Sa preggy issue, Direk Joyce Bernal, nagsalita na
August 27, 2001 | 12:00am
Si Robin Padilla ang pinagdududahang ama ng dinadala ni direk Joyce Bernal dahil sa closeness na namagitan sa kanila. Lalo pat may pahayag daw si Ms. Bernal na type rin niya ang naturang action star.
Pero sa isang interview, tinawanan at pinabulaanan ito ni Robin.
"Joke lang po yon. Nagkausap na kami ni direk Joyce, and its true na pregnant siya. Pero hindi po ako ang ama. Wala po akong kinalaman sa kalagayan niya ngayon," pagtanggi agad ni Robin.
Inamin din ni Robin na dahil sa kumalat na tsismis na ito, nagdulot ito ng away sa kanila ng kanyang misis na si Liezel.
"Normal lang naman siguro sa isang misis ang mag-react. Siyempre, hindi rin nga maganda na malaman ng misis mo na ang mister niya nakabuntis. Hindi yon nakakatuwa, di ba?" sabi pa niya.
Sa kabilang banda, nagbigay din ng kanyang pahayag si direk Joyce at nilinis niya ang pangalan ni Mr. Padilla.
"Ayoko ring palakihin pa ang isyu. Ang importante, masaya ako," pag-iwas ng box office director. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended