^

PSN Showbiz

Pakinggan sana kami ng pamahalaan!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Muling ipinakita ng industriya ng pelikula ang pagkakaisa. Sa pagkakataong ito, ay para tutulan ang plano ng pamahalaan na dagdagan ang withholding tax ng mga artista, atleta, talent manager at iba pang bahagi ng industriya ng pelikula sa bansa.

Kung iisipin, hindi talaga ito ang tamang pagkakataon sa pamahalaan na muling dagdagan ang buwis ng mga taga-showbiz. Napaka-wrong-timing. Hindi ba nila nakikita ang paghihirap ng movie industry?

Marami na ngang nawawalan ng trabaho dahil maraming movie producer ang ayaw nang gumawa ng pelikula dahil sa patuloy na paghina ng pelikulang Tagalog. Maraming sinehan na rin ang nagsara. Kung iisipin, ilang tao na ang nawalan ng hanap-buhay na ngayon ay hindi alam kung paano bubuhayin ang kani-kanilang pamilya.

Hindi ba ito nakikita ng pamahalaan? Kung itutuloy nila ang planong additional 20% withholding tax, mas maraming manggagawa ng industriya ang mawawalan ng tabaho.

Siyempre, ‘yung mga ibang producer na nakikipagsapalaran pa sa paggawa ng pelikula, baka tuluyang sumuko na at mag-iba na lang ng line of business.

Sana naman, huwag balewalain ni Finance Secretary Isidro Camacho ang panawagan namin na kalimutan muna ang kanilang plano.

Noong nakaraang Biyernes ay nagtungo kami sa tanggapan ni Sec. Camacho. Pero nasa Singapore siya kasama ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang pagbisita doon.

Tanging ang finance undersecretary lang at dalawang representative ng BIR ang humarap sa amin.

Halos lahat ng malalaking artista ay nandoon last Friday dahil nga bumuo kami ng Alliance of Concerned Entertainers (ACE) kung saan iisang bagay lang ang aming ipinaglalaban - kalimutan ang 20% additional witholding tax.

Ipinagdarasal ko na sana ay pakinggan ng pamahalaan ang aming munting kahilingan.
* * *
Binabati ko ang Red Bull owned by George Chua sa kanilang pagiging champion sa PBA’s Commissioner’s Cup.

Siyempre malaki ang naitutulong ng Red Bull sa aming Master showman. Kaya naman ganoon na lang ang suporta ko sa kanila.

Nakita kong punong-puno ang Araneta no’ng championship. Naalala ko tuloy ‘yong panahon ng Master Showman at That’s Entertainment na nagagawa naming punuin ang Araneta.
* * *
Ano ba talagang totoo sa Cool Dudes?

Maraming naglabasang katanungan pero di pa rin ito nabibigyan ng linaw kung kumita ba ito o hindi. Pero maraming nagsasabi na hindi ito tinao sa mga sinehan.

Kung ako ang tatanungin, isa sa nakikita kong problema ay pawang mga lalaki ang binigyan ng promo sa nasabing pelikula kaya hindi ginanahang panoorin ng mga kabataan.

Hindi man lang nila binigyan ng importansiya ang mga partner nila Cogie, Danilo at James.

Nakikita ko namang may potential sina Angelene Aguilar, Glaiza de Castro at Jem Estrada.

Next time, sana bigyan nila ng equal exposure ang mga female partner sa pelikula para naman magkaroon ng kilig factor.

ALLIANCE OF CONCERNED ENTERTAINERS

ANGELENE AGUILAR

ARANETA

COOL DUDES

FINANCE SECRETARY

GEORGE CHUA

RED BULL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with