effect, repeals Presidential Decree 1987 which created the Videogram Regulatory Board in the 1980s to fight pornography and classify material in videograms. It also sought to empower the VRB to fight piracy."

vuukle comment

AYON

ENTERTAINMENT

MEDIA

MEDIA WORKS

PIRACY

RATSKY CEBU

REGAL FILMS

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with