Di na nabalik ang friendship nina Angelika at Suns
August 26, 2001 | 12:00am
Inamin ni Angelika dela Cruz sa pagpirma niya ng 2 year-six picture contract sa Viva Films na hindi na sila close ngayon ni Sunshine Dizon, co-star niya sa napaka-popular na soap operang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
"Nag-uusap kami, nagbibiruan sa set pero, hindi na nabalik yung friendship namin, yung closeness. Lubha kaming naapektuhan ng mga intriga na ginawa hindi lamang para saktan siya kundi, siguro, para sirain ako. We talked and straightened things out pero, hindi rin nagbalik sa dati. Sayang, dahil never kaming nag-away," ang may panghihinayang na sabi ng magandang aktres na maligaya sa kanyang pagiging ka-pamilya ng Viva ngayon. "Alam ko na dito ay mabibigyan ako ng magagandang movies at maaalagaan ng husto. Wala pa talaga akong pelikula na masasabi kong akin," dagdag pa niya.
Nakatakda niyang makapareha sa Viva sina Dingdong Dantes at Robin Padilla. Wala pang istorya para sa kanila ni Dingdong pero gagawin nila ni Robin yung Baby Ama. Sinabi niya na wala pang formal offer sa kanya ang Solar Films bagaman at nababalita na gagawa siya ng pelikula dito na pang-Manila Film Festival.
"Mayroon naman akong option to do an outside film once a year, so bale dalawa ito na pwede kong gawin sa labas ng Viva," pagtutuwid niya.
With Viva, inaasahan niya na magiging smooth ang takbo ng kanyang movie career. Hindi sakop ng kanyang kontrata ang kanyang recording. "Sa recording lang naman ako may problema. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto sa akin ng BMG. Nagpaalam kasi ako sa kanila para mag-record sa iba. Pumayag naman sila pero, gusto naman nila ngayon na kumuha ng commission sa Alpha Records. Wala ring problema yung recording ko sa Japan. Ive just been there to promote my album, "In My Dreams". Nakasama nga ito sa top recording sa Japan. I also have a column in a magazine there. In English ito pero, may translation in Japanese sa opposite page. Sa aking website, napakaraming sumusulat sa akin, mga foreigners, pero nahihirapan akong maintindihan ang mga sinasabi nila dahil characters ang mga ito," sey pa niya
At 19, wala pa ring boyfriend si Angelika. Mayroon siyang special friend sa isang taga-showbiz pero, ayaw niya siyang pangalanan. "Friends pa lamang kami," pagtutuwid niya saying na may isa pa siyang suitor na taga- showbiz at tatlo pang non-showbiz.
Napakalaki naman pala ng magiging gastos ng unang pelikula ni Joyce Jimenez sa Regal Films na pinamagatang Ano Bang Meron Ka. Forty million daw. Kapareha niya rito si Diether Ocampo.
Para sa isang box-office star na tulad ni Joyce, kumita ang mga pelikula niyang Warat, Scorpio Nights 2, Linlang, Biyaheng Langit at Narinig Mo Na Ba Ang L8est, hindi masisisi ang kumpanya ni Mother Lily Monteverde na gastusan ang kanyang pelikula.
Isa siyang high-living, party-going lifestyle writer at isang special events organizer na naniniwala sa kasabihang "love em and leave em" hanggang makilala niya ang isang guwapong bartender na ang prinsipyo sa buhay, lalo na pagdating sa pag-ibig, ay taliwas sa paniniwala niya. Gusto man niya dedmahin ang lalaki, napakalakas ng kilig na ibinibigay nito sa kanya.
Ang Ano Bang Meron Ka ay nasa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
Nagkaroon ng formal launching sa Enchanted Kingdom ang "Servant Of All Kids, Sing", ang pinaka-huling album sa matagumpay na serye ng inspirational albums mula sa Viva Records, ang "Servant Of All".
Prodyus ni Jeanne Young ang album na bumenta na agad ng 20,000 kopya sa unang araw nang paglabas nito. Ang makapaloob dito ay isang koleksyon ng mga songs, prayers and lullabies na pambata pero magugustuhan din ng mga may edad na. Gaya ng "Sing" na inawit ni Lani Misalucha kasama ang Edsa Shrine Kids; medley ng "God Is Good All The Time". "God With Us" at "Father Abraham" na inawit nina Cocoy Laurel, Denise Laurel at ng Edsa Shrine Kids, Inawit naman ni Christopher de Leon ng Who Wants To Be A Millionaire ang rock medley ng "Sunday School Rock", "The Lord Is My Tower" at "The Name Of The Lord". Ang Edsa Shrine Kids ay kumanta ng medley ng "Buhay, Buhay", "Im Free" at "Ang Buhay Ng Kristiyano" kasama si Bishop Soc Villegas. Si Adrian Panganiban naman ang kumanta ng "Paggalang (Po, Opo)" kasama sina CJ at Chevy Mercado at ang PG 13 naman ang kumanta ng "If Youre Happy And You Know It".
May number din sa loob sina Lotlot de Leon at anak na si Janine at ang lola nitong si Pilita Corrales . Ito ang "Beautiful", "All Day Song" at "Hes Got The Whole World In His Hands". Kinanta naman ni Tintin Bersola ang "Someones Waiting For You". Sali rin si Jeanne Young ("May All Your Dreams Come True"), Verni Varga ("Jesus Loves Me (This I Know"), UP Cherubim ("Evening Prayer", "Seek Ye First", "Prayer of St. Therese of the Child Jesus" at "Kumbaya".
Nakasali naman sa production of the album sina Julius Babao, Bro. Bo Sanchez, Ida Marie at Isaac Tambunting.
Itinatampok din sa album ang artwork ng 11-year old Smokey Mountain artist na si Eldrine Santiago.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended